bargain!


If before, when he was still fresh, young and juicy, he could charge five figures for short-time stands, now that he’s already thirtysomething, four figures is not bad at all! He still rises to the occasion but he has a problem, he could not lick his drug habit. That’s the reason why he has to actively seek gay and matron customers. His talent manager has to double as pimp. No trouble with that as he still gets his 30% commission. That’s why our former juicy actor is always in need of cash. A P5,000 deal nets him only P3,500. That’s not a lot of money if you have a drug habit, living expenses to pay up and no longer gets daily booking as before.
stir.com

Advertisements

‘may bukas pa’ peaks anew anew in nationwide tv ratings


ABS-CBN’s primetime drama series “May Bukas Pa” peaked to its new record high of 40.6 percent which was set last February 26, 2009 according to Taylor Nelson Sofres Nationwide TV Ratings.

Last Friday, February 20, May Bukas Pa registered it’s highest rating so far – a whopping 40.5 percent nationwide. Last Thursday, it broke its own record by 0.1% and now has the peak rating of 40.6% nationwide.

From February 24 to 26, 2009, ABS-CBN programs still dominate the nationwide race with the following exception:

Feb. 24, Tuesday:

Parekoy (ABS-CBN) 14.1%; Daisy Siete (GMA-7) 16.5%
Pieta (ABS-CBN) 14.9%; Paano Ba ang Mangarap? (GMA-7) 18.8%

La Traicion (ABS-CBN) 10.9%; Zoids Genesis (ABS-CBN) 7.6%; Saan Darating ang Umaga? (GMA-7) 19.5%

Mr. Bean Live (ABS-CBN) 9.9%; Be Strong Geum Soon (GMA-7) 12.1%

Bandila (ABS-CBN) 11.1%; Fated To Love You (GMA-7) 18.2%

Feb. 25, Wednesday:

Parekoy (ABS-CBN) 14.1%; Daisy Siete (GMA-7) 15.8%

Pieta (ABS-CBN) 14.9%; Paano Ba ang Mangarap? (GMA-7) 18.8%

La Traicion (ABS-CBN) 12.4%; Zoids Genesis (ABS-CBN) 8.5%; Saan Darating ang Umaga? (GMA-7) 20.7%

Mr. Bean Live (ABS-CBN) 11%; Be Strong Geum Soon (GMA-7) 11.7%

SNN: Showbiz News Ngayon (ABS-CBN) 23.9%; Fated To Love You (GMA-7) 29.1%

Bandila (ABS-CBN) 11.3%; Masquerade (GMA-7) 14.3%;

Feb. 26, Thursday:

Parekoy (ABS-CBN) 13.7%; Daisy Siete (GMA-7) 17%

Pieta (ABS-CBN) 15.3%; Paano Ba ang Mangarap? (GMA-7) 20.1%

La Traicion (ABS-CBN) 11.3%; Zoids Genesis (ABS-CBN) 8%; Saan Darating ang Umaga? (GMA-7) 20.3%

Mr. Bean Live (ABS-CBN) 9.5%; Be Strong Geum Soon (GMA-7) 12.4%

Top 10 Daytime and Primetime Programs Nationwide
(Feb. 24-26, 2009; TNS)

February 24, Tuesday

Daytime:

1. Wowowee (ABS-CBN) – 20.5%

2. Saan Darating ang Umaga? (GMA-7) – 19.5%

3. Paano Ba ang Mangarap? (GMA-7) – 18.8%

4. Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) – 17.8%

5. Daisy Siete (GMA-7) – 16.5%

6. Eat Bulaga! (GMA-7) – 16.4%

7. Pieta (ABS-CBN) – 14.9%

8. Parekoy (ABS-CBN) – 14.1%

9. Be Strong Geum Soon (GMA-7) / Mischievous Princess (ABS-CBN) – 12.1%

10. Lalola (GMA-7) – 11.3%

Primetime:

1. May Bukas Pa (ABS-CBN) – 40.3%

2. I Love Betty La Fea (ABS-CBN) – 37.2%

3. Tayong Dalawa (ABS-CBN) – 36.9%

4. TV Patrol World (ABS-CBN) – 33.1%

5. Luna Mystika (GMA-7) – 28.7%

6. Totoy Bato (GMA-7) – 28.1%

7. SNN: Showbiz News Ngayon (ABS-CBN) – 23.9%

8. 24 Oras (GMA-7) – 23.4%

9. Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang (GMA-7) – 21.6%

10. Kapamilya, Deal Or No Deal (ABS-CBN) – 19%

February 25, Wednesday

Daytime:

