fanny serrano to sharon cuneta : ‘ang taba mo!’


sharoncunetaWALANG keber si Fanny Serrano kesehodang ma-misinterpret siya ni Sharon Cuneta.

“Basta ako, nagsasabi ako ng totoo sa kanya. Wala akong pakialam kung anuman ang sabihin niya sa akin. Ako, kaibigan niya akong matalik. At ang isang kaibigan, hindi nagsisinungaling sa kanyang kaibigan. Sinasabi niya ang totoo,” pahayag ni Fanny sa paglulunsad ng kanyang 1st Touch of Excellence Awards ng Philippine International Cosmetologists Association kamakailan.

Ang tinutukoy ni Fanny ay ang patuloy na paglobo ng katawan ni Sharon.

Kahit na anong nais ni Serrano na isama si Mega sa kanyang show ay ayaw niya hanggat hindi nagpapapayat ang aktres.

“Sabi ko sa kanya na magpahinga na lang muna siya sa bahay at magpapayat,” sabi ni Fanny, kilala rin sa tawag na TF o Tita Fanny.

Maraming kailangang magaganda at glamorosong modelong artistang kaibigan si Fanny sa kanyang show sa SMX Convention Center sa ika-26, 27 at 28 ng Pebrero, 2009 pero inetsa-puwera niya si Shawie kahit na madali lang niyang maimbitahan ito.

***

“Maraming nagsasabi sa kanya na kesyo pumayat na siya, na kesyo ang laki ang kanyang ipinagbago sa katawan. Ako, wala akong nakikitang gano’n,” matapang na pahayag ng itinuturing na pinakasikat na fashion hair stylist ng mga artista.

“Pinaplastic lang siya ng ibang tao. Akala niya, kaibigan niya ang mga ‘yon pero hindi dahil hindi siya sinasabihan nang totoo,” pagdidiin ni Fanny.

Kaya mas kinuha ni Serrano ang anak ni Mega na si KC Concepcion bilang muse ng PICA. Nang ilunsad nga ang organisasyon kamakailan, ang bongga ni KC. At alam ba ninyo na si KC pa ang nagbigay ng glamorosa ring isinuot ni Fanny sa launch?

“’Yon ‘yong panahon na may balitang nagkahiwalay na sina Sharon at Senator Kiko. Nagpunta kami no’n sa Hong Kong. Kasama namin si KC. Sa isang department store, nagpunta kami ni KC. Tanong nang tanong sa akin si KC kung maganda raw ba ‘yong hawak niya na damit. Ako naman, si oo. ‘Yon pala, sabi niya ‘o sige, TF, sa’yo na ‘yan’. Nakakaloka, di ba?” kuwento ni TF.

***

Ang iba pang kinuha ni Fanny na magmomodelo ng ayos ng buhok at make-up sa kanilang pagtatanghal sa Mall of Asia ay sina Lorna Tolentino na siyang mag-a-announce ng grand prize sa red carpet walk make-up and hairdo.

Si Judy Ann Santos naman ang magpapahayag ng grand winner sa bridal hair and make-up.

Samantala, si Cherie Gil ang pagsusuot ng pinakabonggang ayos ng buhok at make-up.

Si Pops Fernandez naman ay magko-concert sa buong event.

“Ganyan ako kamahal ng mga artistang ‘yan. Mahal na mahal namin ni Sharon ang isa’ isa pero sabi ko sa kanya, magpapayat muna siya bago ko siya isali sa mga glamorous event na tulad nito,” pagsasalita nang tapos ni TF.

***

Ipinagtapat ni Serrano na matagal nang tapos ang kumpetisyon pero sa linggong ito pa lang ilalabas ang mga nagwagi.

“Matindi ang accounting. Walang scam dito. May tie nga pero na-break namin sa deliberation ng mga judges,” sabi ni Fanny.

Hindi biru-biro ang mga pangalan ng kanyang lupon ng inampalan—Jomari Yllana, Tessa Prieto-Valdez, Laurice Guillen, Jose Javier Reyes at marami pang iba.

Ano naman kaya ang masasabi nina Ricky Reyes at Evelyn Alvaran-Cruz na kapwa may mga hair competition din taun-taon?

boy villasanta/pinoy weekly online

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s