sexy pictorial ni mariel rodriguez, niretoke


Si Mariel Rodriguez ang December cover girl ng FHM. Pero ayon sa ‘Wowowee’ girl, hindi raw career move ang ginawa niyang pagpo-pose sa naturang men’s magazine. Napapayag lang daw siya dahil gusto niyang tulungan ang lingerie business ng kapatid kunsaan siya ang image model.

Matagal na raw nililigawan ng FHM si Mariel. Hesitant lang daw ang ABS-CBN talent dahil kilala ang men’s magazine na ang pini-feature na mga model ay mga seksi talaga. Ang assessment daw sa sarili ni Mariel ay hindi siya seksi at wala rin siyang sexy image.

Nakakatuwa lang si Mariel dahil kung ang ibang celebrities at models na nai-cover na ng FHM ay kadalasan na itinatangging nireretoke ang kanilang pictorials, aminado naman ang dating kapitbahay ni Pinoy Big Brother na may na-enhance sa mga kuha niya.

Lumaki raw kasi ang boobs niya at maski siya ay napansin niya raw ‘yon.

“Pero I’m proud of it!” sabi pa ni Mariel. Pero konti lang naman daw ang niretoke sa dibdib niya.

“Parang sa totoong buhay, hindi siya ganyan,” dagdag pa ng TV host. “Kaya I’m very thankful talaga sa technology.”

Pero kahit daw nag-pose na siya nang sexy, gusto pa rin ni Mariel na i-retain ang sweet at kikay na image niya.

Report by ShowbizManila Staff

Advertisements

mark gil & ronnie lazaro, 4th CinemaOne originals awards’ best actors


Alon

Alon

Matagumpay na nairaos ang 4th Cinema One Originals Awards kahapon sa Dolphy Theatre, ABS-CBN Compound, sa Quezon City. Pitong pelikula ang naglaban-laban sa technical and acting awards na lahat ay produce ng Cinema One.

Simple lang ang okasyon pero marami pa ring artista ang dumalo at nakibahagi.

Yanggaw

Ang mga pelikulang naglaban-laban ay Yanggaw, Imburnal, UpCat, Alon, Kolorete, Dose at Motorcycle.

Nakopo ng pelikulang Yanggaw ang lahat halos ng awards. Tig-tatlo ang  Alon at Imburnal. Isa naman sa Kolorete.

Mangiyak-ngiyak si Charee Pineda nang tanggapin niya ang kanyang first acting award para sa Alon. Hindi raw siya nag-expect na mananalo dahil magagaling ang mga nakalaban niya sa Best Actress category.

Tie naman sa Best Actor sina Ronnie Lazaro para sa pelikulang Yanggaw at Mark Gil sa Alon. Ngunit wala ang huli para tanggapin ang kanyang tropeyo.

Absent din si Joel Torre na nanalong Best Supporting Actor (Yanggaw) samantalang tuwang-tuwa namang tinanggap ni Tetchie Agbayani ang Best Supporting trophy niya.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi.

Best Picture – Imburnal

Best Actress – Charee pineda (Alon)

Best Actor – Mark Gil (Alon) at Ronnie Lazaro (Yanggaw)

Best Suppoting Actress – Tetchie Agbayani (Yanggaw)

Best Suppoting Actor – Joel Torre  (Yanggaw)

Audience Award – Yanggaw

Special Jury Prize – Yanggaw

Best Director – Richard Somes (Yanggaw)

Best in Sound – Joey Santos, Eduardo Velasquez (Yanggaw)

Best in Production Design – Wilfredo Calderon, Kat Compuesto, Maisa Demetillo (Kolorete)

Best in Cinematography – Geo Lamen, Jose Fiola, John Torres (Imburnal)

Best Screenplay – Sherad Sanchez (Imburnal)

Best Editing – Borgy Torre (Yanggaw)

Best Musical Score – Leujim Martinez (Alon)

rodel fernando/showbizmanila.com

mocha girls, binastos ng kitty girls


Mocha Girls

Matapos malampasan ang ilang issue na ipinukol sa kanila ng isang tabloid daily, heto na naman at pinuputakti ng intriga at tira ang sexy singing group na Mocha Girls.

Matatandaang umuwing tuwang-tuwa ang grupo galing Guam kamakailan, at punumpuno ng pag-asang lalong gaganda pa ang pasok ng suwerte nila pagsabak muli sa trabaho sa ‘Pinas.