1. Wowowee (ABS-CBN) – 21.9%

2. Saan Darating ang Umaga? (GMA-7) – 20.7%

3. Paano Ba ang Mangarap? (GMA-7) – 18.8%

4. Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) – 16.2%

5. Eat Bulaga! (GMA-7) – 15.9%

6. Daisy Siete (GMA-7) – 15.8%

7. Pieta (ABS-CBN) – 14.9%

8. Parekoy (ABS-CBN) – 14.1%

9. Mischievous Princess (ABS-CBN) – 13.6%

10. La Traicion (ABS-CBN) – 12.4%

Primetime:

1. May Bukas Pa (ABS-CBN) – 38.9%

2. Tayong Dalawa (ABS-CBN) – 37.4%

3. I Love Betty La Fea (ABS-CBN) – 36.5%

4. TV Patrol World (ABS-CBN) – 31.4%

5. Totoy Bato (GMA-7) – 27.5%

6. Luna Mystika (GMA-7) – 27.3%

7. SNN: Showbiz News Ngayon (ABS-CBN) – 23.9%

8. 24 Oras (GMA-7) – 23.7%

9. Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang (GMA-7) – 22.5%

10. Kapamilya, Deal Or No Deal (ABS-CBN) – 20.2%

February 26, Thursday

Daytime:

1. Saan Darating ang Umaga? (GMA-7) – 20.3%

2. Paano Ba ang Mangarap? (GMA-7) – 20.1%

3. Wowowee (ABS-CBN) – 19.9%

4. Eat Bulaga! (GMA-7) – 17.4%

5. Daisy Siete (GMA-7) – 17%

6. Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) – 16.4%

7. Pieta (ABS-CBN) – 15.3%

8. Parekoy (ABS-CBN) – 13.7%

9. Be Strong Geum Soon (GMA-7) – 12.4%

10. Mischievous Princess (ABS-CBN) – 11.4%

Primetime:

1. May Bukas Pa (ABS-CBN) – 40.6%

2. I Love Betty La Fea (ABS-CBN) – 37%

3. Tayong Dalawa (ABS-CBN) – 36.2%

4. TV Patrol World (ABS-CBN) – 33%

5. Totoy Bato (GMA-7) – 27.9%

6. Luna Mystika (GMA-7) – 25.9%

7. Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang (GMA-7) – 22.4%

8. 24 Oras (GMA-7) – 20.8%

9. SNN: Showbiz News Ngayon (ABS-CBN) – 20.6%

10. Fated To Love You (GMA-7) – 20%

Source: TNS via PEP

starmometer.com

judy ann santos says getting pregnant before marriage is a no-no


Actress Judy Ann Santos showed up at the Ploning thanksgiving party last Sunday (February 22) sporting a very stylish new hair-do. When asked about it, she said that it is a statement of moving on from the long and hard work she and the Ploning team went through, from the time they shot the film to the moment they lobbied for it to be part of the Best Foreign Film category in the Oscars. “Finally it’s over,” said Judai.”Let’s all move on dahil nakatapos na tayo sa napakahabang journey.”

At the thanksgiving party, Judai also announced that she and her associates will be launching the Ploning Foundation, which she explained will help Filipino films get attention abroad. “We intend to help movie makers in their efforts to penetrate the international scene. This will benefit the whole industry. To inspire na gumawa pa tayo ng mas magandang pelikula para mapansin ang Pilipinas.”

Although Ploning failed to secure an Oscar nomination, the movie nonetheless brought pride to the Philippines for gaining good reviews from foreign critics. Judai shared that this recognition is a group effort. “Hindi lang naman ako ‘yon, effort din naman ‘yon ng buong bansa. Nakakatuwa na nakapasarap isipin na kahit papaano may narating naman ‘yung Ploning, kasi nakilala naman siya ng mga banyaga,” revealed the actress. “‘Yun yung isa sa masasabi naming achievement kasi nagbukas kami ng pintuan. Sana ‘yung nagawa namin hindi isipin ng tao na ginatas namin sila o nanggamit kami. I want to inspire people and we want to open this door.”

