
Hello? Ang bilis naman ng panahon… ISANG TAON na po ang ALIWAN AVENUE aka EKLAVOOM sa blogsphere! Wala lang, naaliw ako na inabot ko mismo ang 12 months of existence nito. At first kasi nagdalawang-isip pa ako kung ma-maintain ko ang aking enthusiasm sa paghahagilap ng mai-copy-paste na mga chikka o ma-inspire na bumuntonghininga ng aking mga saloobin. Hindi ko pa rin ma-belief na umabot halos sa 1,500++ ang posts ko dito. Yez, nagsimula siyang EKLAVOOM! kasi eeklavoom lang talaga ako, pero a few months back nabuyo akong gawing mas streamline ang effect ng blog title kaya naging ALIWAN AVENUE. So far, ang saya naman ng mundo ko kapag andito ako at syempre thankful ako kay RICOJR dahil nainspire nya ako sa kanyang BLOGGED! Ganun na rin sa mga berks namin na sina SUPREMO1770, KATE, BURAS, JOEY (na nalost momentarily), TALAKERA NG SAN JUAN, CATHY, MYCO, at sa iba pang laging pumapasyal dito , maraming salamat po! Sana, bigyan pa ako ni Lord ng karagdagang panahon para umabot pa ng 2nd yr… etc ang munti kong sulok na ito!
SPECIAL THANKS to my friend POPO SAN PASCUAL for his wonderful paintings i used as header/s of this blog! Thanks a lot , Poping!
EklaVumer
Like this:
Like Ikinakarga...