Maliban sa launch ng kanilang sophomore album ilang linggo na ang nakararaan, mga regular gigs, endorsements, at higit sa lahat ang pelikulang pinagbibidahan ng grupo kasama sina Mark Gil at Joross Gamboa, ang Sumpa, magkakaroon din ng gig sa USA ang Mocha Girls sa February.

Kitty Girls

Sa rami ng raket ng grupo ay hindi nga maikakailang natamo na nila ang rurok ng tagumpay na matagal nang hinahangad. Nakuha na rin nila ang respeto ng mga tao sa kanilang kakayahang magbigay ng saya sa pamamagitan ng kanilang musika at nakakaindak na choreographies.

Ngunit katulad ng karamihan na artists na tumatamo ng tagumpay sa kanilang mga larangan, hindi mapipigilang pukulin din sila ng intriga, patutsada at mga tira.

Wika nga, ‘Hindi maiiwasang pukulin ng bato ang bungang nasa itaas, at nagsisilbing tukso sa mata ng tao…’

Nag-umpisa sa Bluewave, Macapagal kunsaan nagkaroon ng showdown ang grupo laban sa Kitty Girls, hindi inaasahan ng Mocha Girls na ‘yon na ang umpisa ng kumpetisyon sa dalawang grupo.

Sa nasabing showdown, malugod na tinanggap ng Mocha Girls ang palakpakan at sigawan ng mga tao na sambit ang kanilang pangalan. Bagay na lalong nagpatindi sa kumpetisyon ng kani-kanilang mga grupo.

Hindi pa nagtapos sa Bluewave, nagkaroon muli ng pangalawang showdown ang grupo sa Koronadal, sa Mindanao. Sa pre-concert promotions sa radyo sa nasabing probinsiya, sinambit umano ng Kitty Girls on-air na front-act lamang nila ang Mocha Girls sa tonong hindi nagustuhan ng management nila, dahil nagtawanan pa ang grupo.

Marahil ay iisipin ng ibang tapos na ang issue…mali!

Ang matindi pa nito’y mayroon pang taong umangkas sa van ng Mocha Girls. Buong akala ng grupo’y kinatawan ito ng production group sa nasabing Koronadal show.

Nakipagtsikahan, kodakan at kung anu-ano pa ang nasabing tao sa kanila habang bumibiyahe. Nagtagal din ito sa dressing room nila.

Kamukat-mukat sa kanilang pagtatanong ay nalamang PA (production assistant) pala ito ng Kitty Girls!

Para sa grupo, hindi ito nagkataon lamang. Pero dahil sila’y sport sa lahat ng bagay, pinagpatuloy pa rin nila ang kanilang pagtatanghal na animo’y walang nangyaring masama.

Nagpatuloy ang umano’y ganitong pagtrato noong Octoberfest 2008 sa San Miguel compound. Naunang nagtanghal ang Kitty Girls bago ang Mocha.

Sa kabiglaanan ng lahat, agad na nagpaalam na umano ang Kitty Girls sa mga tao na wari’y wala nang kasunod pang magtatanghal. Ayon nga sa ilang nakasaksi, malinaw na pambabastos ‘yon sa Mocha Girls.

Ayon naman sa huli, hindi sila nagtatanim ng galit kanino man. Ang nais lang nila’y maging patas ang laban.

Sa kasalukuyan ay wala pang nakukuhang sagot sa panig ng Kitty Girls ngunit bukas ang site na ito sa anumang kasagutan na ibibigay nila sa isyung ito.

Report by ShowbizManila Staff

pumatok


Photo is loading...


Certified box-office hit naman pala ang launching movie nina Jose Manalo at Wally Bayola na Scaregivers na kumita ng milyones sa takilya nang magbukas nu’ng Miyerkules. Tumataginting na P3.5M ang kinita nito, kaya bukod sa kasiyahan ng dalawang komedyante mula sa Eat Bulaga, wala ring pagsidlan ng kaligayahan ang mga producers ng horror-comedy film na APT Entertainment ni Tony Tuviera at M-Zet Television, Inc. ni Vic Sotto.

Ang kuwento ni Jun Nardo, punum-puno kasi ng katatawanan at katatakutan ang Scaregivers na sinamahan ng epektibong special effects kaya naman naakit ang mga taong panoorin ang movie.