Meanwhile, Judai confirmed that her wedding to actor-host Ryan Agoncillo will take place this year, but there no specific date yet. “‘Yung kasal, it will really happen this year. We just really don’t know the specific date as of now. I hope people will understand na hindi naman kami ‘yung tipo ng couple na maraming pera at basta na lang kami magja-jump into a wedding.” When asked about the topic of children, the actress said that she prefers to get pregnant immediately after marriage, considering her age and career. “I wanna get pregnant para isang paalamanan lang. Babalik ka rin naman sa showbiz after, eh. Para hindi ka alis nang alis. Isang matinding bakasyon, tapos babalik ka na kasi okay na ‘yung mga (anak) kasi magpapapayat ka pa at lahat-lahat. E hindi na ako bumabata,” she shared. As for the rumors that she’s already with child, getting pregnant before marriage is not an option for Judai. “I have a promise to my mother (that I won’t get pregnant before marriage) and I will keep my promise.”

Judai also answered the issue that she is keeping her wedding plans from her manager Alfie Lorenzo a secret. “Siguro naisip lang ni Tito Alfie na andami na kasing announcement pero wala pa rin kaming inilalapit sa kanya. Parte siya ng buhay ko. Parte siya ng tumulong sa akin, so napaka-ingrata ko naman kung ‘di ko siya isasali sa wedding ko. Hindi puwedeng mangyari ‘yon,” she clarified.

bernie franco/abscbnglobal

jodi sta maria sa ‘tayong dalawa’


jodistamaria-lacsonSolong ipina-presscon ng ABS-CBN si Jodi Santamaria last Thursday night kaugnay ng pagpasok niya sa seryeng Tayong Dalawa starring Gerald Anderson, Kim Chiu and Jake Cuenca.

Ginagampanan niya ang papel na Angela Rodriguez,  kapatid ni Loretta played by Mylene Dizon.

Siya ang magiging tagapagtanggol ni Loretta at ni Audrey (Kim) na laging sinasaktan nina Spanky Manikan at Anita Linda.

Nakaka-five taping days na raw siya at nagsimula na ring ipakita sa sery

Excited si Jodi na umarte uli lalo’t magagaling na aktor at aktres ang makakasama niya. Huli siyang napanood sa Palos at medyo maikl lang ang kanyang role.

Since makakasama rin niya sa Tayong Dalawa ang ex-boyfriend na si Baron Geisler, natanong si Jodi tungkol dito at aniya, hindi pa sila nagkikita since magkaiba ang kanilang location.

Sa karakter ni Jodi, medyo malayong magkaroon sila ng eksena ni Baron dahil magkaiba ang mundo nila sa serye.

But the actress expressed her willingness to work with Baron and in fact, excited nga siya dahil matagal na rin silang hindi nagkakatrabaho.

“I’m excited to work with him because Baron is a good actor. Magaling siyang artista and na-e-excite ako na magkaroon kami ng scene together because the last time na nakatrabaho ko siya, Tabing Ilog pa. And ngayon, sobrang nag-evolve na siya bilang aktor. Kumbaga, iba kami noon, iba na rin kami ngayon. Lahat kami.”

Kung magkaka-partner sila ay wala raw problema sa kanya, pero so far, wala pa naman siyang alam na magkakaroon sila ng eksena together.

Kahit hindi sila nagkikita, for sure, nakakarating din kay Jodi ang mga negatibong publisidad tungkol kay Baron at say niya, siguro ay hindi lang alam ng tao ang tunay nitong pagkatao.

“Mabait naman siya, eh. Siguro masyado lang niyang ini-enjoy ang life niya ngayon. And ako, feeling ko, lahat naman ng nangyayari sa tao, feeling ko, phase lang ’yan, eh, and alam ko, eventually, he’ll get out of it.     Saka, naniniwala nga ako talaga na hindi nakikita ng tao kung ano siya talaga.”

Inamin naman ni Jodi na first boyfriend niya si Baron, pero ang first love raw niya ay ang kanyang asawang si Pampi Lacson.

“Dalawa lang naman sila, eh. After Baron, si Pampi na,” she said.

May isa na silang anak ni Pampi, si Thirdy na three years old na at excited ang aktres dahil ipapasok na raw niya ito sa school sa June.

vinia vivar/journal online

pinoy big brother house opens anew!


pbbThe most famous house in the country opens its doors once again. Pinoy Big Brother begins its search for the next batch of housemates for PBB Season 3 and Teen Edition 3. The Filipino version of the hit reality show is gearing up for another season. Previous PBB seasons launched the careers of hot stars like Sam Milby, Zanjoe Marudo, Gerald Anderson, and first Teen Big Winner Kim Chiu.

