carla abellana, artista na!


carla_abellana_smiles

without really going into the details, sapat nang i-welcome natin sa mundo ng showbiz ang bente anyos na anak ni rey ‘pj’ abellana na si carla.  pumirma siya recently ng kontrata kay mother lily.  pretty noh? kamukha ko siya when i was her age! -eklavumer

heto naman ang isang artikulong nakalap ko from abante online:

CARLA ABELLANA PALABAN KAY MARIAN

carlaabellana2 HINDI maitatanggi na may hawig kay Ma­rian Rivera ang bagong contract star ng Regal Entertainment na si Carla Abellana, anak ni Rey ‘PJ’ Abellana, at apo ng beteranang aktres na si Delia Razon. Hindi raw problema kay Carla kung ihambing siya kay Marian, lalo na at magkahawig sila. “That’s good. Okey lang. She’s somebody I respect. She’s a very good actress. She’s very beautiful!” sabi ni Carla.

Bongga si Carla, dahil tulad ni Marian (na nagtapos ng kolehiyo sa La Salle Dasmariñas), nakapagtapos din siya ng kursong Psychology sa La Salle (Taft Avenue). Pero, ang pagkakaiba nga lang daw, cum laude siya nu’ng nagtapos siya ng kolehiyo.

Anyway, tulad ni Marian, beterana na rin si Carla sa paggawa ng commercials. Sa tantiya ni Carla, mahigit sa 10 na ang commercials na nagawa niya. Ikinuwento rin ni Carla na masaya ang Lola Delia niya na pinasok na rin niya ang showbiz. “She’s happy! When she found out, ang laki ng smile niya,” say pa ni Carla. Sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes ang mga type makapareha ni Carla sa mga gagawin niyang project.

Anyway, naging tea­cher din ng mga bata si Carla, kaya alam niya ang kiliti ng mga bata. At giit ni Carla, galing daw siya sa konserbatibong pamilya, kaya hin­ding-hindi raw siya magpapakita ng alindog sa harap ng kamera. Pero, kung ganda at husay magsalita ang pagbabasehan, tila palaban nga si Carla kay Marian. Siyanga pala, ang da­ting player ng Ateneo, at player na ngayon ng Ba­rangay Ginebra na si JC Intal ang madalas na nakaka-date ni Carla ngayon.

carla abellana

carla abellana

Advertisements

cristine reyes, mas seksi sa ate niya!


Cristine Reyes
Gusto namin ang ipinakitang katapatan  ni Ara Mina sa  The Buzz nu’ng siya ang umupo sa hot seat bilang panauhin sa Tough Ten segment nito.

Ilan sa mga naitanong kay Ara ay ang tungkol sa  pribado niyang  buhay at ngayon lang  inamin ng aktres na may boyfriend na uli siya  after her relationship with Polo Ravales.

Isang Chinese businessman pala ang nobyo ngayon ni Ara, partners sila sa ilang negosyo before at magkasundo   uma-no sila.

Matipid pero may kilig na nagbibigay ng impormasyon si Ara tungkol sa bago niyang karelasyon.

Aniya, 6’1 daw ang height ng guy nang tanungin ni Kris Aquino kung naipakilala na siya sa pamilya nito ay napatango ang sexy star.

“Oo, ipinakilala na niya ako sa parents niya, sa mga kapatid niya. Nag-dinner na ako sa kanila.”

Hopefully, this relationship is something for keeps.

Kasi nga,  maging si Ara ay nagsasabing she’s not getting any younger na rin, she wants to work things out  din.  Pero, nilinaw ng aktres, bagama’t gusto niyang magkaanak, hindi siya nagmamadali. Not at this time.

Ipinagmamalaki rin ni Ara ang kapatid niyang si Cristine Reyes.

Kahit madalas sinasabing mas magaling at mas sexy si Cristine, okey lang ito kay Ara.

Tanggap daw niyang mas sexy naman talaga ang batang kapatid at siya naman ay may katangian din na wala kay Cristine.

Nu’ng tanungin kung ano ang ipinagkaiba nila?

“Mas bilugan ang katawan ko sa kanya, si Cristine, slim talaga siya. Ano ang meron ako na wala siya? Kumakanta ako,”  kaswal pang sagot ni Ara.