Dagdag pa ni JN, maraming naaliw sa special participation ni Bossing Vic na nakaw-eksena at hinalakhakan ng manonood. Bukod sa mahusay na comedian, masisilip din ang partisipasyon nina Marian Rivera, Julia Clarete at Boy Abunda sa pelikula.

“Grabe ang kaba namin nang sabihing gagawan kami ng launching movie. Tumindi ito nang ginagawa na namin ‘yun. At nang ipalalabas na, hindi na kami makatulog, tulala pero panay ang dasal na tangkilikin ng tao ang movie. Salamat sa Diyos at dininig ang mga dasal namin! Pero mananatili pa rin kaming simpleng tao na mapapanood pa rin sa Eat Bulaga at magbibigay-tuwa sa publiko!” tuwang-tuwang pahayag nina Jose at Wally.

Masasabi nga namang hasang-hasa na sa pagpapatawa sina Jose at Wally dahil sa araw-araw nilang pagsalang sa Eat Bulaga, sa gabi-gabing pagku-comedy sa Klownz at Zirkoh at paglabas bilang sidekick sa mga pelikula ni Vic gaya ng Ispiritista at Dobol Trobol kung saan nakasama nila ang Comedy King na si Dolphy at iba pang komedyante, iba pa ring medium ang pelikula lalo na nga’t sila pa ang bida.

Sa pagpatok sa takilya ng Scaregivers, ipinanga­nak na ang mga bagong komedyante ng bansa.

Sino kaya ang papalitan nila ng trono?

* * *

Isa pang nagtagumpay sa takilya ay ang One True Love ng GMA Films at Regal Films. Aba, ang say nila umabot sa P50 million ang kita ng pelikula sa loob ng isang linggo. Sosyal na rin sila dahil humataw ang pelikula nila samantalang pukpukan ang shooting nila hanggang sa ipalalabas na lang ang pelikula.

* * *

Sa pagkita ng pelikula ng Scaregivers at One True Love, nakakatuwang isipin na mukhang bumalik na ang interes ng mga manonood sa pelikulang Tagalog.

psn online

aktress laging nakakandong pag nasa dressing room ng aktor


Hindi pa rin malinaw hanggang ngayon kung totoong may relasyon ang sikat na aktor at aktres. Ayaw pa nilang aminin ang estado ng kanilang relasyon. Pero ’di man aminin ay nakikita naman ang kilos ng aktres dahil demonstrative ito kesehodang maraming nakakakita sa kanila.

Kwento ng production staff na minsan ay hinahanap ng alalay ang magandang aktres. May nagsabing naroon siya sa dressing room ng aktor. So, pinuntahan siya ng alalay at sumilip ito sa pinto kung saan nakita ang aktres na nakakandong sa aktor at nakapulupot ang kamay sa leeg nito.

Dagdag pa ng aking source na madalas makita o laging nakababad ang aktres sa dressing room ng aktor gayung may sarili naman siyang dressing room.

‘Yun ba ang walang relasyon?

emy abuan/psn online

beauty ni cristine parang isinumpa


Cristine Reyes

ABS-CBN Business Unit head Linggit Tan said that although in the can na nang matagal ang seryeng  Eva Fonda, their schedule date for its airing was in January 2010.

After all, Cristine Reyes, who is playing the title role, ay nasa cast naman ng Kahit Isang Saglit and winning raves for her acting as a girl obsessed with her kinakapatid, Jericho Rosales.

“Feeling namin,” ani Linggit, “dahil hangga’t mid-December pa ang airing ng Kahit Isang Saglit, kumbaga sa isang putahe, lutung-luto na si Cristine when the series is completed.”

What Linggit didn’t reckon was how the “powers that be” of ABS-CBN, who is always first shown ng mga programang inihanda ng network bago ipalabas sa small screen.

They were obviously impressed with what they saw. Immediately, ang naging verdict nila is to have Eva Fonda shown ahead of its original schedule.

“Actually,” pahayag pa ni Linggit, “Itong Eva Fonda ang first series ng ABS-CBN na tinapos muna namin  bago ipalabas.

“Nine weeks lang ito sa ere. But it’s undeniably a beautiful series. I guess walang taong mahilig sa teleserye na ’di titiyaking napanood muna niya ang Eva Fonda, bago siya magre-air for the evening.”