Auditions begin today, February 27, at the PDA Concert Hall (beside the PBB house and the ABS-CBN building) between 9 am and 3 pm. As of press time (9:40AM) lines have not only formed in front of the PBB house, it has snaked around the Tomas Morato Area and other streets nearby causing heavy traffic around the ABS-CBN compound.

Keep on logging in on ABS-CBN.com and Pinoybigbrother.com and http://pinoybigbrother.multiply.com for more updates on the auditions.

Those from outside Metro Manila can still watch out for these following provincial audition schedules.

March 1, 2009 at Lipa City Colleges, Batangas

March 6, 2009 at Centennial Arena, Laoag

March 8, 2009 at Holy Angels University Angeles City, Pampanga

March 20, 2009 at Tarlac State University, Tarlac

April 17, 2009 at Island City Mall, Tagbilaran, Bohol

April 19, 2009 at Capiz Gym, Roxas City

April 24, 2009 at Father Saturnino Urios, University Gym, Butuan City

April 26, 2009 at General Santos Gym, Brgy. Lagao, General Santos City

May 8, 2009 at Camarines Sur Capitol Convention Center, Pili, Camarines Sur

abscbn.com

mamacita, donde esta janvier daily?


janvier1janvier2janvier3

huli siyang namataan sa ROXXXANE ni direk jun lana.  meron din siyang kinasangkutang eskandalo kung saan ay nagkalat sa internet ang hubad niyang larawan na kinunan habang siya ay tulog, napabalita ring naging ‘boytoy’  siya ni ethel booba.  ngayon, mukhang hindi na natin nababalitaan si JANVIER DAILY… kung sino man po ang nakakaalam sa kanyang kinaroroonan pakiabiso lang sa inyong pinakamalapit na suking tindahan!

eklavumer

nina’s hard learned lesson on relationships : ‘huwag magpautang’


ninaSoul Siren Nina revealed on Showbiz News Ngayon last Tuesday night (February 17) that her ex-boyfriend, singer Nyoy Volante, still owes her P1.4 million even after their break-up. “I’m not here to step on their pride, (or) to ruin Nyoy’s career. I’m just here to clear myself up.” Nina said that she and her mom are filing an estafa case against Nyoy and his mom because they failed to honor the signed agreement that Nyoy’s camp should pay what they owe on an installment basis.The female singer explained that suing Nyoy’s camp would not have been necessary had they followed what was stated in the papers. Nyoy reportedly borrowed P600,000 from Nina in January 2005 and they were not even a couple at the time. “His mom needed the money daw, pero siyempre hindi ko na inalam talaga kung saan gagamitin,” Nina recalled. “Ang pinaka-explanation lang talaga niya sa akin is, he had to come up with that sum of money to invest in some kind of stock to get interest. Naging kami after a week or so.” Nyoy allegedly promised to pay her a week after but it never happened. “Actually, sobrang vague na ‘yung pagkaalala ko, ang naisip ko, bakit nga ba hindi na ako nabayaran nung time na ‘yon?” When they got together, Nyoy allegedly borrowed money again from Nina on many occasions, until the total his debt reached to more than a million. “Pero binibigyan naman niya ko ng tseke na postdated,” Nina confessed. Their relationship eventually ended but Nyoy wasn’t able to completely pay for his debts. “Nung naghiwalay kami, sabi ko, ‘Paano pala ‘yung money na hiniram mo sa akin?’ Sabi ni Nyoy, ‘Sasabihin ko sa mommy na bayaran ka na.’ Hindi na kami nag-usap and I left it all up to my mom. Hindi naman sana aabot sa demandahan or whatever kung nakiki-cooperate naman sila sa mom ko,” she shared. In 2007, Nina received a postdated check from Nyoy’s camp with the entire amount of their debt, but it bounced when Nina bought it to the bank. In 2008, Nina had Nyoy’s camp sign an agreement saying that they will pay P50,000 monthly until the amount they owe her will be paid in full. Nyoy managed to give Nina P200,000 in cash as the first payment but their second one, a check amounting to P50,000 bounced once again. “Na-shock ako. Totoo ba ito? Kasi alam naman nila kapag nag-bounce ulit ‘yung check nila, estafa na talaga ‘yung pwedeng mapa-file sa kanila. Wala na kaming magagawa but to file a case,” Nina said. When SNN host Kris Aquino asked Nina if she felt used by Nyoy, she replied, “Hindi ko masasagot ‘yan, kasi hindi ko alam.” Nina clarified in the end that she and Nyoy did not break up because of a third party or the money he owed her. When asked about the moral lessons she has learned from her relationship with Nyoy, she answered. “Huwag magpautang and to love myself more than I love the person.” chismisan.com

showbiz scion… huli sa droga!