Halatang iritable lang si Ara nu’ng tungkol sa issue sa kanila ni Manny Pacquiao ang itinanong sa kanya. Luma na raw kasi ng isyung ‘yan at walang katotohanan ang chikang ni-link siya kay Manny noon.  Sana raw ay patahimikin na siya ng mga nang-iintriga sa kanya at sa boxing champ.

Oo nga, mag-move on na ‘noh!

chanchan torres/journal online

katrina halili, tsugi sa bagong GMA7 show


May pagbabago ang cast ng TV remake ng Viva Films movie na Do-Re-Mi na gagawin ng GMA 7 dahil hindi na namin narinig ang pangalan ni Katrina Halili na ang alam namin, siyang makakasama nina Yasmien Kurdi at Jennylyn Mercado.

Tuloy pa rin daw sina Yasmien at Jennylyn pero si Rhian Ramos na ang kanilang makakasama. Hindi namin alam kung nasa original cast ba talaga si Katrina o wala at kung pinalitan si Katrina dahil sa controversy na kina­sangkutan nito.

Matagal pa ang Do-Re-Mi, kaya hindi pa alam kung sino kina Yasmien, Rhian at Jennylyn ang magpo-portray sa role na ginam­panan nina Mikee Cojuangco, Donna Cruz at Regine Velasquez. Pero ngayon pa lang, gusto nang papayatin ni Lolit Solis si Yasmien para hindi magmukhang mataba katabi nina Jennylyn at Rhian.

Natawa kami sa biro ni Lolit na hinahanap niya ang lamok na kumagat kina Pauleen Luna at Angel Locsin at ipakakagat daw niya si Yasmien para pumayat. Biro lang ito ng manager ni Yas at ’di siya dapat maapektuhan.

nitz miralles/psn online

wished-for comeback of mike de leon, other directors


Photo is loading...


For 2009, how I wished good directors led by Mike de Leon would return to filmmaking. Mike’s latest movie was shown almost 10 years ago, the classic in black and white, Bayaning 3rd World. It focused on two filmmakers, Ricky Davao and Cris Villanueva, searching for the “real Jose Rizal,” Joel Torre.

But then a Mike comeback might be a pie in the sky as the director is reclusive, would rather be alone like Greta Garbo.

Surely, moviegoers miss and pine for such De Leon films as Itim (his first), Kung Mangarap Ka’t Magising, Kakaba Kaba Ka Ba, Sister Stella L, Kisapmata, Batch ’81, an episode of Aliwan Paradise.

Well, who knows! Mike might just surprise us in 2009.

Other inactive directors come to mind: Laurice Guillen, Marilou Abaya, Romy Suzara, Elwood Perez, Carlitos Siguion Reyna, Gil Portes, Mario O’Hara, Peque Gallaga, Eddie Garcia.

Before Olive Lamasan, Rory Quintos, Cathy Garcia Molina and Bb. Joyce Bernal, Laurice and Marilou were the two top lady directors.

Laurice directed Kasal (her first) Salome, Init sa Magdamag, Tanging Yaman, American Adobo, Santa Santita — excellent films all. Just as impressive is the track record of Marilou: Brutal, Karnal, Moral, Muro Ami, Jose Rizal, Milagros.

Romy is one of the country’s finest action directors. Think of Rudy Fernandez’s Pepeng Shotgun. But he also excelled in dramas like Laruang Apoy, Pag-Ibig Na Walang Dangal, Uod at Rosas, Mga Bilanggung Birhen (sharing credit with Mario O’Hara).

Mario wrote and directed one of Nora Aunor’s finest films, Tatlong Taong Walang Diyos, giving her the first Urian Best Actress award in the mid-’70s. Other O’Hara gems: Kastilyong Buhangin, Bakit Bughaw ang Langit, Bagong Hari, Fatima Buen, which earned Kris Aquino an Urian Best Actress nomination. It gave John Regala the Best Supporting Actor trophy from the Urian and Star awards.

Gil needs another Mga Munting Tinig to put him on the international scene. The film went to the Oscars (Best Foreign-Language Picture category), Palm Springs and several US cities, Toronto, Singapore. Other memorable Portes movies: ‘Merika, Andrea, Miss X, Saranggola, Gatas and Markova.

Markova gave Dolphy and sons Eric and Epi Quizon the Best Actor/Actress trophies in Brussels, a first in filmfest history.

