Parang hindi mapakali ang solong bulate sa aking tumbong habang tinatahak ko ang landas tungo sa dalawang naghihingalong sinehan dito sa Los Baños Crossing. Alam niyang madudurog siya sa kapipihit ko sa upuan habang manonood ng pelikulang Pinoy ngayong day-off ko. Wala na siyang lusot dahil nakapuwesto na siya sa may bukana. Lalo siyang alumpihit nang maramdamang sa “LoL” ako unang papasok. Sa bungad pa lang , nagdasal na siya dahil napaigtad ang may katawan sa nabungarang eksena. Pantasyang eksena kung saan nagkapalitan ng katauhan ang dalawang matandang bidang sina Sotto at Manalo. Dahil panget ang audio ng sinehan, lalong pumanget ang dating ng palabas. Sa kapiranggot na oras kong dinantayan ang panooring ito ako’y napaigtad at napaisip… ganito pa rin pala ang kagaguhang dulot ng katribu ni Sotto. Ang tingin nila sa madlang manonood ay mga timang at mga walang paggalang sa katuturan ng paggawa ng pelikula, maging ano pa man ang genre nito… nakaligtas at bulate dahil hindi na ako umupo at buma-boo sa 75 pesos na pinaghirapan kong pagpuyatan!
Ngatal pero medyo nakahinga ng maluwang ang bulate. Kaya lang nang tumapat na ako sa bilihan ng tiket, napaigtad uli ito… pa’nu, lilipat lang ako sa kabilang cinema. Ang showing? ‘AND I LOVE YOU SO’. Dahil pagal na sa katatayo sa aking pinanggaling kabila ang aking mga paa, agad akong umupo. Parang may narinig akong isang impit na sigaw… hmmm… ang gwapo ni Sam (na malamang sa hindi ay papatol sa akin dahil balitang joklash itech) … wafu rin si Derek, kaya lang wala na siyang kilig factor sa akin dahil nakaharap ko na siya sa Tagaytay noong nagsisimula pa lang siyang makilala. Feeling ko lang kasing kung magniniig kami tiyak na magkaka-rashes ako sa sobrang body hair niya (choozing veheklish). Maganda si Bea, pero matigas ang fez. Merong kung anong matigas na ‘thingy’ sa kanyang aura. Akting nya masyadong superficial at OA na ang dating kapag binabaran pa. Pumihit ako. Napadaus-os. Napasalampak at napa-shit. Masyado ngang glossy ang pagkagawa ng movash pero napaka-PRETENSYOSA ng dating. Showbiz na showbiz AS IN PLASTIC. PATAY ANG BULATE!
Ewan ko lang kung kelan uli ako manonood ng pelikulang Pinoy!
EklaVumer