sure ako. as in supersure na never itong lulutang sa mga dyaryo, tv at kahit mga lumang komiks.  napaka-sensitive kasi ng isyu.  bakit naman hindi? ang involved kasi ay mula  sa pamilyang showbiz/pulitika and in furnez, carve na rin siya ng  sariling namesung  sa industriya bilang aktor/host.  kamakailan lang ay natimbog RAW ito ng mga anti-drug authorities dahil sa ecstasy.  umapir RAW agad ang muderakish nya at inareglo ang lahat.  nagpa-areglo naman daw ba ang otoridad?  wait and see and look and listen… na lang!

eklavumer

is joey de leon out of style?


joeydeleon32The pilot of “Wow Mali” the revival of Joey de Leon’s gag show over TV5, rated only 2.7%. Could this be an indication that Joey is out of style? The original “Wow Mali” rated as high as 10%. It’s either Joey had lost majority of his fans or the revival is a slow burner. Maybe it will pick up. John Estrada’s “Everybody Hapi” rated only 2.5%. “Juicy” with IC Mendoza and Alex Gonzaga continues to rate below 1%. They should ax the inane show. It’s “Talentadong Pinoy” is doing okay because of audience participation which should improve because auditions for contestants will now be held nationwide.

edgar o cruz/stir.com

oyo , pakakasalan na si kristine!


