kakaALIWAN AVENUE photo of the DAY!


Well, kung pupuwede nga lang ba eh, ganito nga ang gagawin ng mga Pinoy sa ating flag carrier! Avah, anything goes tayo … motor nga ginawa nating skylab, pati pedicab may topload, eroplano pa kaya??? Pero bigla naman tayong mapaisip : safe kayang sumakay sa bubong ng plane? meron din kaya safety belt at parachute para iwas sakit ng katawan? kakayanin kaya ng ating katawan ang pressure kung tataas na ito? hindi kaya tayo sumabog as in dahil sa pressure? in other words, pang-aliw lang talaga ang larawang ito! Hehehe. (fotocredit: BONG DAZA)

Advertisements

CRISTY FERMIN NANGANGANIB MATSUGILUBLANKO SA KAPATID NETWORK!


Who loves CRISTY FERMIN? Tiyak kakapiranggot lang sa row 4 ang magtataas ng kamay.  Marahil ay yaong magtataas pa ay kailangang kurutin para tumalima at hindi pa talaga taos sa puso.  Bihira nga ang totoong ‘nagmamahal’ kay NANAY CRISTY (isang napaka-PATRONIZING na katawagan sa kanya). Inihahalintulad siya sa mga balete sa Balete Drive na matindi na ang kapit ng mga ugat sa industriya.  Mas maraming takot kay CRISTY FERMIN dahil mayroon siyang trimedia power na maaring makapagbagsak ng isang bituin o personalidad. Magpatuloy sa pagbasa

“BAWAL SI TONI GONZAGA SA LOS BAÑOS, LAGUNA AT SA MUNTINLUPA DAHIL PLASTIK SIYA! PLASTIK!” -Mariel


Ang KAPLASTIKAN sa showbis ay kakambal na ng industriya.  Hindi mo piho kung ang nakangiting mukha ay nakangiti ring kaluluwa; which kalimitan ay hindi naman talaga.  May upside at downside ang KAPLASTIKAN pero dahil nga sa talamak ito sa industriya ay kinokonsidera na lamang ito na natural phenomenon of madness (with apologies to Bebs Gohetia’s indielikula) dahil halos lahat ng nariyan ay may bahid nito.  Una magpakaplastik ka para ‘cute’ ang dating mo at magaan ka sa paningin; epektib ito kung sadya ka nga namang kyut.  Pangalawa, magpakaplastik ka para walang gulo; korek, dahil hindi makakatulong sa career ang masyadong pagiging nega… Magpatuloy sa pagbasa

ANNE CURTIS, ROGUE OCTOBER COVER GIRL : PANIBAGONG BABATIKUSIN!


Nang bumulaga sa mga tindahan ang YES! magazine issue kung saan ang cover ay isang NORA AUNOR ay may hawak na sigarilyo; kagya’t na binatikos ng maraming nagmamalinis na grupo ang kaganapang iyon.  Anila pinopromote diumano ang paninigarilyo na sa ngayon nga ay matamang pinatutuunan ng pansin at minamarapat na sana ay tigilan na ng mga adik sa nikotina.  Unang depensa naman ng mga nakakaunawa, MATANDA na si Ate Guy at kahit ano pang gawin niya sa baga niya ay kargo na niya. Magpatuloy sa pagbasa

WORLD ANIMAL DAY Philippines 2011


ANIMAL LOVER ka ba? Karamihan naman sa ating mga tao ay magiliw sa mga hayop maliban lamang dun sa iilang sadyang malupit at walang pag-galang sa mga kinapal ng Panginoon. Lahat ng mga animal lover’s ay inaanyayahang makiisa sa isang natatanging araw , OCTOBER 1 sa SM MALL OF ASIA Music Hall at makilahok sa mga aktibidades na lalong makapagpalapit sa inyo sa mga alagang hayop. Dalhin ang buong pamilya!

MMFF2011 APPETIZER RUN : INDIEFEST @ROBINSONS GALLERIA, DECEMBER 19 TO 21!


Bayani San Diego Jr. REPORTS : Francis Tolentino, chair of the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), has always been vocal about his wish for independent films to be included in the annual Metro Manila Film Festival (MMFF). The MMDA spearheads the MMFF. While the industry may not be ready yet for such a radical move, indies are slowly, and surely, gaining a foothold in the MMFF. For the second year, an independent film section will serve as prelude to the MMFF, which opens on Christmas Day.“It’s like a sidebar to the main competition,” explained filmmaker Mark Meily, who’s a member of the fest’s executive committee. Magpatuloy sa pagbasa

WONDER GAYS… ‘MAY NAG-TWEETTTTTTTTTTTTT…!’ sa OCTOBER 18 NA!


