fearless : marion


I’m watching the Philippine version of Fear Factor on ABS-CBN [Channel 2] because of Ram Sagad and Marion Angelo dela Cruz [in photo].  According to the press kit, Marion is 21 years old, born and raised in Vienna, Austria to Filipino parents.  His father is a driver for an embassy and his mother is a cleaning lady for another embassy.  He says he wants to win the top prize in Fear Factor so that he can convince his folks to move back to dear old Philippines. Cute kid!

rddantes

Advertisements

puhunan ni criselda v. sa casino … sex


Kalat na kalat na ang sex video ni Criselda Volks. Yun ang barometro ngayon ng mga kalalakihan, kung wala kang kopya ng video ay hindi ka in dahil napag-iiwanan ka na ng panahon.

Marami na kaming nasisilip na sex video ng mga banyaga at lokal na personalidad, pero kakaiba itong kay Criselda, pinakamataas na antas na ng pam­bababoy sa isang babae ang nilalaman ng naturang sex video.

Hindi gaanong pamilyar sa aming paningin ang lalaking kasama ni Criselda sa video, at talaga namang hindi ito ang magiging pokus ng pambababoy, kundi ang aktres.

Grabe ang mga eksenang mapapanood sa video, talagang detalyadong kinunan ang kanyang puwerta, mga OB-Gynecologist lang ang binigyan ng lisensi­yang gumawa ng ganun kapag nagpapaanak sila.

Pero parang ganun na rin mismo ang ginawang pam­bababoy at pagpapakita sa triyanggulo ni Criselda, parang tahong na ibinubuka-buka pa ng lalaki ang kanyang puwerta, extreme close-up ang pagkakakuha sa kanyang ari.

Hindi maikakaila na si Criselda Volks ang babae sa video, bago kinunan ang kanyang puwerta ay nagkaroon muna ng mga eksenang nag-uusap sila ng lalaki, dun mo makikitang si Criselda nga ang bidang babae sa binaboy na palabas.

Parang langung-lango si Criselda, humahalinghing pa siya at lumiliyad-liyad na parang ipinauubaya na niya nang buong-buo ang kanyang katawan sa lalaki, walang akto ng panlalaban na makikita sa kabuuan ng sex video.

Wala na, talagang pinagpistahan ng lalaki ang pag­lalaro sa kuwebang pinagmulan ng kanyang anak, kung isang babaeng makaluma ang makakasilip nun ay paniguradong maduduwal ito.

Bukod sa sobrang pagkuha ng close-up sa kan­yang ari ay meron pang eksena habang pinapalu-palo ng sandata ng lalaki ang palibot ng kanyang puwerta, pinuno ng larawan ng ari ni Criselda ang buong screen.

Napakagaga ni Criselda Volks para payagan ang lalaki na ilagay siya sa napakatinding kahihiyan.

showbiz mismo:cristy fermin

psn online

jose manalo sasampahan na ng kaso ng inabandonang asawa


KAPAG naging maganda ang usapan between Liza Manalo at ng lawyer na inirekomenda sa kanya, malamang ay tuluyan na niyang ididemanda ang kanyang komedyanteng first husband na si Jose Manalo.

Kasong pag-abandona  o hindi pagsuporta sa mga anak ang kasong isasampa ni Liza sa dating mister.

According kay Liza, nagkausap na raw sila  ni Jose noon at nagkasundo sa suporta. Pero, hindi raw tumupad sa kasunduan si Jose at  hindi na ito nakikipagkita sa kanya.

Ang second wife na lang daw ng komedyante ang ipinapakausap kay Liza. Kaya ngayon, desidido na si Liza na idemanda ang naturang komed-yante na regular na napapanood sa Eat Bulaga at sa Full house ng GMA-7.

Bukod sa dalawang regular shows ni Jose sa channel 7, meron din siyang pelikulang mala-pit nang maipalabas bu-kod pa sa gabi-gabing show sa ilang sikat na comedy bars.

May nakapagsabi rin sa amin na isang luxury SUV ang minamaneho ngayon ni Jose at kung ganito nga karami ang blessings na natatanggap niya ngayon, bakit kaya hindi niya suportahan ang kanyang mga anak sa kanyang unang asawa para hindi na nag-rereklamo si LIza?

Kung sakali at true lahat ang bintang sa kanya ni Liza,  makikialam kaya o poprotektahan kaya ng GMA-7 at ng Eat Bulaga si Jose?