To date, Peque’s epic Oro, Plata, Mata remains etched on my mind, his best, followed by the erotic Scorpio Nights and the bittersweet Unfaithful Wife.

Elwood has been “threatening” for the nth time to stage a comeback. Hopefully, it will happen this year. He directed the award-winning Bilangin ang Bituin sa Langit and Pacita M.

Carlitos is currently teaching filmmaking in Singapore but may he find the time and energy to direct one of these days. His credits include such fine films as Misis Mo, Misis Ko, Hihintayin Kita sa Langit, Ligaya, Selya and Azucena.

Last but not the least is Eddie Garcia, durable actor and excellent director. Aside from those hard action pictures, Eddie directed two memorable Nora Aunor and Vilma Santos movies, Atsay and Saan Nagtatago ang Pag-Ibig, respectively.

ricky lo/philstar online

‘sagwan’ premiere


sagwanphoto

Premiere of uncut version of SAGWAN on February 4 at the UP Film Institute, UP Diliman , QC .

SAGWAN features Ryan Dungo, Dennis Torres, Martina Wilson and Mark Portus.

Director: Monti Parungao.

tiwayangga: the stryker!

pera ng aktor sa atm, nilimas ng dating syota


Friends of this aspiring young actor are happy that finally he appears to be, wika nga, moving on.

Alam kasi nila kung gaano ininda ng binata ang ginawa sa kanya ng kanyang girlfriend, na isa ring commercial model-turned-movie star nang makipag-break ito sa kanya.

Tagung-tago ang kani-lang naging relasyon kaya  kung may nakakaalam man tungkol dito, ito ay ang malalapit lang sa kanila.

Ganunpaman, walang  ideya ang mga ito how deep the relationship was, hang-ga’t their friend was left in the cold. It was only nang maghiwalay na ang dalawa when they discovered that because of his great love for his girlfriend, lahat-lahat ay ipinagkatiwala niya dito.

Yes, kasama na ang kanyang ATM.

Heto na ang siste. Nang mawala sa buhay ng lalaki ang babae, kasama ring naglaho lahat ng savings ng lalaki sa kanyang ATM.

Kung may itinira man ang babae, iyon ay sapat lang para mapunuan niya ang kanyang mga pangangailangan, hangga’t sa kanyang next assignment.

Kaso, dinibdib nang husto ng binata ang mga pangyayari. For a time, napabayaan niya ang kanyang sarili including his career.

He is lucky that his home studo has welcomed him anew.

But since both he and his former girl work for the same network, well, chances are their paths will somehow cross.

Ito ang, kumbaga sa isang teleserye, magandang abangan.

nel alejandrino/journal online

marian rivera : magiging ‘good girl’ na!


Nagsimula sa interview na nauwi sa bull session ang pagharap sa press ni Marian Rivera na malaking tulong dahil alam na niya ngayon ang feelings at sentiments ng press sa kanya.

Maganda rin na tinanggap ng aktres ang kanyang mga pagkakamali at pagkukulang sa press, sa fans at sa co-stars at nangako itong babaguhin ang lahat ng pagkakamali at pagkukulang niya at kung kina-kailangan niyang humingi ng tawad sa mga na-offend at  nasaktan niya ay kanyang gagawin.

Unang tanong kay Marian ay kung bakit humarap siya sa press na sinagot naman nito in all honesty. Sabi nito: “Unang-una, gusto kong mapalapit sa inyo at makilala ninyo ang totoong Marian. Nitong mga nakaraang mga buwan, sobra akong nasaktan sa mga nasulat tungkol sa akin at kailangan ko namang magpaliwanag. Kung may nasaktan ako, willing akong mag-sorry.”

Apektado ba siya sa mga nega na nasusulat sa kanya?

“Hindi ko sasabihing hindi dahil nasasaktan ako lalo na ang pamilya ko at nangako ako sa kanila na aayusin ko ito. Tao lang ako, hindi ako perfect at aminado akong may mga nagagawa akong pagkakamali at itutuwid ko ‘yun.

“Hindi ko sinasabing babaguhin ko ang sarili ko dahil ito talaga ako, mag-iingat na lang ako at mas bibigyan ng time ang fans at press. Humihingi ako ng pasensya at kung may nasaktan man ako, nagso-sorry ako.”