oyo-boy-sotto-and-kristine-hermosaSERYOSO si Oyo Sotto kay Kristine Hermosa. Kahit hanggang ngayon ay walang direktang pag-amin ang dalawa tungkol sa kanilang tunay na relasyon ay handa na si Oyo na pakasalan si Kristine.
Ayon kay Oyo, kaya hanggang ngayon ay hindi pa sila pumapasok sa relas­yon ni Kristine ay dahil gusto niya na ‘pag nagkarelasyon sila ay dire-diretso na.
“Gusto ko, ‘yun na ‘yung magi­ging asawa ko. And ‘pag nagkaasawa ako, ayokong matulad sa daddy (Vic Sotto) ko at kay mama (Dina Bonnevie) na hiwalay, ‘di ba?
“Sinasabi ko ‘yon kay mama, eh. Sabi ko, ‘Ma, gusto ko, maayos ‘yung pamilya ko.’ So, kaya siguro hanggang ngayon, hindi pa kami ni Tin, alam mo ‘yung nagpapakiramdaman?
“Kasi siyempre, siya, kakagaling lang niya sa relasyon, ‘di ba?” bulalas ni Oyo nang makausap namin siya kamaka­lawa nang hapon sa pocket interview para sa 3rd season ng regular show niya na Midnight DJ (napapanood tuwing Sabado, 8:00 PM, sa TV5).
Aware ba si Oyo na halos lahat ng tao ay naniniwala na sila talaga ni Kristine, kahit pa hindi nila diretsuhang inaamin na may relasyon sila?
“Oo, aware naman ako. Ha! Ha! Ha!
“Eh, wala tayong magagawa. Basta ‘yun lang, pinagpi-pray ko talaga na dumating ‘yung araw na pareho naming ma-feel na ‘yun na talaga,” sey ng 25-anyos na anak ni Bossing.
Pero noon pa niya sinasabing may attraction siya kay Kristine. Bukod doon ay may image si Oyo na mabilis mainlab sa isang girl, ‘di ba?
“Oo, pero ngayon kasi, iba na, eh! Kumbaga, dati kasi, madali lang talaga. Si Kristine, hindi naman siya mahirap mahalin, eh! Madali siyang mahalin.
“Pero ngayon kasi, kailangan gamitin mo na rin ‘yung pag-iisip mo. Kasi, feeling ko, kung naging kami ni Tin dati pa, baka nga­yon, wala na, eh! Baka hiwalay na kami, tapos naghahanap na ako ng ibang babae!”
***
Ayon kay Oyo, nagka­kilala sila ni Kristine nu’ng magkatrabaho sila sa Enteng Kabisote 1. Nu’ng una ay nagkakapaan pa raw silang dalawa hanggang sa unti-unti na silang maging close.
Ngayon ay mga 3 years na silang malapit sa isa’t isa.
“Ako naman, aminado ako kay Tin na mahal ko siya. Kumbaga, wala lang talaga ‘yung ano eh, ‘yung parang, ‘O sige, eto na ah?’ Kasi, sinabi ko ‘yon sa kanya, eh! Sabi ko, ‘Tin, gusto ko, ‘pag magkakaroon ako ng girlfriend ulit, hindi lang girlfriend-boyfriend. Gusto ko, diretso na! Kasalan na!’
“Ganito na lang, tanggalin natin ‘yung girlfriend-boyfriend. Ako na lang. Siguro, ang wala pa, eh ‘yung singsing (engagement ring). ‘Yun na lang ‘yung kailangan doon!
“Sabihin natin kunwari na hawak ko na ‘yung singsing, kunwari lang, na­kabili na ako. Ako na lang ‘yung hinihintay. Kumbaga, hinihintay ko na lang ‘yung sarili ko kung kailan ko mararamdaman na mag-propose sa kanya. Parang ganu’n. Kasi, ayo­ko na nu’ng girlfriend-boyfriend, eh!” seryosong sambit ni Oyo.
Ano’ng reaksyon ni Tin sa sinabi niyang ‘yon?
“Eh kasi, si Tin naman, eversince, gusto niya rin naman ng fami­ly. Pero siyempre, on my part, medyo kailangan kong ayusin talaga ang lahat.”
Pareho silang 25-an­yos ni Kristine. Bakit gusto niya na kasalan agad? Ayaw na ba niya nang pali­guy-ligoy?
“Ayoko na, eh! Kasi, wala na, eh! Tapos na ako sa ano eh…” bitin niyang sagot.
Paano ‘pag napapa­yag na niya this year si Tin, kasalan na ba kaagad?
“Hindi naman. Ha! Ha! Ha! Kailangan ko lang hintayin sabihin sa akin ni God na, ‘Sige, Yo, diretso mo na!’
“So, ‘yun na lang ‘yung pinagdarasal ko kay God na sana, one day, ibigay Niya sa akin ‘yung sign. Hindi ko alam kung anong sign ang ibibi­gay niya sa akin, eh! Pero alam ko na one day, ihahatid sa akin ‘yon ni God, na sasagutin Niya ang mga dasal ko. Ha! Ha! Ha!”
Kamakailan ay naa­yos na ang pagpapawalang-bisa sa kasal nina Kristine at Dieher Ocampo, kaya in fairness ay puwedeng-puwede nang mag-propose si Oyo kay Tin anytime.
“Oo, basta ‘yun na lang, ‘Lord, kelan tayo?’ Ha! Ha! Ha! Basta, darating na lang ‘yon. Kasi, maraming nagbabago sa isang araw, eh! So, kailangan, kapit-kamay lang! Ha! Ha! Ha!”
Aminado ang young actor na ito na ang pinakaseryoso niyang relasyon dahil kasal na ang nasa isip niya.
Ano’ng sinasabi ng tatay niya tungkol dito?
“Si daddy naman kasi, hindi nakikialam, eh! Hindi naman siya nagpapa­kuwento o ano.”
Hindi kaya hinihintay niya lang na mauna ang daddy niya at ang nobya nitong si Pia Guanio na magpakasal bago siya mag-propose kay Kristine?
“Hindi naman, hindi naman! Ha! Ha! Ha!”
So, puwedeng mauna sila ni Tin kina Bos­sing at Pia?
“Malay mo, ‘di ba? He! He! He!” nakangi­ting sagot ng inlab-inlabang si Oyo.

allan diones/abante online

fanny serrano to sharon cuneta : ‘ang taba mo!’


sharoncunetaWALANG keber si Fanny Serrano kesehodang ma-misinterpret siya ni Sharon Cuneta.

“Basta ako, nagsasabi ako ng totoo sa kanya. Wala akong pakialam kung anuman ang sabihin niya sa akin. Ako, kaibigan niya akong matalik. At ang isang kaibigan, hindi nagsisinungaling sa kanyang kaibigan. Sinasabi niya ang totoo,” pahayag ni Fanny sa paglulunsad ng kanyang 1st Touch of Excellence Awards ng Philippine International Cosmetologists Association kamakailan.