Bukas ang pahinang ito sa paliwanag ng komedyanteng si Jose.

watsup:joey sarmiento
journal online

valerie concepcion binigyan ni willie revillame ng P7-m na pambili ng bahay


Valerie Concepcion

BIBILI ng bagong bahay ngayon si Valerie Concepcion, isa sa mga bida sa comedy show ng ABS �” CBN na Banana Split.

Ang napili niya ay magandang bahay sa isang subdivision sa Quezon City na  nagkakahalaga ng pitong milyong piso (P7-M).

Ang una niyang tiningnan ay ‘yong nasa Las Vista, kaso nagkaroon ng problema kaya hindi niya itinuloy ang pagbili roon.

Isyu ngayon na ang P7-M na ibibili ng bagong bahay ni Valerie ay ‘bigay’ ni Willie Revillame. Kaya lalong tumindi ang tsismis na mayroong lihim na relasyon ang dalawa.  Nagsimula ito nang mahuli minsan si Valerie ng isang movie reporter na dinadalhan ng pagkain si Willie dressing room ng noontime show nitong Wowowee.

* * *

palaban:gary santa ana
journal online

jon, mahal na mahal ng biyenan


GUESS who was the first person na nag-react at tumawag kay Jon Santos after he announced sa TV Patrol World na three-and-a-half years na siyang kasal sa kanyang better-half na si West Stewart.

Well, si Batangas Governor Vilma Santos, isa sa kanyang ini-impersonate at tuwang-tuwang ini-impersonate siya ng comedian.

Jon, who has never made secret his gender (yes, he is gay), submitted to a same-sex marriage last August 24, 2005 sa isang civil union sa North York Family in Toronto, Canada.

Obviously, ang kanyang new civil status ang dahilan why for a time ay parang “namahinga” muna si Jon sa kanyang trabaho.

After all, his better-half can well afford to support him.

West is an Italian industrialist who’s a key player in the local renewal energy industry.

Jon himself comes from a nakaaangat na pamilya. He finished college at De La Salle University.

Jon is one of the most admirable at professional performers na kilala namin.

* * *

Jon revealed na nakilala niya si West through fellow comedian and impersonator Tessie Tomas, herself married to a foreigner.

They met sa isang party hosted by Tessie sometime January 3, 2005.

Until now, according to Jon, in awe pa siya sa mga nangyayari sa kanyang buhay may-asawa. His in-laws, his mother in-law, specifically, loves him, he said.         Ipinagkatiwala nito sa kanya ang isang paboritong recipe na never pang nai-share sa ibang manugang.

Back to showbiz, hopefully full-time si Jon, this time as an actor. Ginagampanan niya sa seryeng Humingi Ka sa Langit ang papel ng isang stern-looking doctor, si Dr. Jerry Dionisio.

Humingi Ka sa Langit is topbilled by Judy Ann Santos and Derek Ramsay.

We bumped into Jon sa corridor ng ABS-CBN last Sunday while on his way to the taping. Naka-costume siya.

* * *

We heard that Rustom Padilla is himself playing a gay role sa Eva Fonda, which has Cristine Reyes in the title role.

The said part was first offered to Fanny Serrano, who felt that doing a series would be too taxing for him.

“Kung wala sana akong negosyo,” ani Fanny. “Maraming taong nagtatrabaho sa aking parlor (Fanny Serrano Beauty Salon) ang nakadepende sa akin. ’Di puwedeng sarili ko lang ang isipin ko.”

Guesting in TV shows is not a problem kay Fanny, though.

He is currently on a Caribbean cruise with Sharon Cuneta’s family.

In the cruise are Sharon, Sen. Kiko Pangilinan, KC Concepcion, Frankie and Miel.

Bago, wika nga, nagladlad ng kapa si Rustom, isa siya sa pinaka-in demand na leading man.

One of his best films was Gumising Ka, Maruja, where he was teamed up with former wife, Carmina Villarroel.

tattle:nel alejandrino
journal online

susan roces pahinga muna sa showbiz



Nabalitaan namin na gusto raw munang magpa­hinga ng movie queen na si Susan Roces sa pag­tang­gap ng panibagong TV series pagkatapos ng Iisa Pa Lamang.

Aminado si Manang Inday (Susan) na napasabak siya nang husto sa puyatan ng taping kaya gusto muna niyang i-enjoy ang kanyang mga apo sa anak niyang si Mary Grace at sa mga pamangkin niyang sina Sheryl at Renzo Cruz.