Binanggit ng press na marami ang nasusupladahan sa kanya at ayaw magpakuha ng picture sa fans at pumayag mang magpa-litrato, laging nagmamadali. Ang sabi naman ni Marian, dahil ‘yun sa hectic niyang schedule at minamadali rin siya ng kanyang mga kasama, but starting today, kakikitaan na siya nang pagbabago.

“Na-realize kong ’di puwede ang ganu’n at ’di lahat ng tao ay maiintindihan ako at dapat pipiliin ko ang mga binibiro ko. Nakita ko ang mali at pagkukulang ko, at least, natuto ako.

“Nagulat ako’t okey naman noong una, pero nagkasunud-sunod ang tira sa akin. Ang sakit at ang hirap. Mas gusto ko mas maraming nagmamahal at nakakaintindi sa akin.”

“Ang problema rin sa akin, transparent ako at ‘di ko alam na bilang artista kailangang maingat ako sa mga sinasabi at ikinikilos ko. Magiging conscious na ako sa mga tao sa paligid ko at kung nagmamadali ako, magso-sorry ako at iiwasan kong wala nang magalit sa akin.”

Naniniwala ba siyang may demolition job sa kanya?

“Ayokong isiping may ganu’n. Gusto ko lang magtrabaho at magpasaya ng tao at happy naman ako sa trabaho ko, until dumating ang sunud-sunod na issue.”

Agree si Marian na nagsimula ang pagka-nega niya sa break-up nina Karylle at Dingdong Dantes dahil siya nga ang sinasabing rason ng paghihiwalay ng dalawa na muli nitong itinanggi. Ang alam din niya, okey sila ni Karylle at nagbabatian sila, pero nang mag-break ito at si Dingdong, naiba na ang sitwasyon.

Speaking of Dingdong, iingay lalo ang tsismis sa kanila’t madalas silang makitang lumalabas. Last Friday, nakita sila sa Oliver’s Sandwich sa Rockwell, kahapon nag-lunch sila sa isang resto sa Serendra bago ang interview sa kanya.

Ano na ang status ng relationship nila ni Dingdong?

“Lumalabas kami, tumatawag siya at nagtatanong kung may lakad ako at kung wala, nagyayayang mag-lunch o dinner. Hindi ko sinasarado ang pinto kay Dingdong dahil lagi kaming magkasama, sa shooting, sa taping, sa shoot ng commercial.

“Open ako sa mangyayari sa amin at wala akong makitang problema dahil pareho kaming single. Lagi kaming magkasama at ’di malabong magkagusto ako sa kanya. Pero, hindi pa time para magka-relasyon kami, kung isasabay namin ‘yun, ang dami pang isyu, kaya enjoy muna kaming lumalabas, kumakain at nag-uusap,” pahayag ni Marian.

Nilinaw din ni Marian na tinapos na niya ang isyu sa kanila ni Karylle at kung magkita sila’y, babatiin niya ito. Ganu’n din si Boy Abunda na nasulat na may issue rin sa kanya. Wala raw siyang galit sa TV host.

Sino ba talaga si Marian?

“Kung ano ang nakikita ninyo, ‘yun ako. Kalog ako, makulit, mapagmahal lalo na sa mga taong mahal sa akin at mahal ako.”

Bago natapos ang interview, kinulit si Marian kung ano ang Christmas gifts nila sa isa’t isa ni Dingdong. Binigyan niya ng Omega watch ang actor at special picture frame naman ang ibinigay nito sa kanya.

Samantala, inamin ni Marian na napi-pressure sila ni Dingdong sa napaagang premiere ng Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang na eere na sa February 2, pero sabi ni Redgyn Alba, ang PUM ng soap, three weeks na silang nagti-taping, maganda ang istorya ng soap at maraming bagong ipapakita sina Marian at Dingdong na magugustuhan ng fans at viewers at naniniwala silang susubaybayan ito.

Ipinagdarasal naman ni Marian na maging maganda ang rating ng bagong soap nila ni Dingdong.

nitz miralles/journal online

philip salvador : nahatulang makulong!


KINATIGAN ng Office of the Solicitor General ang naunang desisyon ng Regional Trial Court na inilabas noong 2006 na “guilty” si Phillip Salvador sa kasong estafa na isinampa laban sa kanya ni Christina Decena noong taong 2002.

Sa naturang desisyon ay hinatulan si Phillip na makulong ng 6-12 years.