Ang tinutukoy ni Fanny ay ang patuloy na paglobo ng katawan ni Sharon.

Kahit na anong nais ni Serrano na isama si Mega sa kanyang show ay ayaw niya hanggat hindi nagpapapayat ang aktres.

“Sabi ko sa kanya na magpahinga na lang muna siya sa bahay at magpapayat,” sabi ni Fanny, kilala rin sa tawag na TF o Tita Fanny.

Maraming kailangang magaganda at glamorosong modelong artistang kaibigan si Fanny sa kanyang show sa SMX Convention Center sa ika-26, 27 at 28 ng Pebrero, 2009 pero inetsa-puwera niya si Shawie kahit na madali lang niyang maimbitahan ito.

***

“Maraming nagsasabi sa kanya na kesyo pumayat na siya, na kesyo ang laki ang kanyang ipinagbago sa katawan. Ako, wala akong nakikitang gano’n,” matapang na pahayag ng itinuturing na pinakasikat na fashion hair stylist ng mga artista.

“Pinaplastic lang siya ng ibang tao. Akala niya, kaibigan niya ang mga ‘yon pero hindi dahil hindi siya sinasabihan nang totoo,” pagdidiin ni Fanny.

Kaya mas kinuha ni Serrano ang anak ni Mega na si KC Concepcion bilang muse ng PICA. Nang ilunsad nga ang organisasyon kamakailan, ang bongga ni KC. At alam ba ninyo na si KC pa ang nagbigay ng glamorosa ring isinuot ni Fanny sa launch?

“’Yon ‘yong panahon na may balitang nagkahiwalay na sina Sharon at Senator Kiko. Nagpunta kami no’n sa Hong Kong. Kasama namin si KC. Sa isang department store, nagpunta kami ni KC. Tanong nang tanong sa akin si KC kung maganda raw ba ‘yong hawak niya na damit. Ako naman, si oo. ‘Yon pala, sabi niya ‘o sige, TF, sa’yo na ‘yan’. Nakakaloka, di ba?” kuwento ni TF.

***

Ang iba pang kinuha ni Fanny na magmomodelo ng ayos ng buhok at make-up sa kanilang pagtatanghal sa Mall of Asia ay sina Lorna Tolentino na siyang mag-a-announce ng grand prize sa red carpet walk make-up and hairdo.

Si Judy Ann Santos naman ang magpapahayag ng grand winner sa bridal hair and make-up.

Samantala, si Cherie Gil ang pagsusuot ng pinakabonggang ayos ng buhok at make-up.

Si Pops Fernandez naman ay magko-concert sa buong event.

“Ganyan ako kamahal ng mga artistang ‘yan. Mahal na mahal namin ni Sharon ang isa’ isa pero sabi ko sa kanya, magpapayat muna siya bago ko siya isali sa mga glamorous event na tulad nito,” pagsasalita nang tapos ni TF.

***

Ipinagtapat ni Serrano na matagal nang tapos ang kumpetisyon pero sa linggong ito pa lang ilalabas ang mga nagwagi.

“Matindi ang accounting. Walang scam dito. May tie nga pero na-break namin sa deliberation ng mga judges,” sabi ni Fanny.

Hindi biru-biro ang mga pangalan ng kanyang lupon ng inampalan—Jomari Yllana, Tessa Prieto-Valdez, Laurice Guillen, Jose Javier Reyes at marami pang iba.

Ano naman kaya ang masasabi nina Ricky Reyes at Evelyn Alvaran-Cruz na kapwa may mga hair competition din taun-taon?

boy villasanta/pinoy weekly online

boy abunda : ‘hindi ako maganda’


abunda“I’M okay now… getting better… I was in pain and I will not deny na nasaktan ako. I wanted Vicki to know that I was hurt. Wala akong kinalaman sa mga nakaraan niya. Wala kaming personal na pinag-awayan.Hindi man kami nag-usap ng dalawang taon, walang away sa aming dalawa. Matagal kaming magkaibigan magmula pa noong intern pa lang siya sa Makati Med.”

Ito ang reaction ni Boy Abunda kahapon sa umano’y away nila ni Dra. Vicky
Bello. Sinabi rin niyang pinapatawad na niya ang doktora.