Although tanggap na niya ang maagang pagka­wala ng kanyang yumaong mister, ang movie king na si Fernando Poe, Jr., hindi niya ikinakaila na hina­hanap-hanap pa rin niya ito.

* * *

Kakaibang experience ang naranasan ni Annabelle Rama, ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa kanyang kaarawan kaya naman tuwang-tuwa ang birthday celebrant.

“Matagal na itong pangarap ni Ruffa na mag-birthday sa isang yate. Naunahan ko pa siya. Hindi lamang sa isa kundi sa tatlo (dalawa ang pag-aari ni Willie Revillame at isa kay Gov. Chavit Singson),” natatawang pahayag ni Annabelle.

* * *

Loveless pa rin hanggang ngayon si Ara Mina matapos silang mag-break ni Polo Ravales noong isang taon.

Sa halip na ma-depress, super busy si Ara sa kanyang kabi-kabilang raket hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Katunayan, kababalik lamang niya galing Amerika kung saan siya nagkaroon ng series of shows.

Pagbalik naman dito ay kabi-kabila rin ang kanyang mga out of town shows. Kapag may libre naman siyang oras ay nakalaan ito sa kanyang negosyo at kasama na rito ang Café Mina na matatagpuan sa may Riverbanks.

Masipag sa Ara si trabaho kaya nasasaktan siya kapag naiintriga at pilit na ikinakabit sa isang taong may sabit na.

* * *

Soon to be father ang 19-year-old actor na si John Wayne Sace at ito’y hindi niya ikinakaila.

Non-showbiz ang girlfriend ni John Wayne na isang taon ang tanda sa kanya.

Five months na umano ang ipinagbubuntis ng kasintahan ng batang actor. Sinabi rin ni John Wayne na wala umano siyang balak na itago ang kanyang nalalapit na pagiging isang ama dahil proud umano siya sa kanyang magiging unang baby.

Ang tanong, handa na nga kaya si John Wayne na akuin ang responsi­bilidad ng isang ama considering na 19 pa lamang siya at walang stable na pinagkakakitaan?

* * *

Hindi maikakaila na nasaktan nang husto si Anne Curtis sa break-up nila ni Sam Milby dahil hindi nito maiwasan ang mapaiyak sa first major solo concert ni Sam last Saturday (Oct. 25) na pinamagatang I Am Sam, Rock­oustic Heartthrob na ginanap sa Aliw Theater.

Ang buong akala ng marami ay hindi na sisiputin ni Anne ang kanyang guesting sa concert.

Kasalukuyang nasa Amerika si Anne for a much-needed vacation.

rated a: aster amoyo

psn online

miss earth 2oo8


EARTH ANGELS. Miss Philippines, Karla Henry, strikes a pose during the press presentation of Miss Earth candidates at the Traders Hotel in Manila. Miss Bosnia and Herzegovina Alisa Zlatarevic, Miss Thailand Piyaporn Deejing and Miss Brazil Tataiane Kelen Alves also charm photographers. Coronation night will be on Nov. 9 at the Clark Expo Amphitheater. Photo by Ernie Tenorio

yasmien, jc nag-iisnaban


Yasmein Kurdi

TOTOO palang malamig na ang samahan ng dalawang dating magka-love team na sina Yasmien Kurdi at JC de Vera. Mismong kay Yasmien nanggaling na never na silang nagti-text or nagku-communicate ni JC mula nang magkaroon sila ng magkaibang programa sa Siyete.

Si JC ay kapartner ngayon ni Rhian Ramos sa Lalola, samantalang si Yasmien ay partner si Dion Ignacio sa bagong soap na Saan Darating ang Umaga?

Nasabi rin sa amin ni Yasmien na never niyang   naka-MU si JC kahit pa nagkasama sila sa tatlong soap opera ng GMA.

Nabalik ang isyu kina Yasmien at JC nang magsalita si JC sa Showbiz Central last Sunday hinggil sa totoong naging relasyon nila ni Yasmien.

Ayon kay JC, never silang naging mag-on ni Yasmien, pero nang sabihin ito ni JC ay “na-lie” siya sa lie detector test.

Idinugtong  pa ni JC na kahit “mutual understanding” (MU) ay hindi raw sila nagkaroon ni Yasmien.

Inamin din  ni JC na kahit magkita sila ni Yasmien ay hindi sila nagbabatian o nagkaroon ng communication pagkatapos nilang magtambal sa mga soap opera.

