HINDI natuloy ang pagpunta namin sa celebrity premiere ng This Is It dahil hinintay namin ang pagkanta ni Jude Matthew Servilla, ang 12-year old?Birit Baby 2009 winner ng Eat Bulaga.
Magkasabay ang celebrity premiere ng pelikula ni Michael Jackson at ang solo interview kay Jude Matthew noong Miyerkules.
Pinili namin na makipag-usap sa next important star ng Eat Bulaga dahil sa?makulay na kuwento ng kanyang buhay. Gusto rin namin na mapanood ang kanyang pagkanta.
Nakatira sa La Carlota, Negros Occidental ang pamilya ni Jude Matthew.
Nagbago ang takbo ng kanilang buhay mula nang manalo siya sa Birit Baby contest ng Eat Bulaga.
Nakatira na ngayon si Jude, kasama ang kanyang mga magulang at dalawang kapatid sa isang hotel sa Quezon City, habang inihahanda ng TAPE Inc. ang condominium unit sa San Juan na lilipatan nila. Magpatuloy sa pagbasa