boy abunda : ‘hindi ako maganda’


abunda“I’M okay now… getting better… I was in pain and I will not deny na nasaktan ako. I wanted Vicki to know that I was hurt. Wala akong kinalaman sa mga nakaraan niya. Wala kaming personal na pinag-awayan.Hindi man kami nag-usap ng dalawang taon, walang away sa aming dalawa. Matagal kaming magkaibigan magmula pa noong intern pa lang siya sa Makati Med.”

Ito ang reaction ni Boy Abunda kahapon sa umano’y away nila ni Dra. Vicky
Bello. Sinabi rin niyang pinapatawad na niya ang doktora.

Sa text na pinadala ni Belo sa kanilang common friend saying, “hope you
can accept my apology,” ay nasaktan din si Abunda dahil hindi ito
dumiretso sa kaniya.
Na-bother siya dahil ipinadaan pa ang apology sa ibang tao. Dagdag pa ni Boy na naiintindihan niya ang difficulties sa parte ng doktora. Sinsero naman daw ang text ng kaibigan kaya humupa na din ang galit niya dito.

“There’s no reason why, I should not forgive her.”

Sa issue kung maibabalik ang friendship nila sa dati, ayon sa TV host, “it’s a hypothetical question.” Aminado naman si Boy na hindi siya maganda at hindi naman daw niya pinangarap na gumanda dahil iba ang kaniyang alindog.

“Hindi ko pinangarap na mag-endorse ng beauty product. Ang puhunan ko hindi pang-Miss Universe. I am comfortable who I am.”

Humupa na ang galit ni Boy sa doktora at wala daw siyang balak na magdemanda. Usapang magkaibigan para sa kanilang dalawa ang nangyari.

Tungkol naman sa kanila ng isa ding host na si John “Sweet” Lapus, ayaw na
munang magsalita ni Boy. May hidwaan ding namamagitan sa dalawa, pero
hindi ito ini-entertain ni Boy kung saan ang isang dahilan ay ang
pagiging endorser niya ng Calayan.

“I don’t want to talk about it. I have a bound in confidentiality arrangement. Pero dadating tayo sa oras na ’yan. I was not able to comment dahil inaayos pa.”

Ang pamilya ni Boy ay nasa linya din ng pulitika. Pero hindi daw totoo na
papasukin din niya ang pulitika. Biru-biruan lang daw nila ni Kris na
he’s running dahil lagi niyang nababanggit na sira-sira ang kalye nila
sa Borongan, Samar.

Sinabi pa nga ni Kris na kung siya ay tatakbo, si Kris mismo ang nagprisinta na pera niya ang gagastusin.

beth gelena/ journal online
kasundot na artikulo:

Alam ko na ang sinimulan ng away nina Dra. Vicki Belo at Boy Abunda. Si ‘Nay Lolit Solis ang nagkuwento kahapon habang nagpi-presscon ang Sine Novela Presents Dapat Ka Bang Mahalin? ng GMA 7 na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang bida. “Nagsimula ‘yan nung may binentang ticket sa concert si Bong (Quintana – special someone ni BA) na nagdi-direk din ng concert kay Vicki. Eh nagkataon noon na nagkaka-problema si Vicki kay Vangie Kua (remember her, ang special assistant ba ni Dra. Belo na umano’y malaki ang nakuhang pera sa doktora). So mainit ang ulo ni Vicki nang tumawag si Bong, eh pang apat na beses na palang pina-follow up sa kanya ‘yung bayad sa tickets. So nung tawagan siya ni Bong, may nasabi siya. Parang sinabi niyang ‘na naman.’

“After nilang mag-usap, na-realize ngayon ni Vicki ang kagagahan niya. Alam mo naman ‘yan, parang bata,” kuwento pa sa amin ni ‘Nay Lolit kaharap si Tito Ricky Lo, Tita Crispina Belen at Ian Fariñas.

“So nung ma-realize ni Vicki, personal yun niyang dinala ang tseke kila Boy. Hindi na siya kinausap ni Boy at pinasoli ang ibinayad na tseke.”

Simula raw nun, isa-isa na ring tinatanggal ni Boy ang mga talent niya as endorser sa Belo Medical Group.

Pero kahit may silent war sila, never daw na may sinabi si Boy na against Dra. Belo na ina-attest ni Tito Ricky dahil pareho niyang kaibigan ang dalawa.

At kahit naman daw si Vicki, walang sinasabi against Boy, sabi ni ‘Nay Lolit. In fact, pakiramdam nga raw ni Dra. Belo, part ng paglaki ng Belo Medical Group si Boy dahil from the start, si Boy ang tumulong kay Dra. Belo.

Ang kaso, nasa Amerika na ngayon si Dra. Belo kaya kahit nagi-effort ang ilan nilang common friends na pag-ayusin sila, hindi agad mangyayari.

Lumaki na ang issue sa statement ni Dra. Belo sa Showbiz Central last Sunday tungkol sa famous na ngayong dialogue na: “If you want to look like Boy Abunda go to Calayan, but if you want to look like Dingdong Dantes and Piolo Pascual come to Belo.”

salve de asis/psn online


3 comments on “boy abunda : ‘hindi ako maganda’

  1. oy? tinuod? hindi halata!

    ischupid din pala itong mukhang ungo na ito. hende niya naesep-esep na comfliment ni belo ‘yong sinabi niya… parang ‘ kung mukha kayong hayop at gusto niyong magmukhang tao, punta kayo kay calayan… tingnan nyo si boy abunda, dati akala mo puwet ng hippopotamus ang mukha ngayong nagpaalaga kay calayan kamukha na siya ni dr joven cuanang ng st. lukes!’

  2. Buti naman alam ni Boy na hindi sya maganda pero ang lakas nyang maging endorser ng pangpabeauty. Tapos ngayon sasama ang loob nya. Talaga naman itong si Boy lahat feeling maganda, matalino and etc pa.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s