Ayon pa rin mismo kay Linggit, bagama’t they have the permission of Pablo Gomez, who wrote this as a komiks nobela, hindi tuwirang masasabing adapted ito from the serial.

Lalong hindi ito adaptation of the film Eva Fonda. Kahit pa may cameo role sa series si Alma Moreno, who played the title role of Eva Fonda, the movie.

The film was shown in 1976 and was a monster hit. It made a big star out of Alma.
Linggit, as well as the two directors of the series, Jon Red and Frasco Mortiz, predict that Eva Fonda will launch Cristine as the next most important star on television.

“Iba ang dating niya sa camera,” ani Direk Frasco.         “She has a way of giving her all sa karakter na kanyang ginagampanan. As I direct her, ’di ko nakikita si Cristine per se, kung hindi si Eva Fonda.”

“She is a newcomer to watch. I’m glad nakatrabaho ko siya sa kanyang first big role,” wika naman ni direk Jon.

* * *

Eva Fonda revolves around a girl na sa ha-lip maging asset niya ang kanyang ka-gandahan, na-ging parang sumpa pa ito sa kanya.

Though her family is poor, pangarap niya ang makata-pos ng pag-a-aral, nang maiahon niya ang sarili sa kahirapan. Pati na ang kanyang pamilya.

Mithiin din niya ang mapangasawa ang lalaking kanyang minahal (played by Jason Abalos) sa mula’t mula pa. until ang obsessed lover, played by Baron Geisler) abuses her. Her dreams are shattered. And so is her relationship with her family.

“We have a good cast,” nagmamalaking dugong ni Linggit. “Joining Cris-tine, Jason and Baron are Rustom Padilla, Sylvia Sanchez, Mark Gil, Al Tantay, Jean Saburit and Dick Israel, na pumapapel bilang gay.

“Kasamas pa rin ang mga kabataang artista, tulad nina Hazel Ann Mendoza, Joross Gam-boa, Janna Domin-guez and Princess Ryan.”

nel alejandrino/journal online

26th LUNA AWARDS postponed to december


The 26th Luna Awards of the Film Academy of the Philippines was again postponed—this time to mid-December—after this year’s producer of the awards ceremonies encountered problems in sponsor solicitation.

The awards night is supposed to be held on Tuesday, November 25, at the Music Museum in Greenhills Shopping Center in San Juan City.

The possibility loomed that the Film Academy of the Philippines will be producing the awards ceremonies with the help of the Film Development Council of the Philippines. Academy Director-General Leo G. Martinez said that the awards night will be held in mid-December.

The full list of nominees for the 26th Luna Awards is as follows:

Best Picture
Banal (Comguild Productions, Inc.)
Faces of Love (Eddie Romero Foundation)
A Love Story (Star Cinema)
One More Chance (Star Cinema)
Sakal, Sakali, Saklolo (Star Cinema).

Best Director
Cesar Apolinario (Banal)
Joel Lamangan (Silip)
Jose Javier Reyes (Sakal, Sakali, Saklolo)
Maryo J. de los Reyes (A Love Story)
Eddie Romero (Faces of Love).

Best Actor
Paolo Contis (Banal)
John Lloyd Cruz (One More Chance)
Aga Muhlach (A Love Story)
Piolo Pascual (Paano Kita Iibigin)
Joel Torre (Ataul for Rent).

Best Actress
Bea Alonzo (One More Chance)
Judy Ann Santos (Sakal, Sakali, Saklolo)
Maricel Soriano (A Love Story and Bahay Kubo)
Regine Velasquez (Paano Kita Iibigin).

Best Supporting Actor
Alchris Galura (Batad: Sa Paang Palay)
Ronnie Lazaro (Ataul for Rent)
Pen Medina (Banal)
Wendell Ramos (Happy Hearts)
Dante Rivero (A Love Story).

Best Supporting Actress
Irma Adlawan (Ataul for Rent)
Eugene Domingo (Bahay Kubo and Paano Kita Iibigin)
Angelica Panganiban (A Love Story)
Gina Pareno (Sakal, Sakali, Saklolo).

Best Screenplay
Vic Acedillo Jr. (Batad: Sa Paang Palay)
Carmi G. Raymundo & Vanessa Valdez (One More Chance)
Murphy Redd & Bong Ramos (Haw-Ang… After the Harvest)
Eddie Romero & Rica Arevalo (Faces of Love)
Vanessa R. Valdez (A Love Story).