Kahapon, natanggap ni Cristina ang rekomendasyon ng Office of the Solicitor General sa Court of Appeals na ganito ang nakasaad:

“It is respectfully submitted that the prosecution established  beyond reasonable doubt appellant’s guilt of the crime of estafa under Article 315, Phar. (A) of the revised penal code.

“Hence, it is respectfully recommended that the judgment appealed from being in accord with law and evidence, the affirmed in toto with cost against appellant.”

Ang nasabing desisyon ay pirmado ng Solicitor General na si Agnes Devanadera, Asst Solicitor General na si Raul J. Mandin at Senior State Solicitor Raymond I. Rigodon.

Matatandaang sa desisyon ng Regional Trial Court ay binigyan ng 6-12 years na imprisonment si Kuya Ipe at kinatigan lang ito ng Court of Appeals.

Nang makausap namin si Cristina kahapon sa telepono, aniya ay hindi niya alam kung matutuwa siya o malulungkot sa nangyari.

“Napatawad ko na siya. Ayoko naman siyang makulong dahil tatay din siya. Pero wala na akong magagawa. Nang humingi siya ng tawad kasi sa akin, convicted na siya. And there’s no such thing as recantation o ‘yung pagbawi ng aking mga ginawa o sinabi dahil convicted na siya,” pahayag ni Cristina.

Gayunpaman ay karapatan pa rin daw ni Kuya Ipe na umapila sa Supreme Court.

Sa kasalukuyan ay hindi pa namin nakakausap si Kuya Ipe sa kanyang damdamin hinggil dito.

vinia vivar/journal online

richard at kc sa dilim naglalambingan


Photo is loading...


Sa isang beach sa Palawan planong magpakasal ni KC Concepcion, pero sa Italy ang reception. Yup, you read it right. Sobrang na-in love kasi siya sa mga beaches sa Palawan nang mag-shooting sila sa Coron ng When I Met U.

“Puwede ba yun?” sabay tanong at tawa ni KC kahapon.

Plano lang naman yun in case na magpakasal siya na malabo naman talaga dahil kung sa Palawan ang kasal, malamang sa Italy na lang ang honeymoon.

Pero matagal pa naman siyempre bago magpakasal ang dalaga ni Megastar Sharon Cuneta dahil wala pa siyang commitment kahit sa leading man niyang si Richard Gutierrez sa When I Met U pero buking silang naglalambingan sa dilim sa shooting nila sa Palawan na hindi na nila naitanggi dahil may mga nakakita sa kanila.

“We always play beautiful music together,” sabi ni Richard tungkol dun.

Anyway, kung halatang minadali ang nauna nilang pelikula, For the First Time, sampung beses naman palang inayos ang script ng When I Met U. Pero natapos sa loob lang ng 16 days.

Kahit nga raw si direk Joel Lamangan ay bumilib sa sarili niya dahil matagal din nga naman siyang hindi gumawa ng pelikulang may kilig factor. “Milestone nga raw sabi ni direk Joel,” kuwento ni KC.

Pero sabi nga ni Richard, maraming hirap silang pinagdaanan sa pelikulang ito. Andiyang nagpalublob sila sa putik, nag-hotdog costume si KC at kung anu-ano pa lalo na dun sa part na na-trap sila sa isla.

Ito na ang last project nila together kaya ngayon pa lang nakakaramdam na sila ng lungkot.

Sa part ni Richard, mami-miss niya ang tofu (vegetarian si KC) na parating dalang pagkain ni KC sa shooting.

“Gagawan ko nga siya ng tofu lechon. Sobrang vegetarian,” sabi ni Richard sa kapareha sa Valentine presentation ng GMA Films at Regal Entertainment.

Si KC naman, mami-miss niya raw ang pagiging sobrang relaxed ni Richard kahit may pressure sa shooting nila.

“Parang hindi trabaho ang pinupuntahan namin, excursion ang tingin niya ’pag may shooting kami ng out ot town,” sabi ni KC.

At kung discreet magparamdam ng pagmamahal si Richard, kabaligtaran naman si KC. “Mararamdaman mo talaga ang pagmamahal niya,” pagbubuking ng aktor.

Depensa naman ni KC: “Likas naman sa babae ang magpakita ng pagmamahal.”