Depensa naman ni Yasmine, busy daw siya at maaaring busy din si JC kaya hindi sila nagti-text sa isa’t isa.

Nagsimula na si Yasmien na  mag-taping nu’ng October 18  para sa Saan Darating ang Uma-ga? na si Maryo J. delos Reyes ang direktor.

* * *

PAGKATAPOS ng Magnifico, muli na namang pupunta ng Brussels International Film Festival si Direk Maryo J.

Napasama sa competition category ng 2008 Brussels Filmfest  sa November ang huling obra ng direktor na  Torotot, prodyus ng Viva Films at pinagbibidahan nina  Precious Adona, Yul Servo at Baron Geisler.

Kasama ni Maryo J. na pupuntang Brussels ang M-Gage member na si Orlando Sol. Si Orlando ay invited ng organizer dahil siya ang umawit ng theme song ng Torotot.

‘Di pa sure kung kai-lan sa November aalis sina  Maryo J., Orlando at Yul papuntang Brussels .

Sa ngayon ay busy sina Maryo J. at Orlando sa soap na Saan Dara-ting ang Umaga?

Orlando will play the best friend of Dion Ignacio. Si Yul naman ay busy sa soap na Lalola.

cut:noel asiñas
journal online

management ng isang network, pursigidong piratahin ang sika na sports-tv personality


TULOY ang pangungumbinse ng teacher ng sikat na sports-TV personality na lumipat ito ng network. Deadset daw ang management ng network na makuha siya at ang dati niyang teacher ang tulay.

Ipinarating sa sports-TV host na willing mag-put-up ng sports show ang network basta’t lumipat lang siya, pero loyal sa station na nagtiwala sa kanya ang binata.

Hiningan namin ng reaction ang manager ng sports-TV personality sa effort na ma-pirate ang kanyang talent.

Ang sagot lang nito’y “saan ang ethics, Father?” dahil pari pala ang kumukumbinse sa sports-TV personality na mag-switch ng network.

* * *

NAURONG sa December 3 ang dapat sana’y November 18 showing ng  indie film ni Sam Milby na Cul-de-Sac (Dead End) .

Produced ito ng Cinemabuhay with Albert Martinez as head  para sa PLDT-Smart Foundation.  Showing ito sa lahat ng SM cinemas nationwide.

Bukod kay Sam, kasama rin sa cast ng pelikula sina Jodi Santamaria at Chin-Chin Gutierrez sa direksyon ni Juan Miguel Sevilla.

May balak na ilaban sa film festival abroad ang pelikula na binigyan ng P1-million funding.

Samantala, bida si Albert sa special episode ng Maalaala Mo Kaya na kukunan sa Beijing, China, mula November 20 to 25.

Wala pa raw napipiling leading lady sa nabanggit na episode.

Sinubukan naming hingin ang comment ni Albert sa inamin ni Niño Muhlach sa isang interview na may breast cancer nga ang misis nitong si Liezl.

Maikli ang sagot ng actor na “Better not comment…I’ll just focus on work and family.”

* * *

NAGWO-WORKSHOP sa Trumpets si Princess Violago bilang preparasyon sa pag-a-active niya uli sa showbiz, hindi lang nito masabi kung saang network siya next mapapanood dahil nakikipag-usap pa sila.

Last napanood si Princess sa Ako si Kim Samsoon at naghihintay pa siya ng susunod na project at para ’di masayang ang oras, she’s back in school sa UAAP.

Balik-painting din siya at ’pag umabot sa 50 ang paintings, magho-hold siya ng exhibit at ibebenta sa friends ng mom niya ang paintings at ang perang malilikom ay ido-donate niya sa mga batang mahirap.

Sa halip na magalit, natawa lang si Princess sa tsismis na nagbuntis siya kaya isang taong nawala sa eksena.

Ang kapatid pala nitong si Melissa, na kamukha niya, ang nakitang buntis na nagsimba sa Christ the King sa Green Meadows. Pati ang ina ni Princess, natawa sa tsismis.

Sinagot ni Princess ang impression ng tao na kaya kulang siya sa drive to make it big sa showbiz ay dahil mayaman sila.

“Ayoko ng ganu’n at hindi lang pera ang nagpapasaya sa atin. Enjoy ako sa showbiz, masarap umarte, kaya nandito ako. Saka ang pera, ’pag ’di ka marunong mag-invest, mawawala rin sa ’yo,” pahayag ng dalaga.

basta:nitz miralles
journal online

cristy may bago nang masisilungan?