Best Cinematography
Rodolfo Aves Jr. (Sakal, Sakali, Saklolo)
Marissa Floirendo (The Promise)
Ramoncito Redoble (Batanes)
Manuel Teehankee (One More Chance)
Renato de Vera (Ataul for Rent).

Best Production Design
Rodell Cruz (Resiklo)
Blanca Dadivas & Felisberto Besina (Haw-Ang…After the Harvest)
Cyrus Khan (Batanes)
Mitoy Sta. Ana (Enteng Kabisote 4)
Ma. Asuncion Torres & Anna Carmela Manda (Ang Lalaki sa Parola).

Best Editing
Vito Cajili (Sakal, Sakali, Saklolo)
Marya Ignacio (Ouija and You Got Me)
Jess Navarro (Silip)
Tara Illenberger (A Love Story).

Best Musical Score
John Ballesteros (Faces of Love)
Carmina Robles Cuya (Ouija)
Allan Feliciano & Arnold Buena (Resiklo)
Von de Guzman (Bahay Kubo)
Jesse Lucas (Sakal, Sakali, Saklolo).

Best Sound
Ditoy Aguila (Ouija)
Ditoy Aguila & Junel Valencia (Resiklo and The Promise)
Albert Michael Idioma (A Love Story and Sakal, Sakali, Saklolo)
Addiss Tabong (Katas ng Saudi).

The film with the most number of nominees turned out to be A Love Story, with eight nominations, followed by: Sakal, Sakali, Saklolo, 7 nominations; One More Chance, 4 nominations; Ataul for Rent, 4 nominations; Banal, 3 nominations; and Faces of Love, 3 nominations. To be nominated for best picture, a film must garner the most number of nominations, provided that it is nominated for best director and/or screenplay.

The films which also got 3 nominations were Bahay Kubo, Ouija, Paano Kita Iibigin and Resiklo.

fapweb

damit para kay ‘ploning’


Judy Ann Santos

Judy Ann Santos

Many Filipinos were happy to know that there’s a bundle of hope for the nomination of Ploning in the Oscars 2009 under the Foreign Language Film Category.

Being the star in the said movie, Judy Ann Santos is more than joyful. She’s much honored for her movie was chosen to represent the Philippine Film Industry in the international scene. Opportunities like these don’t just pour like rain, and so it is just as important that each Filipino support this very special undertaking.

Judy Ann Santos has organized an event where clothes and other things of the celebrities will be auctioned. This is to collect 5 million pesos as fund for Ploning. This is also one way to show support for the said film so that it would be included in the final list of nominees of the Oscars. With a project title ‘Damit Para Kay Ploning’, the entrance fee is only 100 pesos.

The event will be held at Plaza Ibarra on November 28, 12nn to 6pm.

The celebrities will participate in this auction are Gretchen Barretto, Kris Aquino, Vhong Navarro, Julius and Tintin Babao, Marian Rivera, Vicky Belo, Tim Yap, Regine Velasquez, Direk Louie Ignacio, Wyngard Tracy, Agot Sandejas, Ogie Alcasid, , Beth Tamayo-Wong, Rowell Santiago, Dingdong Dantes, John Lapus, Rufa Mae Quinto, JC Buendia, Randy Ortiz, Luis Alandy, Kyla, Gabby Eigenmann, , Sunshine Cruz, Fanny Serrano, Juan Sarte, and Jolina Magdangal.

Join in this special event and turn the possibility to reality and make Ploning as an Oscar nominee.

ShowBizManila.com

mon confiado : 2008 FAMAS contender


monconfiado1

MAHUSAY na actor si Mon Confiado pero hindi pa siya nagkakaroon ng recognition kahit kailan o nanalo ng acting award. Bagama’t nagkaroon na siya ng acting nomination bilang best supporting actor para sa “Luksong Tinik” ni Jose Javier Reyes at “ Babae sa Bintana” ni Chito Rono, hindi pa siya pinapalad na magkaroon ng minimithing acting award. Nagka-title role at inulan na rin siya ng papuri sa autobiographical film na “:Victorio Edades” ni Nick Deocampo.

Sa darating na Famas award, nominado si Mon sa pagka- best supporting actor “Faces of Love” ng National Artist for Movies Eddie Romero, sa ng papel ng bading na lawyer na problemado sa lovelife. Nagmarka ang breakdown scene dito ni Mon—simple pero tumatalab ang atake niya. Masaya si Mon dahil napansin ang kanyang pagganap .

