I was touched when I chanced upon this on Mabuhay Winfrey’s FB account that is why I am posting it here : Nov. 1, mag- 11pm na, napadaan kami sa may MCdonald’s corner Recto Ave. at SH Loyola St. para magkape nang napansin naming ang batang ito na nakatulog sa walkway sa labas katapat ng table namin. Una nang mapansin ng kasama ko ang hitsura ng kanyang mukha na puro pasa at pangingitim sa gilid ng mga mata.
Ang pangalan po ng bata ay JOMARI RODRIGUEZ, tubong LEYTE. Pagkatapos ng mga ilang minuto, nakita naming ang isang babaeng customer ng McDo na nag-aabot ng pagkain at inumin sa bata na noo’y bahagyang gising na. Halatang hinang hina ang bata at nanginginig habang kinakapa ang binigay na pagkain. Nakaramdam ako ng paghanga sa babaeng nag-alok ng pagkain at sobrang awa naman sa bata. Ang babaeng tumulong ay nasa harapan lamang pala ng aming mesa. Mga ilang Segundo pa lang ay biglang tumayo ang babae at tumakbo palabas. Yun pala nakita niya na may 2 batang pulubi ang lumapit at ina-agaw ang pagkain ng bata sa labas. Sumunod ang guard at isang crew ng fastfood para sawayin ang 2 batang gustong umagaw ng pagkain. Noon, lumabas na rin kami at lumapit. Umupo ang babae at kinausap ang bata. Ramdam ko ang concern at pag-alala ng babae sa bata at kinakausap nito.
Nagdala naman ang guard ng yelo na nakalagay sa supot at idinampi sa namamaga at nangingitim na mata ng bata. Ang daming pasa ng bata sa katawan at napag-alaman naming na binugbog pala siya ng mga batang solvent. Dahil hinang hina di lahat nasasagot ng bata ang bawat tanong ng babae. Kaya ang guard at yung crew ang sumasagot at nagkwento sa kalagayan ng bata.
Ayon sa guard at crew, mabait ang batang ito at halos doon na raw nakatigil. Madalas raw inaagawan ng limos at pagkain at binubugbog pa ng mga batang solvent. Ayon pa sa Guard at Crew ng Mcdo, kwento raw ng bata na taga Leyte sila. Iniwan raw siya ng kaibigan ng Nanay at pinangakong babalikan pero hanggang ngayon wala namang bumabalik at kumuha sa kanya.
Kung sino man po sa inyo ang nakakakila kay Jomari Rodriguez na taga Leyte, maari po bang ipag-bigay alam sa mga magulang o mga kamag-anak na siya ay matatagpuan sa Mcdonald’s Corner Recto At Loyoya St. Manila. Nakakawa po ang batang ito at halata na pong may karamdaman na maari po niyang lalong ikapahamak. Nanawagan din po ako sa kung ano mang Kawani ng Gobyerno natin na kung maari po sana ay pansinin ang panawagang ito.
Sobra po talaga ang lupit ng tadhana…dinala sa maynila dahil namatay ang magulang sa bagyong yolanda ..dinala sa manila sa hirap ng buhay doon ..iniwan sa recto dahil ang kaibigan ng nanay nya na nagdala sa kanya seguro ay naghanap din ng ikabubuhay…nagbabakasakali sya na balikan kya di cya umaalis sa lugar na yon…may mga solvent boys nman doon na binubugbog cya…at sa labas lang cya natutulog…wala ni damit na mabihisan at matulugan na maayos sana ay matulungan cya.
Share po sana natin ito sa lahat para umabot sa pansin ng iba.
Salamat po at God Bless po..