Without a scintilla of doubt, Cristy Fermin caps this year’s rundown of the biggest showbiz events. Literal kasi na hanggang huling araw ng 2007 (December 31) ang effectivity ng ipinataw na suspension order sa kanya by the TV network that she has perpetually referred to as “ang istasyong may haplos ng pagmamahal.”

Showbiz Book of Quotations would never be complete kung wala ang pamosong linyang ’yon ni Cristy which she so delivered with crispness at the Star Awards for TV many years ago. Nasungkit niya ang inaasahang pagkilala sa kanya bilang Best Showbiz-Oriented Talk Show Host ng noo’y namamayagpag na Showbiz Lingo.

That line, na walang binatbat sa mga quotable quotes ng noo’y tinaguriang Quotation Queen na si Janice de Belen, was Cristy’s rhetorical and oratorical way of sealing her loyalty to ABS-CBN.

For years since then, Cristy had remained like a soldier protecting the ABS-CBN fortress against the enemy, ang GMA 7. Siyempre, kasama na rin doon ang pagpa-patronize ni Cristy sa lahat ng mga programa nito which she admits to be in full support of, the least she cares about GMA, its programs and its artists.

On the promise nga na pinrotektahan ni Cristy ang ABS-CBN, kung kaya’t in return ay sumisigaw rin siya ng proteksyon over what she deemed was an unfair suspension. Her tabloid columns here and there say it all.

However, despite Cristy’s firm position, naninindigan ang nakausap ko mula sa ABS-CBN na paglabag umano ’yon sa nakasaad na kontrata ng TV host, damay pati ang kanyang radio program. And for all that Cristy is whining about is a matter, according to my source, that can be resolved by silence.

But one thing though is loud: Ito’y ang ispekulasyon that in all probability, Cristy, like a squatter forced to evacuate on the strength of a demolition order, will resettle somewhere.

Privy to certain informal negotiations, saka na ang mga detalye. Hindi matatapos ang taong 2008, may bago nang tahanang masisilungan si Cristy, na ngayon pa lang ay pinananabikan ko nang marinig kung anong uri naman ng “touch” ang hatid nito sa kanyang kalamnan.

peruse me: ronnie carrasco

psn online

pag-uwi ni guy, kinumpirma ni kuya germs


Kinumpirma ni German Moreno na darating si Nora Aunor sa bansa para mag-show.

Ani Kuya Germs: “Nakausap ko si Guy sa phone, marami nga raw siyang offer at namimili ng tamang project. Guy also confirmed na darating siya  para tuparin ang matagal nang paanyaya sa kanya ng fans.”

Through phone rin naikuwento ni Kuya Germs na may green card na si Ate Guy, kaya puwede na itong magbalik ’Pinas.

Wala na raw magiging problema ang Superstar kung gusto niyang bumalik ng Tate.

Masayang-masaya nga raw ito habang kausap si Kuya Germs. Nangako pa si Guy na pagdating ng bansa, babawi sa mga pagkukulang sa fans, sa mga kaibigan at sa pamilyang iniwan — sina Matet, Lotlot, Ian, Kiko at Kenneth.

Samantala, nangako si Kuya Germs kay Ate Guy na susuportahan niya ang pagbabalik ng kaibigan dito.

Speaking of Kuya Germs, naikuwento rin niya na isa siya sa mga unang nakaalam na buntis si Vina Morales.

Siya rin daw ang nagpayo sa singer-actress na huwag ilihim ang pagbubuntis.

Balak daw kasi ni Vina na magpunta ng Tate para doon isilang ang sanggol, pero pinigilan siya ni Kuya Germs dahil lalabas at lalabas din naman daw ang katotohanan.

“May naililihim ba sa showbiz? I told Vina na huwag nang magpunta ng Tate, ilabas at sabihin na niya ang katotohanan dahil malalaman at malalaman din ang tunay niyang kalagayan,” dagdag na tsika pa ni Kuya Germs.

Nagpapasalamat nga pala ang veteran TV host sa lahat ng artistang bumati sa kanyang kaarawan. Isang buwan ipinagdiwang ng Master showman ang kaarawan niya sa Walang Tulugan.

Simula nga pala sa November 15, mapapanood na ang Walang Tulugan sa Studio 3 ng GMA-7, kung saan ginagawa ang SOP every Sunday.

gerry ocampo
journal online

kampo ni richard, dedma sa isyu kay aljur


MASALIMUOT ang tsika tungkol sa diumano’y banggaan nina Richard Gutierrez at Aljur Abrenica sa isang bar sa Makati City kamakailan.