Matunog ang pangalan niya pero hindi siya umaasa: “Proud na akong mahanay kina Christopher de Leon (“Banal”) at Dingdong Dantes (“Resiklo”). Malaki ang paniniwala ko sa Famas since ito ang oldest award-giving body sa Pilipinas. Manalo o matalo, very grateful na ako dahil napansin nila ang pinaghirapan ko. Kung manalo, sobrang ‘thank you’ dahil isang pangarap ko ang matutupad. Pangarap ng kahit na sinong artista ang magkaroon ng acting award. Sakaling suwertihin, sino ako para tumanggi.”

Abala si Mon sa telebisyon—sa “Pieta” ng ABS-CBN at sa “Totoy Bato” ni Robin Padilla. Kasalukuyang umiikot sa mga eskwelahan sa buong kapuluan ang historical film na “Sisa” ni CJ Andaluz, kung saan markado si Mon bilang Sakristan Mayor na nagmalupit sa mga kampanerong Basilio’t Crispin; sa indie film na “Himpapawid” ni Raymond Red. Kasali rin siya horror-drama film na “T2” ni Chito Rono sa Star Cinema.

“Nakakatuwa si Direk Chito; sa tuwing gumagawa siya ng horror film, naaalala ako… Isa akong nakakatakot na tao sa tenement na tinitirhan nina Marya (Maricel Soriano) at Derick Ramsey,” kuwento ng macho actor.

Bukod sa pag-aartista, tinutulungan ni Mon ang kapatid na si Kai sa mga negosyo nilang 22nd St Comedy Bar na may tatlong branches—sa Marcos Highway, Las Pinas at Cebu. Binuksan na rin nila ang “Nail Spa” at “Steak Restaurant” sa Cebu.

marlene dauden… through the years.


Marlene Dauden

Marlene Dauden appeared in Mga Ligaw na Bulaklak with co-stars Susan Roces, Daisy Romualdez, Romeo Vasquez and Tony Marzan. She won the Best Supporting Actress award in Anino ni Bathala which starred Paraluman, Rio Rodrigo and Eddie Garcia. It was a love triangle story where two sisters fell in love with one man. Thew film was directed by Conrado Conde. She got her first starring role in Rosa Rossini where she played the character of a ballet dancer. Then she starred opposite comedy King Dolphy in Silveria (Ang KabayongDaldalera). Her other films included Kung Kaya Mo Kaya Ko Rin (with Christopher de Leon), Babae, Ikaw ang Dahilan (with Amalia Fuentes and Eddie Rodriguez), a film festival entry in which she won another acting award, and Siya’y Umalis, Siya’y Dumating, helmed by Mitos Villareal. She won another Best Supporting Actress award for Sapagkat Kami’y Tao Lamang, a dramaticc love story (with Lolita Rodriguez and Eddie Rodriguez as directed by Armando de Guzman). Her best actress trophies were for Sa Bawat Pintig ng Puso (with Zaldy Zhorsnack) and Milarosa (with Eddie Rodriguez).

Marlene will forever be remembered in Philippine film history as the first Filipino thespian ever to win five acting awards from the Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS), which was the only film award-giving body in the Philippines during her time. She won Best Supporting Actress for her roles in the films Anino ni Bathala, Kamandag and Sapagkat Kami’y Tao Lamang. (The latter was said to be her favorite film of hers.) She also won two Best Actress awards for the films Sa Bawat Pintig ng Puso and Kapag Puso’y Sinugatan. She was also nominated by the FAMAS for an additional five times: Best Supporting Actress for Talipandas, where she beat herself for the award; Best Actress for Gumuhong Bantayog, in which she was defeated by Charito Solis; Best Actress for Mila Rosa, where she was defeated by Barbara Perez; Best Actress for Alipin ng Busabos, where she was also defeated by Charito Solis; and Babae, Ikaw ang Dahilan, where she was defeated by Boots Anson-Roa and Vilma Santos for the honor.

In 1972 when Martial Law was declared, Marlene (a ’50s St. Scholastica’s graduate) and her husband, former La Salle basketball star Nonggoy Hernaez (whom she married when she was already in showbiz), migrated to the States with their children. She seldom comes home, her last visit having been a few years ago when she told friends, “I felt like an outcast because most everyone that I knew was either gone or not active anymore.”

