oyo , pakakasalan na si kristine!


oyo-boy-sotto-and-kristine-hermosaSERYOSO si Oyo Sotto kay Kristine Hermosa. Kahit hanggang ngayon ay walang direktang pag-amin ang dalawa tungkol sa kanilang tunay na relasyon ay handa na si Oyo na pakasalan si Kristine.
Ayon kay Oyo, kaya hanggang ngayon ay hindi pa sila pumapasok sa relas­yon ni Kristine ay dahil gusto niya na ‘pag nagkarelasyon sila ay dire-diretso na.
“Gusto ko, ‘yun na ‘yung magi­ging asawa ko. And ‘pag nagkaasawa ako, ayokong matulad sa daddy (Vic Sotto) ko at kay mama (Dina Bonnevie) na hiwalay, ‘di ba?
“Sinasabi ko ‘yon kay mama, eh. Sabi ko, ‘Ma, gusto ko, maayos ‘yung pamilya ko.’ So, kaya siguro hanggang ngayon, hindi pa kami ni Tin, alam mo ‘yung nagpapakiramdaman?
“Kasi siyempre, siya, kakagaling lang niya sa relasyon, ‘di ba?” bulalas ni Oyo nang makausap namin siya kamaka­lawa nang hapon sa pocket interview para sa 3rd season ng regular show niya na Midnight DJ (napapanood tuwing Sabado, 8:00 PM, sa TV5).
Aware ba si Oyo na halos lahat ng tao ay naniniwala na sila talaga ni Kristine, kahit pa hindi nila diretsuhang inaamin na may relasyon sila?
“Oo, aware naman ako. Ha! Ha! Ha!
“Eh, wala tayong magagawa. Basta ‘yun lang, pinagpi-pray ko talaga na dumating ‘yung araw na pareho naming ma-feel na ‘yun na talaga,” sey ng 25-anyos na anak ni Bossing.
Pero noon pa niya sinasabing may attraction siya kay Kristine. Bukod doon ay may image si Oyo na mabilis mainlab sa isang girl, ‘di ba?
“Oo, pero ngayon kasi, iba na, eh! Kumbaga, dati kasi, madali lang talaga. Si Kristine, hindi naman siya mahirap mahalin, eh! Madali siyang mahalin.
“Pero ngayon kasi, kailangan gamitin mo na rin ‘yung pag-iisip mo. Kasi, feeling ko, kung naging kami ni Tin dati pa, baka nga­yon, wala na, eh! Baka hiwalay na kami, tapos naghahanap na ako ng ibang babae!”
***
Ayon kay Oyo, nagka­kilala sila ni Kristine nu’ng magkatrabaho sila sa Enteng Kabisote 1. Nu’ng una ay nagkakapaan pa raw silang dalawa hanggang sa unti-unti na silang maging close.
Ngayon ay mga 3 years na silang malapit sa isa’t isa.
“Ako naman, aminado ako kay Tin na mahal ko siya. Kumbaga, wala lang talaga ‘yung ano eh, ‘yung parang, ‘O sige, eto na ah?’ Kasi, sinabi ko ‘yon sa kanya, eh! Sabi ko, ‘Tin, gusto ko, ‘pag magkakaroon ako ng girlfriend ulit, hindi lang girlfriend-boyfriend. Gusto ko, diretso na! Kasalan na!’
“Ganito na lang, tanggalin natin ‘yung girlfriend-boyfriend. Ako na lang. Siguro, ang wala pa, eh ‘yung singsing (engagement ring). ‘Yun na lang ‘yung kailangan doon!
“Sabihin natin kunwari na hawak ko na ‘yung singsing, kunwari lang, na­kabili na ako. Ako na lang ‘yung hinihintay. Kumbaga, hinihintay ko na lang ‘yung sarili ko kung kailan ko mararamdaman na mag-propose sa kanya. Parang ganu’n. Kasi, ayo­ko na nu’ng girlfriend-boyfriend, eh!” seryosong sambit ni Oyo.
Ano’ng reaksyon ni Tin sa sinabi niyang ‘yon?
“Eh kasi, si Tin naman, eversince, gusto niya rin naman ng fami­ly. Pero siyempre, on my part, medyo kailangan kong ayusin talaga ang lahat.”
Pareho silang 25-an­yos ni Kristine. Bakit gusto niya na kasalan agad? Ayaw na ba niya nang pali­guy-ligoy?
“Ayoko na, eh! Kasi, wala na, eh! Tapos na ako sa ano eh…” bitin niyang sagot.
Paano ‘pag napapa­yag na niya this year si Tin, kasalan na ba kaagad?
“Hindi naman. Ha! Ha! Ha! Kailangan ko lang hintayin sabihin sa akin ni God na, ‘Sige, Yo, diretso mo na!’
“So, ‘yun na lang ‘yung pinagdarasal ko kay God na sana, one day, ibigay Niya sa akin ‘yung sign. Hindi ko alam kung anong sign ang ibibi­gay niya sa akin, eh! Pero alam ko na one day, ihahatid sa akin ‘yon ni God, na sasagutin Niya ang mga dasal ko. Ha! Ha! Ha!”
Kamakailan ay naa­yos na ang pagpapawalang-bisa sa kasal nina Kristine at Dieher Ocampo, kaya in fairness ay puwedeng-puwede nang mag-propose si Oyo kay Tin anytime.
“Oo, basta ‘yun na lang, ‘Lord, kelan tayo?’ Ha! Ha! Ha! Basta, darating na lang ‘yon. Kasi, maraming nagbabago sa isang araw, eh! So, kailangan, kapit-kamay lang! Ha! Ha! Ha!”
Aminado ang young actor na ito na ang pinakaseryoso niyang relasyon dahil kasal na ang nasa isip niya.
Ano’ng sinasabi ng tatay niya tungkol dito?
“Si daddy naman kasi, hindi nakikialam, eh! Hindi naman siya nagpapa­kuwento o ano.”
Hindi kaya hinihintay niya lang na mauna ang daddy niya at ang nobya nitong si Pia Guanio na magpakasal bago siya mag-propose kay Kristine?
“Hindi naman, hindi naman! Ha! Ha! Ha!”
So, puwedeng mauna sila ni Tin kina Bos­sing at Pia?
“Malay mo, ‘di ba? He! He! He!” nakangi­ting sagot ng inlab-inlabang si Oyo.

allan diones/abante online

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s