jodi sta maria sa ‘tayong dalawa’


jodistamaria-lacsonSolong ipina-presscon ng ABS-CBN si Jodi Santamaria last Thursday night kaugnay ng pagpasok niya sa seryeng Tayong Dalawa starring Gerald Anderson, Kim Chiu and Jake Cuenca.

Ginagampanan niya ang papel na Angela Rodriguez,  kapatid ni Loretta played by Mylene Dizon.

Siya ang magiging tagapagtanggol ni Loretta at ni Audrey (Kim) na laging sinasaktan nina Spanky Manikan at Anita Linda.

Nakaka-five taping days na raw siya at nagsimula na ring ipakita sa sery

Excited si Jodi na umarte uli lalo’t magagaling na aktor at aktres ang makakasama niya. Huli siyang napanood sa Palos at medyo maikl lang ang kanyang role.

Since makakasama rin niya sa Tayong Dalawa ang ex-boyfriend na si Baron Geisler, natanong si Jodi tungkol dito at aniya, hindi pa sila nagkikita since magkaiba ang kanilang location.

Sa karakter ni Jodi, medyo malayong magkaroon sila ng eksena ni Baron dahil magkaiba ang mundo nila sa serye.

But the actress expressed her willingness to work with Baron and in fact, excited nga siya dahil matagal na rin silang hindi nagkakatrabaho.

“I’m excited to work with him because Baron is a good actor. Magaling siyang artista and na-e-excite ako na magkaroon kami ng scene together because the last time na nakatrabaho ko siya, Tabing Ilog pa. And ngayon, sobrang nag-evolve na siya bilang aktor. Kumbaga, iba kami noon, iba na rin kami ngayon. Lahat kami.”

Kung magkaka-partner sila ay wala raw problema sa kanya, pero so far, wala pa naman siyang alam na magkakaroon sila ng eksena together.

Kahit hindi sila nagkikita, for sure, nakakarating din kay Jodi ang mga negatibong publisidad tungkol kay Baron at say niya, siguro ay hindi lang alam ng tao ang tunay nitong pagkatao.

“Mabait naman siya, eh. Siguro masyado lang niyang ini-enjoy ang life niya ngayon. And ako, feeling ko, lahat naman ng nangyayari sa tao, feeling ko, phase lang ’yan, eh, and alam ko, eventually, he’ll get out of it.     Saka, naniniwala nga ako talaga na hindi nakikita ng tao kung ano siya talaga.”

Inamin naman ni Jodi na first boyfriend niya si Baron, pero ang first love raw niya ay ang kanyang asawang si Pampi Lacson.

“Dalawa lang naman sila, eh. After Baron, si Pampi na,” she said.

May isa na silang anak ni Pampi, si Thirdy na three years old na at excited ang aktres dahil ipapasok na raw niya ito sa school sa June.

vinia vivar/journal online

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s