Whew! Ilang araw na akong walang bagong post. Hindi naman dahil sa ako ay tinatamad na o di kaya’y wala nang ma-copy/paste. It just so happened na biglang natulala ang thoughts ko dahil naging busy sa aking muling pagsabak sa mundo ng pangungulet sa madaling araw hanggang tanghali. Napag-isip-isip ko ring kailangan din segurong mag-chill dahil wala naman masyadong earth-shaking happening sa showbiz dahil Kwaresma nga at kalapastanganan nang isipin na makidawdaw sa daigdig ng pagkukunwari ang isang katulad ko na komportable na sa level of decency na narating ko (anowww?).
Yes, TIKA is the word. TIKA as in mag-introspect at sisiirin ang kalalimlalimang himaymay ng ating mga katinuan kung TAMA bang ang TAMA ay hindi dapat mabahiran ng MALI at hanapan ng lugar at katuturan ang MALI sa bawa’t itinaTAMAng MALI… at higit sa lahat ang pagtamasa ng kasiyahang matatamo sa bawa’t MALIng itaTAMA sa panahon ng PAGMUMUNI-MUNI at pag-ALALA sa BANAL na mga ARAW na ating MAHAL.
In the meantime, pakibrowse back na lang at malamang na next week na uli ako mahihimasmasan! INGAT SA BAKASYON AND ON THE ROAD!
eKLAvUMER