Ayon sa balita, nagkita-kita ang grupo nina Chard at Aljur sa Fiamma Bar matapos ang inauguration ng GMA Network Studios.

Diumano, ka-join ni Aljur ang Kamandag leading lady ni Chard na si Jewel Mische.

Base sa kuwento, parang lumalabas na nagselos si Chard dahil magkasama ang kapuwa produkto ng StarStruck.

Kaya, nagkaroon umano ng maikling argumento bago ang sinasabing tapikan.

Tikom ang bibig nina Aljur at Jewel sa isyu, although sa isang recent presscon, dinenay ng dalaga na nagkaroon sila ng relasyon ng binata ni Annabelle Rama.

Pati ang kampo ni Chard, ayaw mag-comment o mag-react, lalo pa raw at wala namang direktang interview na ibinigay o ibinibigay si Aljur tungkol sa insidente.

Ibang usapan na nga lang daw kung si Aljur mismo ang magsasalita tungkol dito.

Isang source rin ang nagpahayag sa Tonight na hindi si Jewel ang kasa-kasama ni Aljur nu’ng gabing ’yon, kundi sina Rhian Ramos at Marco Alcaraz.

* * *

SPEAKING of Richard, na-miss siya at si Dingdong Dantes ng press na dumalo sa Fashion Week show ng Bench sa main atrium ng SM Mall of Asia nu’ng Linggo ng gabi.

Paliwanag ng Bench owner na si Bench Chan, ura-urada at last minute kasi ang desisyong sumali ang Bench sa nasabing Fashion Week, kaya hindi na kinayang isali ang lahat ng endorsers nila.

Nilinaw din ni Mr. Chan na walang kinalaman sa non-appearance ni Chard ang naging kontrobersiya sa Bench fashion show sa Araneta Coliseum.

Aniya pa, kahit kailan, wala namang naging problema sa pagitan ni Chard at ng Bench.

Umiwas na nga lang si Mr. Chan at biglang nag-babu sa press nang pilit pang intrigahin ng mga kaharap. Hahaha!

Anyway, successful ang ginawang fashion show ng Bench sa MOA.

Nagtiyaga ang mallgoers na magsiksikan sa main atrium para lang makita in person ang kanilang mga idolo.

Kabilang sa mga rumampa sina Bruce Quebral, Jake Cuenca, Rafael Rosell, Regine Angeles, John Prats, Jon Avila, ang loveteam nina Kim Chiu at Gerald Anderson at marami pang iba.

Nasa audience naman para magbigay ng moral support ang mag-asawang Richard at Lucy Gomez.

* * *

MUKHANG seryoso na ang “little rich girl” na si Princess Violago sa pagbabalik-showbiz.

Isang taon ding nawala sa eksena ang minsan ay tinaguriang “Chona Chikadora” ng now-defunct showbiz talk show ng GMA-7 na S-Files, dahil nagtungo sa Amerika.

Aminado si Princess na nanghihinayang siya sa naudlot na showbiz career.

Kung hindi raw siya naging pasaway at walang pakialam noon, kasing laki na sana siya ni Marian Rivera ngayon.

Hindi pa naman daw ganu’n kasikat ang bida ng Marimar at Dyesebel noon, at katunayan, ito  raw ang ipinalit sa kanya sa programang Hoo U nila nina Patrick Garcia at Jolina Magdangal sa Siyete.

Sa tingin niya’y hindi pa huli para siya’y bumawi at magseryoso sa trabaho.

Mas mature na raw siya ngayon at 23, at na-realize ang lahat ng pagkakamali.

Kung dati’y masyadong sosyal ang naging dating niya, apat ang escort, ngayo’y simple na lang daw siya, isa na lang ang bodyguard at yaya.

“Gusto ko talaga ang showbiz, I enjoy being famous. Gusto ko ’yung naa-approach ako ng mga tao, hina-hug ako.

“Showbiz is my future. I’m a freelance now and I’m open sa lahat ng may magandang offer, kahit ABS-CBN pa. I’m also currently doing workshops,” sey pa ni Princess.

Willing daw siyang i-try ang lahat — acting, hosting — although hindi niya pa kayang makipag-kissing scene.

Katuwiran nito, “I’m taking care of my family name.”

ian fariñas
journal online