MAEGAN AGUILAR : MAULED BY LOVER, BASHED BY NETIZENS


Maegan Aguilar : Bruised & Battered [photo: Maria Silorio/Facebook]

Maegan Aguilar : Bruised & Battered [photo: Maria Silorio/Facebook]

I’m not sure kung alin ang mas masakit; ang mabugbog ng karelasyon o ang kuyugin ng sanlibutang netizens at pagsabihan ng mga di kaigaigayang komento ukol sa sitwasyon at pagkatao.  Totoong masakit naman talaga ang masikmuraan, ma-uppercut, at pilipitin ang braso ; naranasan ko na ‘yan at ilang araw din akong hindi nakapagtrabaho dahil pikit ang isa kong mata at paga ang pisngi ko. Ang kaibahan lang seguro namin ni Maegan ay minsan lang ginawa sa akin ‘yon samantalang sa kanya pala ay paulit-ulit tuwing nabablackout sa kalasingan ang jowa-jowaan niyang si Ali.  Oo, Aling Bising, live-in lang ang anak ni Ka Freddie at ng ama ng kanyang mga anak.  Hindi rin ako na-bash online dahil wala pang lubos na kamuwangan ang mundo noon sa internet.  Ngayon heto nga at mula sa status ng isang kaibigan ni Maegang si Maria Silorio ay sumingaw ang balitang ito bilang caption ng larawang nakabraces ang leeg nito: “My Bestfriend Maegan Comet Aguilar recieved this nasty beating as a “parting gift” from her live-in partner when she firmly tried to end their relationship. Ali is an alcoholic that often reaches a violent black out state & beats up my friend & threatens her life. Hindi daw po agad-agad nagpa-blotter or nagsumbong si Ate Maegan sa barangay o sa pulis dahil ayaw nya pong lumabas itong parte ng buhay nya sa publiko.Pero ito pong huling insidente ay nagdulot po talaga ng kritikal na kalagayan sa kanya.Sa ngayon po mukhang dislocated ang right arm ni Ate Maegan at kitang-kita din po na lamog sa bugbog at pasa ang likod at hips nya dahil sa pagtilapon sa kanya ni Kuya Ali ng magpumilit itong umuwi sa condo ni Ate kaninang 2:45am.”

Well, am sure naman that you all remember that sometime in recent history ay nagkaroon ng sigalot ang mag-amang Aguilar na humantong sa pagpapalayas ni Freddie sa anak , mga apo at kalive-in nito,  Paulit-ulit na dinikdik sa media na nagsimula sa pasaringan na tumutumbok pala sa di pagsang-ayon ni anak sa batang babaeng inakyat ng ama sa haus nila bilang bagong asawa nito.  Bumubula noon ang bibig ng isang matandang mashubaers na reporter na Cristy Fermin diumano ang pangalan at tuwiran nitong kinondena ang tahasang pagkawalang-galang ni Maegan.  Maraming nakidawdaw like making sawsaw ng manggang hilaw sa gisadong alamang na manamis-namis making pronouncements that she was a disrespectful bitch and how dare she badmouthed her own father.  Feeling ng mga bashers ay napakakinis ng kanilang mga tinuran at siyang tama.  Well, without really having to burst your bubbles you poor cretinous creatures ; parang hindi ninyo naisip muna na firstly , private matter as in family affair ang hidwaang naganap at kung ano man ang dynamics ng kanilang samahan sa loob ng kanilang tahanan ay bagay na kanila lang.  Malay naman natin na pinalaki pala ni Ka Freddie ang kanyang mga anak na maging outspoken at palaban kahit siya pa ang receiving end?  Hindi yon naisip ni Cristy Fermin noh? Yes, merong ganyang relasyon. Specially sa mga dysfunctional household kung saan ay matira ang matibay at lulutang ang matapang.  If you noticed, the iconic singer did not dignify any of his daughter’s rants.  Dahil nga, siya rin ang may pakana kung ano ang kinalabasan ng anak.  Kung makapanghusga ang iba na kesyo, kahit ano ang mangyari ang ‘anak lamang’ si Maegan at wala siyang karapatang ganunin ang ama.  Hello uli.  Obyus ba na kinonsente ang ganitong kalakaran sa loob ng kanilang pamilya.  That’s the way they are and we may not totally happy with it but at the end of night, hindi pa rin mawawala ang lapot ng kanilang mga dugo.  Its really none of my or your business kung paano tinatrato ni Maegan si Ka Freddie.  Ang tanging tutukan na lamang muna natin ay kung makayanan ni Maegan na pakawalan na si Ali at mamuhay na single.  Hindi rin natin alam [although duda ako] na dahil pinatagal pa ni girlalu ang pambubugbog ay dahil nag-eenjoy na siya!  JUICE COLORED!

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s