Anyway, kasama rin sa pelikula sina Iya Villania, Alfred Vargas, Cherry Pie Picache, Tirso Cruz III, Chinggoy Alonzo at marami pang iba.

Showing ito on February 11, at may premiere night sa February 10 sa SM Megamall.

salve de asis/psn online

kamalditahan ng aktres naging mitsa sa pagkalaos


Photo is loading...


Nakatanggap ako ng maraming e-mails mula sa mga fans at detractors ni Marian Rivera. Nagpapasalamat ang mga fans ni Marian dahil pumayag ako na maging publicist niya. Lalo raw sisikat ang kanilang idolo.

Siyempre, nega ang reaksyon ng mga detractors ni Marian. Ang sey nila, feel na raw ni Marian ang pagiging nega niya sa madlang-people kaya pumayag siya na ako ang kanyang maging publicist.

Hindi ako magician. Lalong hindi ako si Elsa na nagsabi na walang himala. May limitasyon ang pagtulong. Nasa tao pa rin ang pagbabago. Kahit marami ang tumutulong sa isang artista para bumango uli ang image nito, siya lang ang puwedeng makakapagpabago sa kanyang sarili.

Sa kaso ni Marian, hindi pa huli ang lahat. Baka nga sobrang pagod lang ang na-feel niya kaya wa niya feel minsan na pagbigyan ang mga requests na autograph at picture-taking ng kanyang mga tagahanga, tulad ng sinabi niya sa akin nang mag-meeting kami noong Biyernes.

* * *

May kilala ako na dating sikat na artista na wala nang career ngayon dahil pinairal ang pa­giging maldita sa mga fans.

Noong nag-uumpisa siya sa showbiz, very accommodating siya sa fans. Picture rito, picture roon as in walang ka­paguran ang hitad.

Nagbago ang kan­yang ugali nang sumikat nang husto. Harap-harapan ang pagtataray niya sa mga fans. Ayaw na niya ng mga photo-op at autograph ek-ek!

Ang kamalditahan ng hitad ang naging mitsa para ma-turn off ang mga fans niya. Nawalan siya ng career dahil nag-goodbye ang kanyang mga tagahanga.

Wala nang nagpapa-picture ngayon sa hitad. Feel ne feel niya na tapos na ang kanyang career at walang gimik na puwedeng makapagpabalik sa kasikatan niya. Imposible na hindi niya nami-miss ang mga special treatments na kanyang natikman noon.

Sa showbiz at kahit saang klase ng trabaho, mahalaga na marunong tayo na makipag-kapwa-tao. Balewala ang talent mo kung maldita/maldito ka at mahirap pakisamahan. Sa showbiz, mas nagtatagal ang mga artista na may konsiderasyon sa kapwa at marunong makisama.

* * *

Read ninyo ang e-mail sa akin ni Dimples na naka-sight sa birthday party ng anak nina Gladys Reyes at Christopher Roxas:

Hi ’Nay Lolit,

Yesterday I attended the party of my friend and it so happened that on the 2nd floor of ‘Lil Fun Ranch at Westgate of Ayala Town Center was also the birthday of Gladys Reyes’ son (Kristoffe).

Saw Troy Montero with Aubrey Miles at kasama yung baby nila. Kaya lang ’Nay Lolit I’ve noticed ’pag malayo, si Aubrey mukha siyang ____pero in fairness, sexy pa rin s’ya.

Si Troy iba na po itsura. Wala na siyang dating…pero mas sexy si Carmi Martin the ever loyal friend of Glayds. Wearing red blouse si Ms. Carmi at through the years eh napaka-sexy pa rin.

Dumating din si Jodie Santamaria Lacson, Ronnie Ricketts with wife Mariz at nandoon din si Dino Guevarra na may kasamang girl na hawig ni Bernadette Allyson at may kargang bata.

Actually, ’Nay Lolit ang ikinatutuwa ko po dito eh itong si Gladys.

Nakangiti kami sa kanya, bigla siyang nag-hi sa amin with matching hand gestures pa. Nang mag-request ako na kukunan ko po siya ng litrato…she gamely posed sa camera ng cellphone ko. She’s wearing green at ang ganda niya.

Manipis ang make-up kaya nga since Mara Clara days pa gusto ko na si Gladys . Isa siya sa HINDI plastikadang artista sa mundo ng showbiz. Mabait pa sa pamilya niya kaya laging pinapagpapala at until now, nasa showbiz pa rin..