Sa text na pinadala ni Belo sa kanilang common friend saying, “hope you
can accept my apology,” ay nasaktan din si Abunda dahil hindi ito
dumiretso sa kaniya.
Na-bother siya dahil ipinadaan pa ang apology sa ibang tao. Dagdag pa ni Boy na naiintindihan niya ang difficulties sa parte ng doktora. Sinsero naman daw ang text ng kaibigan kaya humupa na din ang galit niya dito.

“There’s no reason why, I should not forgive her.”

Sa issue kung maibabalik ang friendship nila sa dati, ayon sa TV host, “it’s a hypothetical question.” Aminado naman si Boy na hindi siya maganda at hindi naman daw niya pinangarap na gumanda dahil iba ang kaniyang alindog.

“Hindi ko pinangarap na mag-endorse ng beauty product. Ang puhunan ko hindi pang-Miss Universe. I am comfortable who I am.”

Humupa na ang galit ni Boy sa doktora at wala daw siyang balak na magdemanda. Usapang magkaibigan para sa kanilang dalawa ang nangyari.

Tungkol naman sa kanila ng isa ding host na si John “Sweet” Lapus, ayaw na
munang magsalita ni Boy. May hidwaan ding namamagitan sa dalawa, pero
hindi ito ini-entertain ni Boy kung saan ang isang dahilan ay ang
pagiging endorser niya ng Calayan.

“I don’t want to talk about it. I have a bound in confidentiality arrangement. Pero dadating tayo sa oras na ’yan. I was not able to comment dahil inaayos pa.”

Ang pamilya ni Boy ay nasa linya din ng pulitika. Pero hindi daw totoo na
papasukin din niya ang pulitika. Biru-biruan lang daw nila ni Kris na
he’s running dahil lagi niyang nababanggit na sira-sira ang kalye nila
sa Borongan, Samar.

Sinabi pa nga ni Kris na kung siya ay tatakbo, si Kris mismo ang nagprisinta na pera niya ang gagastusin.

beth gelena/ journal online
kasundot na artikulo:

Alam ko na ang sinimulan ng away nina Dra. Vicki Belo at Boy Abunda. Si ‘Nay Lolit Solis ang nagkuwento kahapon habang nagpi-presscon ang Sine Novela Presents Dapat Ka Bang Mahalin? ng GMA 7 na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang bida. “Nagsimula ‘yan nung may binentang ticket sa concert si Bong (Quintana – special someone ni BA) na nagdi-direk din ng concert kay Vicki. Eh nagkataon noon na nagkaka-problema si Vicki kay Vangie Kua (remember her, ang special assistant ba ni Dra. Belo na umano’y malaki ang nakuhang pera sa doktora). So mainit ang ulo ni Vicki nang tumawag si Bong, eh pang apat na beses na palang pina-follow up sa kanya ‘yung bayad sa tickets. So nung tawagan siya ni Bong, may nasabi siya. Parang sinabi niyang ‘na naman.’

“After nilang mag-usap, na-realize ngayon ni Vicki ang kagagahan niya. Alam mo naman ‘yan, parang bata,” kuwento pa sa amin ni ‘Nay Lolit kaharap si Tito Ricky Lo, Tita Crispina Belen at Ian Fariñas.

“So nung ma-realize ni Vicki, personal yun niyang dinala ang tseke kila Boy. Hindi na siya kinausap ni Boy at pinasoli ang ibinayad na tseke.”

Simula raw nun, isa-isa na ring tinatanggal ni Boy ang mga talent niya as endorser sa Belo Medical Group.

Pero kahit may silent war sila, never daw na may sinabi si Boy na against Dra. Belo na ina-attest ni Tito Ricky dahil pareho niyang kaibigan ang dalawa.

At kahit naman daw si Vicki, walang sinasabi against Boy, sabi ni ‘Nay Lolit. In fact, pakiramdam nga raw ni Dra. Belo, part ng paglaki ng Belo Medical Group si Boy dahil from the start, si Boy ang tumulong kay Dra. Belo.

Ang kaso, nasa Amerika na ngayon si Dra. Belo kaya kahit nagi-effort ang ilan nilang common friends na pag-ayusin sila, hindi agad mangyayari.

Lumaki na ang issue sa statement ni Dra. Belo sa Showbiz Central last Sunday tungkol sa famous na ngayong dialogue na: “If you want to look like Boy Abunda go to Calayan, but if you want to look like Dingdong Dantes and Piolo Pascual come to Belo.”

salve de asis/psn online