tHEN&nOW : JOY SUMILANG


pizap.com13575365173151
Late 80s nang dalhin ako ni Tata Esteban sa THUNDERDOME , ang pinakasikat na ekslusibong girlie bar sa Timog at ipakilala sa may ari nitong si Perry Mariano. Hinawakan kasi ni Tata ang mga explosive nightly shows nila noon at kinailangan ang dramatic voice ko para sa mga annotation.  Lumalabas na parang tableau ng mga maiinit at maseselang eksena sa pelikula ang bawa’t palabas.  Nagtagal ako sa Thunderdome kung saan ay tinagurian akong ‘highest paid’ dj bagama’t hindi lang naman pagdi-dj ang ginampanan ko nang bitawan ito ni Tata kundi ako na mismo ang pumalit sa kanya.  Marami kaming mga artista at artistahing talent/models doon : Janice Jurado, Maureen Mauricio, Shirley Tesoro, at ang nadiskubre habang sumasayaw na si Sylvia Sanchez (na dating Candy Corrales). Isa sa mga nakilala ko ay si JOY SUMILANG.  Sikat na sikat siya noong panahong iyon pero kapansin-pansing mahiyain ito at likas na mabait.  Bihira kaming mag-usap pero feeling ko naging friends naman kami dahil lagi siyang may ngiti para sa akin.  Pagkaraan ng maraming taon at kanyang pananahimik malayo sa showbiz muli ko siyang nasumpungan sa FaceBook at hindi na ako nagtaka kung hindi pa rin nagbago ang kanyang ganda!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s