Bigla ko na naman naalala si RR na akala mo kung sinong sikat. Akala ng mga watchers ng show niya eh mabait siya. Naku, napakasupladang tao ni RR kaya pinapatay ko ang TV kapag turn na niya.

lolit solis /’take it, take it’ psn online

richard at kc, walang kaagaw sa billing


May nag-react sa nasulat naming billing ni Iya Villania sa When I Met U, pero hindi namin sasabihin kung kaninong kampo.

Sinunod lang daw ang billing nina KC Concepcion at Richard Gutierrez sa For the First Time na pangalan lang ng dalawa ang nakalagay.

Hindi raw sila papayag na may ibang pangalan na above the title kina KC at Richard dahil ang dalawa ang bida sa nasabing pelikula.

Desisyon daw ng Regal at GMA Films na para wala nang reklamo at maipalabas nang walang problema ang movie, alisin na lang sa poster ang ibang kasama sa cast at name na lang nina KC at Richard ang ilagay.

Sa TV at cinema plug, nababanggit ang ibang stars ng movie.

Kahapon ang last shooting day ng movie sa zoo sa Subic at ngayong Lunes, may presscon uli sina KC at Richard para magkuwento tungkol sa pelikula na showing na sa February 11 at may premiere night sa Feb. 10.

nitz miralles/journal online

kapuso host, suklam na suklam kay john lapus


Photo is loading...


Nagsilbing life of the Gutierrez-hosted post-holiday treat for the press ang TV-host-actress na si Ruffa Gutierrez, that she had to co-emcee with Jun Lalin who she thought was such a bore.

But Jun, in all fairness, wouldn’t let such a humiliating remark ram down his throat. Kasi naman daw ay hindi pa mga exciting ang mga ipinapa-raffle na premyo, kaya boring pa ang mga sandaling ’yon.

At another point, sinita uli ni Ruffa si Jun for butting in habang iniinterbyu ng aktres ang isa sa mga alaga ng Royal Era Entertainment. Sey ni Ruffa: “You know, Jun, you’re like someone I know, lagi na lang nananapaw. Ay, what did I say? I’m not gonna mention names na lang.”

On those two counts, cute pa rin ang tingin ko kay Ruffa. Kilala naman kasi siya bilang tipo ng tao who speaks her mind, so does her The Buzz co-host na si Kris Aquino.

Na siya nga bang tinutukoy ni Ruffa na mahilig mangsapaw in their free-for-all segment with Boy Abunda?

* * *

Speaking of Kuya Boy, the imposing Calayan billboard along the Guadalupe, EDSA bridge has him and Pia Guanio, mga hosts ng magkatapat na talk show tuwing Linggo.

Subliminally, gusto kong isipin na gustong ipagdiinan ng kompanya na: Una, kung sa pinagsama-sama ngang billboard ng lahat ng mga Calayan endorsers ay wala si John “Sweet” Lapus, what gave him the illusion na siya, at hindi ang co-host niyang si Pia, ang dapat sana’y kasama ni Kuya Boy? Ikalawa, and more importantly, tsinugi na nga si Sweet kaya nga siya si Bittersweet, ’no!

Anyway, idinaan na sa legal na proseso ni Kuya Boy ang atraso ni Sweet sa kanya, na balitang ’pag sinasapian daw ng espiritu ng alak ay do’n siya nagsisimulang benggahin ang King of Talk. Take note, apat na taon na raw palang sinisiraan ni Sweet si Kuya Boy, kung ang lagay na ’yan ay hindi pa mahaba ang pisi ng pasensya niya, I couldn’t think of a better description.

Para rin sa impormasyon ni Sweet (who can pass for Marian Rivera’s co-nominee on the ‘Nega Star category’).

Isang Kapuso host ang suklam na suklam sa kanya. When invited to guest in a GMA 7 program, tinanong muna ng host kung kabilang daw ba si Sweet sa mga naimbitahan ng staff. At nang malaman daw nitong kasama ito, he readily issued an outright no to the guesting.

Asked kung ano ang kanyang dahilan: “Ayokong kasama si Sweet, nananapaw siya! Idinadaan niya sa ingay ang pananapaw niya.”

Ain’t surprising. Ang latang walang laman, maingay.

ronnie carrasco/peruse me psn online