VICE GANDA : THE WALK-OUT MONSTER?


AMBET NABUS REPORTS : ANO nga kaya ang kinalaman ni kagandahang Anne Curtis sa napabalitang “walk-out” ni Vice Ganda sa It’s Showtime noong Friday, Feb. 25 na ipinalabas naman noong Lunes, Feb. 27? Sa mga kuwento kasing nakarating sa amin , isa nga raw si diosang Anne sa nagpakita ng disgusto sa kakaibang asal ni Vice noong naturang taping na ayon sa aming mga kausap ay “nakasanayan na nilang makita sa taping.” Magpatuloy sa pagbasa

Advertisements

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO : “WAAAAAH!”


Dahil inaalmusal, pinananghalian, meryenda’t hapunan ni SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO ang kaalaman sa batas, mahirap tibagin ang anumang paninindigang kanyang ginagawa sa tuwing mapansin niyang despalinghado ang kalakarang nagaganap sa loob ng impeachment court hearing kay SC Chief Justice Corona.  Nitong mga nakaraan ay sunud-sunod niyang tinuligsa ang kawalan ng masinop na paglalatag ng ebidensya at mga witness ng prosekusyon. Katunayan nga ay napa-“Waaah” siya dahil hindi niya mahanapan ng katinuan ang pinaggagawang aksyon ng prosekusyon.

Magpatuloy sa pagbasa

8th CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL : HINDI TALAGA “MALAYA”?


Biglang nagkaroon ng sigalot sa bakuran ng CINEMALAYA nang diniskwalipika ang dapat sanang lahok ni Emerson Reyes para sa ika-8 taon ng nasabing filmfest. Ang kagya’t na dahilan diumano ay ang kawalan ng chemistry na matatawag sa pagitan ng dalawang bidang nais itampok ng director. Magpatuloy sa pagbasa

CORAZON ANG UNANG ASWANG OPENS MARCH 14 NATIONWIDE


Matagal na ring naulinigan natin ang pelikulang ito na CORAZON lang ang title, pero seguro to put more emphasis kung anong klase siyang dyanra ay nilagyan ng ANG UNANG ASWANG, kaya heto ipapalabas na sa March 14 nationwide ang CORAZON ANG UNANG ASWANG, starring Erich Gonzales at Derek Ramsay.  Istorya ng pagkabigo, pagkakasala at pagiging aswang. Ganun lang kaya kung feel nyo pa ring mashukotrabels, watchalaru na! Directed by Richard Somes.

 

28th STAR AWARDS FOR MOVIES NOMINEES


foto collage: pep.ph

Inihayag na ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang mga nominado para sa 28th STAR AWARDS FOR MOVIES. Magaganap ang makulay na okasyon sa Meralco Theater, Ortigas Ave., Pasig nito sa darating na ika-14 ng Marso, 2012. Sina Sarah Geronimo, KC Concepcion  at  Derek Ramsay ang magiging hosts sa direksyon ni Al Quinn.

 Narito ang mga nominado:

Movie of the Year  … Ang Panday 2 (Imus Productions, Inc. / GMA Films) ;Aswang (Regal Entertainment,Inc.);In The Name of Love (Star Cinema ABS-CBN Film Productions, Inc.);Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story (Viva Communication Inc. / Scenema Concept Int’l.);No Other Woman (Viva Films / Star Cinema ABS-CBN Film Productions) ;The Road (GMA Films);My Neighbor’s Wife (Regal Entertainment, Inc.) Magpatuloy sa pagbasa

ROI VINZON ARRESTED


NEWSFLASH :  A fifty-year old movie actor was recently arrested by police authorities in Baguio City for the non-payment of his mortgage, police reports said on Sunday. Initial reports in Camp Crame said that actor, Roi Guzman, alias ‘Roi Vinzon’ was arrested by elements of Baguio City police office Friday morning along Session Rd., of said city. Magpatuloy sa pagbasa

PAUL SALAS : SUPERSTAR IN THE MAKING!


Hindi siya overnight sensation.  Kung nasaan man siya ngayon ay bunga ng kanyang pamamayagpag mula nang sumali siya sa STARSTRUCK KIDS ng GMA7 noong 2004 kung saan ay tinanghal siyang isa sa 14 finalists. Puede ring sabihing may dugo siyang showbiz dahil ang kanyang daddy na si JIM ay miyembro ng sikat na UNIVERSAL MOTION DANCERS.  Katakataka pa bang bigla na lang nating masumpungang sa bawa’t kibo’t galaw natin ay matatanaw natin siya sa ABS2 nowadays?  Magpatuloy sa pagbasa

By eklavumer Posted in SHOW!

