NORA AUNOR , NAPIPISIL NA GAGANAP BILANG ‘MRS. AGUINALDO’ SA EL PRESIDENTE’ NI E.R. EJERCITO


NORA AUNOR, FINALLY COMING BACK?

Puedeng sabihing isa itong classified information.  Sa radio program ni Jobert Sucaldito, ‘nadulas’ ang co-host niyang si Wendel Alvarez, hence this item.  Sa umpukan raw last saturday sa isang show na produced ni Jobert ay biglang napag-usapan ang movie na ipoproduce ni Laguna Governor E.R. EJERCITO na biopic ni GENERAL EMILIO AGUINALDO.  Syempre nandun kasi Gov. Ejercito at ang kanyang wife at Pagsanjan Mayor Maita Ejercito. Magpatuloy sa pagbasa

Advertisements

rEMEMBERtHEfACE : ISABELLE DIAZ DAZA


Marahil ay napapanahon na upang sumabak sa showbiz ang napakagandang anak ng unang Miss Universe natin na si ISABELLE DIAZ DAZA.  Pamilyar na ang kanyang sariwang mukha sa maraming commercial ads nguni’t nitong huli lang yata siya pinayagan ni Miss Gloria Diaz na maging bahagi ng mundo ng entertainment.  Hindi pa man, tinatayang magdagdag ng ningning at glamor ang pagpasok na ito ni ISABELLE.

pHOTOcOURTESY: leo dominguez

eKLAvUMER

GO SEE


Ang "CASTING FAIR" ng Cinemalaya2011 nitong nakaraang Enero sa CCP

Alam n’yo bang naglipana ngayon ang announcement sa internet na nagsasabing “Casting Call”? Ano nga ba ang mga ito? Well, ang audition, “Go See”, Screening, VTR at Casting Call (sa recent Cinemalaya ang tawag nila ay CASTING FAIR -eKLA) ay pare-pareho lamang ang ibig sabihin na naghahanap ng talents ang isang produksyon na pampelikula, pang-telebisyon, pang-entablado, pang-TV commercials at kung anu-ano pa. Magpatuloy sa pagbasa

CLINT JUN GAMBOA : ISA PANG PINOY NA PASOK SA AMERICAN IDOL TOP 24!


Humahataw na talaga sa international scene ang mga Pinoy!  Unang naitala dito sa AA si Thia Megia bilang isa sa mga kasama sa AMERICAL IDOL 2011 TOP 24 at sa isa pang pagkakataon ay dapat ding mabanggit na dalawa silang may dugong Filipino na pasok sa nasabing patimpalak sa pagkanta. Ito nga ay si CLINT JUN GAMBOA.  Bihasa na rin sa pag-awit ang binata dahil isa siyang Karaoke champion sa California.  Matandaang ilang Pinoy na rin ang nakapasok sa mga unang edisyon ng AMERICAN IDOL na pawang nalagas sa unang mga linggo ng FINAL SHOWDOWN.  Harinawang, this time naman ay isang ASIANO , particular na isang Pinoy ang makasungkit sa grand prize… kaya lang ang tindi rin kasi ng labanan kaya PRAY na lang tayo at enjoyin ang palabas! Magpatuloy sa pagbasa

THIA MEGIA, PINAY… PASOK SA MAGIC 24 ng AMERICAN IDOL 2011!


Nagbunga ang pagtitiyaga ng isang FilAm na nagngangalang THIA MEGIA sa larangan ng pag-awit.  Kung noong kailan lang ay di siya gasinong pinalad sa AMERICA’S GOT TALENT; dito ngayon sa AMERICAN IDOL 10 ay tunay namang napansin siya at pinalad na makapasok sa TOP o MAGIC 24 ng nasabing patimpalak sa pagkanta.  Pinay na pinay kundi man asyatika ang dating ni Thia na ipinanganak at lumaki na sa US of A.  Asahang sa mga darating na araw na mas dadami ang mga inpormasyon tungkol sa penomenal na kinse anyos na talent.  Tinatawagan ng ALIWAN AVENUE ang mga kamag-anakan ni Thia na sana’y magkoment at magdagdag ng mga bagay-bagay tungkol sa papasikat na Pinay sa international scene. Goodluck, THIA!  Magpatuloy sa pagbasa

SINO SI KIKO?


Hindi man siya kilala o alam ang kanyang tunay na pangalan ; sikat na sikat na agad si KIKO.  Si KIKO na diumano ay pinagnasahan ni JOHN LAPUS sa The Library noong Valentine’s Day.  Si KIKO na pinagsabihan ni John ng : ” Si Shalala nga pinatulan mo bakit ako hindi???”.  Si KIKO na handa rawng lumantad upang patunayan ang lahat ng alegasyon ni JOBERT SUCALDITO.  Si KIKO na malamang ay putaktehin ng press people upang mapiga mula mismo sa kanyang mga bibig ang tunay na pangyayari.  Si KIKO na magpapatunay na BINASTOS ang kanyang pagkatao ng isang kilalang gay host/actor.  Si KIKO na minsan ay nananahimik sa kanyang pribadong mundo nguni’t malapit na maisapubliko.   Magpatuloy sa pagbasa

PHIL & JAMES YOUNGHUSBAND : IDOLS NG BAGONG HENERASYON!