Kabogable ang WONDER GAYS in the sense na nangangabog sila ngayon sa ere with their hit single BLIND ITEM!  Napag-usapan rin sila bigla nang mabanggit ni VICE GANDA na hindi nya kalevel ang mga happy & WONDER GAYS for reasons only known to the animal kingdom! Yezterday mga kafatidlash, bumabandera na rin ang anim na beking ito via their first concert na ‘MAY NAG-TWEEEEEETTTTT …hur hur’ sa ZIRKOH MORATO sa darating na Oktubre 18! At wag isnabin ha bigatin ang kanilang mga guests! GO GO GO WONDER GAYS!!! Ang saya-saya syempre ng kanilang manager na si Lito de Guzman dahil sobrang wagi ang kanyang mga alaga!

By eklavumer Posted in SHOW!

rEMEMBERtHEfACE : Whitney Tyson


Meron pa rin naman segurong nakakaala sa kanya dahil noong late 80s at early 90s ay sumikat siyang bahagya bilang isang komedyana sa tv at pelikula.  Kapansin-pansin kasi ang dating niya na isang Black American mestiza na mataba.  Kung hindi ako nagkakamali ay naging regular siya sa GOIN’ BANANAS at paborito siyang alaskahin ng magbarkadang Johnny, Jay, Boyet etc. Magpatuloy sa pagbasa

Blind Items : WAR OF THE CLAVICLES!


yUCCCKKK!!!

Hindi na raw mapipigilan pa ang pagtatalak ng isang male singer patungkol sa dati nitong manager na nagpalayas diumano sa kanya sa management outfit nito. Hindi raw kasi niya maunawaan ang dahilan kung bakit siya lang ang tinanggal sa roster of talents nito.  Totoong marami siyang reklamo sa naging trato sa kanya ng nasabing outfit dahil totoo naman daw ang lahat ng ito.  Ang hindi niya matanggap ay ang ipingalandakan nito na isa siyang baklang walang utang na loob.  Pigil na pigil na ang nasabing singer dahil masama nga namang matapos kang i-echapuera eh sisiraan ka pang bakla? Magpatuloy sa pagbasa

“POPTALK” : Eating Out In Style With ToniPet Gaba!


Ang sabi ng mga negosyante, kung gusto mong pumatok agad magbukas ka ng kainan … karehan, carenderia, restoran, fine dining! Tiyak raw itong kikita dahil ang pagkain nga naman ay nasa tuktok ng listahan ng mga pangangailangan ng tao!  Pero kung isang tv show na ang pangunahing sangkap ay tungkol sa pagkain at kung saan masarap na mahagilap ito tiyak na wala nang dadaig pa sa POPTALK na mapapanood tuwing alas-10 ng gabi, Martes sa GMA NEWS CHANNEL 11. Magpatuloy sa pagbasa

By eklavumer Posted in tv

JOHAN SANTOS : LIFE GOES ON AFTER PINOY BIG BROTHER!


Dahil laganap nga naman ang PINOY BIG BROTHER, hindi katakatakang napansin nang bonggang-bongga si JOHAN SANTOS noong nakapiit siya sa loob ng bahay ni Ate… este Kuya.  Likas kasi siyang simpatiko at nakakatunaw ang kanyang mga ngiti na para bang nangangako ng isang libo’t dalawang lunggati.  Walang bahid ng kachakahan ang kanyang dating at maiisip mong matutuwa ang nanay mo kung iuuwi mo siya at ipakilalang boyfriend.  Magpatuloy sa pagbasa

Separated@Birth : EB BABE ZAIDA & SAM PINTO!


Sobrang pagkakahawig ng dalawang dilag na ito.  Napakalapit ng mga detalye ng kanilang features ; mula sa mata, labi at hugis ng mukha.  Pati kaseksihan ay di rin sila nagkakalayo.  Puede ngang sabihing kambal sila.  Si EB Babe Zaida ay regular na napapanood tuwing tanghali sa EatBulaga at Si Sam Pinto naman ang FHM‘s Sexiest 2011.  Hindi ko talaga nilagyan ng caption kung sino si sino, kayo nang bahalang mag-identify! (Actually napansin din ito ni Joey de Leon)