“KUNG BAKIT WALA AKONG VALENTINES” ni Archie del Mundo


Sino bang ayaw ng ka-date tuwing Valentines?  Nakakabuwisit ang traffic. Ang pila kahit saan napakahaba. Lalo na sa mga motel. Ang waiting period, sobrang tagal. Minsan kahit siguro sa lobby, pwede na rin. Kung hindi na makahintay. Sobrang gastos! Mula sa pagkain sa mamahaling kainan. Hanggang sa bayad sa taxi – in and out. At siyempre dagdag pa ang room service. Kung sabagay, pinaghahandaan naman yan. Mula sa pag-iipon hanggang sa mga pabango, regalo, damit, at sandamakmak na kuskos at pamahid sa katawan at mukha.   Magpatuloy sa pagbasa

BRAD LAURENTE MAPAPASABAK SA MATINDING AKSYON SA ‘GALAW’!


Nadikwatan ka na ba ng selpown, much more nakipagtitigan sa mga salarin? Kung hindi pa as in never; malamang maeexcite ang bahay-kiliti mo sa bagong pelikula ni BRAD LAURENTE.  Mismo. Ang kontrobersyal na si Brad sa isang sexy-suspense indielikula  produced by Ogie Diaz and directed by Paul Sighn  Cudail.  Magpatuloy sa pagbasa

JESSICA SANCHEZ, PROUD PINOY SA ‘AMERICAN IDOL 2012’ PASOK SA TOP 24!


Disiseis  lang si JESSICA SANCHEZ, tubong Southern California, USA na may dugong Pilipino at Mehikano.  Sa murang edad ay tinuruan niya ang sariling umawit sa pamamagitan ng pakikinig sa kanyang mga idolong sina Celine Dion, Mariah Carey, Beyonce, Christina Aguilera at Whitney Houston.  Ang angking galing ang naghatid sa kanya na mapasali sa natatanging grupo ng tumatakbong AMERICAN IDOL SEASON 11.

UPDATE :  NAKAPASOK SA TOP 24 SI JESSICA SANCHEZ! Report ni ROBERT TICSON :  NAKAPASOK ang isang Pilipina sa Top 24 ng “American Idol,” sa episode ng reality singing competition kaninang umaga (oras sa Piilipinas).

Kabilang ang Fil-Mexican na si Jessica Sanchez sa 14 na kalahok na umabante sa Top 24 ng pinakasikat na singing contest sa mundo.

Kinanta ng 16-anyos na tubong Chula Vista, California ang “The Prayer” na inawit nina Josh Groban at Celine Dion.

Namangha rin ang netizens sa talento ni Sanchez.

Isinulat ng popular na “Idol” blogger na si Rickey (www.rickey.org) ng “‘Idol’ na: “just discovered the new Charice! Amazing! I’m so happy Filipino readers are going to support my blog again. Mabuhay!”

Sambit naman ng Twitter user na si Natalie Grant said: “OK – so I’m watching American Idol for the 1st time this season but this 16 year old Jessica Sanchez girl blows my mind. What a TALENT. Wow.”

Isa pang Twitter user na Q94jackson ang nagbubulalas na: “She is the freaking winner !!! I’m sorry but she just made me cry and shiver and everything that music is suppose to do!”

Sinabi naman ng New York-based newspaper na Newsday na lumalabas na si Sanchez ang nauunang paborito para masungkit ang titulo ng pamosong paligsahan sa pagkanta.

“Jessica Sanchez might be the favorite right now to win it all; you have to listen when she sings, something compelling about her powerful voice. She’s also got complete control and a burning desire,” saad pa ng pahayagan sa kanilang labas ngayong umaga.

ANNABELLE RAMA’S “BUGAWAN” ISSUE JUST LIKE OPENING A CAN OF ROTTEN WORMS


As if it still mattered, several tabloids took in the libel case filed by showbiz mom & talent manager ANNABELLE RAMA against her own talent and daughter of now her ‘mortal enemy’ Nadia Montenegro. Allegedly , YNNA ASSISTIO chattered away to a certain Janice Navida some intricate details of Rama’s pimping attempts on her and a sister.  Magpatuloy sa pagbasa

NOW GENERATION GAYS… THE MITOSIS CONTINUES!


(screencap from Mga Batang Bading video/emdangla/YouTube)

Nakakakabog nang isiping parang bakteryang dumarami ang mga bakla.  Human right naman kasing maging ano ka sa gugustuhin mo.  Wala ring batas na nagsasabing bawal ang maging bakla.  Meron mang homophobiang tinatawag nguni’t ang sindromas na ‘yan ay kagagawan ng mga matitigas ang pangang ayaw magladlad.

Magpatuloy sa pagbasa