JAMES at PHIL YOUNGHUSBAND kasama sina Robert Silverio (na di nagpaawat);Azenith Briones, Eklavumer at Liz Alindogan-Kho

Hindi na mapigilan pa ang tuluyang pagsikat ng putbol sa ating bansa! Ngayon nga at maningning at kabi-kabila ang papuri at paghanga sa mga AZKALS, ang ating sariling football team!  Wala na ring duda na sikat na sikat sa mga kabataan ngayon ang magkapatid na PHIL at JAMES YOUNGHUSBAND; Phil-Brit na magkakapatid na siyang nagbigay buhay sa larong ito dahil sila ay nasanay dito noong nasa U.K. pa sila! Magpatuloy sa pagbasa

LEN LOPEZ, BAGONG INSPIRASYON NI P.NOY?


Kabugin ba uli ni PNoy ang kyuryusidad ng sambayanang tsismoso’t tsismosa nang biglang makita uli siya sa publiko na may kasamang date!?! Sukat ba namang makita silang naglilimayon sa Rockwell Plant kung saan ay kumain sila ng burger! Si Len Lopez ang sinasabing sinusuyo ngayon ng 51 anyos na pangulo.  Si Len ay isang stockbroker ng Deutsche Bank at tinatayang na edad na 38.  Graduate siya sa AdeM U noong 1992; at kabatch niya sina Rico Blanco at ang hihipaging si Kris.  Maraming nagsasabing sana naman ay lumagay na sa tahimik si PNoy nang maranasan na niya ang pagiging isang tunay na ama ng tahanan at harinawang huwag matulad sa mga naunsyaming relasyon niya kina Barbara Milano, Korina Sanchez, Bernadette Sembrano, Shalani Soledad at Liz Uy na pawang nauwi sa kawalan.

CHLOE FERRER

MARIAN RIVERA : WALA NI KATITING NA KAHIHIYAN SA KATAWAN?


Minsan ay dapat ding madisiplina maski ang mga artistang sikat na. Buti na lamang, may mga taong sa tuwina’y sumasapo sa kanila. Sa isang insidenteng naganap mismo sa loob ng eroplano ng isang domestic PAL flight to Bohol province, na-witness ng mga flight passengers doon ang pagiging “carefree but undisciplined conduct” ng mag-dyowang sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

 

Marian: carefree or maleducada?

Magpatuloy sa pagbasa

MANNY PACQUIAO on his HAIRSTYLE : ‘AKIN ‘TO, ‘WAG NYONG PAKIALAMAN!’


JUSTIN BIEBER IKAW BA YAN?  Pero idiniin ni Manny na si Bruce Lee ang inspirasyon ng kanyang bagong istilo ng buhok.  Sa totoo lang, pag ganun ka kayaman kahit anong style mo sa buhay mo KERI LANG. Choz.

eCHOSERANGfROGfROMpRAGUE

Mga Nilumot Na Alaala Ng EDSA : Lamat Sa Alamat?


Bigla akong napa-HELLO sa aking sarili nang masumpungan ko sa radyo na muli ay ipagdiriwang ang EDSA 1.  Ang tinaguriang PEOPLE’S POWER REVOLUTION noong 1986.  Paano ko naman kaya malilimutan ang panahong iyon ; ang panahong ikinaudlot ng mga maraming pangyayari sa aking buhay?  Bagama’t wala na akong nahihita pang masamang ugong sa aking damdamin tuwing naalala ko ang pangyayaring iyon hindi ko pa rin mapigilang magbalik-tanaw…  Magpatuloy sa pagbasa

By eklavumer Posted in dighay

FARTY COMEDY DIRECTOR CALLS TALENT MANAGER “ALIKABOK”!


It comes in threes wika nga.  Pangatlong pares ng patutsadahan sa showbiz ngayon , we had John Lapus & Jobert Sucaldito; then its DJ Mo & Ogie Diaz and now its WEN DERAMAS & RICKY GALLARDO.  Of course kilalang direktor si Deramas dahil sa mga farty comedy films niya with AiAi delas Alas nguni’t hindi gasinong nasa limelight si Gallardo dahil siya ay isang talent manager in the likes of Sid Lucero, Angel Aquino, among others. So bakit naman magkakaroon ng sigalutan sa pagitan ng dalawang personalities na ito?   Magpatuloy sa pagbasa

By eklavumer Posted in ISYU