Her last movie, Kung Kaya Mo, Kaya Ko Rin (where she played Christopher de Leon’s lover), was shown in 1978, done during her vacation here. Combat Killers, a World War II drama she did in 1980 with the late Leopoldo Salcedo, is available by special order on the Web.

So whatever happened to Marlene?

According to Ferdy Villar, Marlene and Nonggoy are enjoying their retirement in a quiet town in California, close to their three married daughters and eight grandchildren. “They are a close-knit family,” said Ferdy, “and they enjoy their family get-togethers.”

Now 66, Marlene worked as medical office manager, a job she almost didn’t land because the hiring officer found out that she was an actress and he didn’t want to hire a famous person deemed “over-qualified” for the position.

“Marlene now runs her own lumpia business,” added Ferdy. “It’s a small business na palago nang palago. Her special lumpia recipe is a big hit among her growing number of customers.”

source:Ricky Lo’ Funfare

* 1957 – Mga Ligaw na Bulaklak
* 1957 – Gabi at Araw
* 1957 – Eternally
* 1958 – Kundiman ng Puso
* 1958 – Anino ni Bathala
* 1958 – Silveria
* 1958 – Mapait na Lihim
* 1958 – Berdaderong Ginto
* 1958 – Alaalang Banal
* 1958 – Anino ni Bathala
* 1958 – Talipandas
* 1959 – Kamandag
* 1959 – Rosa Rossini
* 1960 – Gumuhong Bantayog
* 1963 – Sapagkat Kami’y Tao Lamang
* 1964 – Sa Bawat Pintig ng Puso
* 1965 – Mial Rosa
* 1968 – Alipin ng Busabos
* 1972 – Babae, Ikaw ang Dahilan
* 1978 – Kung Kaya Mo, Kaya Ko Rin
* 1980 – Combat Killers

lusot kaya sa censors ang piolo-angel lovescene?


Angel Locsin

Piolo Pascual

Tiyak na maninibago ang fans ni Angel Locsin kung mapapansin nila na medyo umitim ang aktres. Intentional daw na ginawa ‘yun ni Angel para sa character niya sa pelikulang Land Down Under ng Star Cinema.

Isang magbubukid ang role ni Angel sa naturang pelikula, kaya banggit niya, “Ayoko namang magbubukid ako, ang puti-puti ko, ‘di ba? Nagpaitim kami talaga ni Piolo (Pascual, ang kanyang leading man) dito.” Nag-enjoy naman daw si Angel sa role niya.

May lovescene sina Piolo at Angel sa Land Down Under na tiyak daw na magiging sentro ng usapan.

Kuwento pa ni Angel, “Kung ‘yung nagawa ko dati sa The Promise (with Richard Gutierrez) na matindi na, mas matindi pa do’n ‘yung eksena namin ni Piolo dito. Pero maganda naman ang pagkakagawa ni Direk Rory (Quintos). Basta, panoorin n’yo na lang.”

Pero wish ni Angel na makalusot ang eksena sa Movie and Television Classification Board (MTRCB) para raw makakuha sila ng General Patronage na rating.

Opening salvo ng Star Cinema ang Land Down Under sa January 2009. Magkakaroon naman ito ng world premiere next month.

ShowBizManila.com

magaling na tv-movie actor, may colon cancer!


WE start our column today on a sour note, Ian F.

Of course, you, too, have heard of the report na confirmed na ang pagkakaroon ng colon cancer ng isang magaling na TV-movie actor.

Matagal nang napabalitang he is afflicted nga with the Big C. But the first time was reportedly arrested.

The TV-movie actor is married to an equally talented actress-directress.

Their pagsasama has been blessed with two kids, who are both trying their hands sa showbiz.

Everyone knows they were not each other’s first romance. Ganunpaman, after they met, nagsama and dedicated themselves to the Lord, hindi lang nag-prosper ang kanilang pagsasama, kundi ang kanilang respective careers din.

As they always say, Ian F., prayers work miracle.         Kaya, let’s pray that a miracle happens para gumaling ang TV-movie actor sa mabigat niyang karamdaman.

nel alejandrino/journal online
eklavumer’s notes on the article:
baka naman ‘actress-director’ at hindi actress-directress? at sino naman kaya ito kundi si JOHNNY DELGADO?