kampo ni richard, dedma sa isyu kay aljur


MASALIMUOT ang tsika tungkol sa diumano’y banggaan nina Richard Gutierrez at Aljur Abrenica sa isang bar sa Makati City kamakailan.

Ayon sa balita, nagkita-kita ang grupo nina Chard at Aljur sa Fiamma Bar matapos ang inauguration ng GMA Network Studios.

Diumano, ka-join ni Aljur ang Kamandag leading lady ni Chard na si Jewel Mische.

Base sa kuwento, parang lumalabas na nagselos si Chard dahil magkasama ang kapuwa produkto ng StarStruck.

Kaya, nagkaroon umano ng maikling argumento bago ang sinasabing tapikan.

Tikom ang bibig nina Aljur at Jewel sa isyu, although sa isang recent presscon, dinenay ng dalaga na nagkaroon sila ng relasyon ng binata ni Annabelle Rama.

Pati ang kampo ni Chard, ayaw mag-comment o mag-react, lalo pa raw at wala namang direktang interview na ibinigay o ibinibigay si Aljur tungkol sa insidente.

Ibang usapan na nga lang daw kung si Aljur mismo ang magsasalita tungkol dito.

Isang source rin ang nagpahayag sa Tonight na hindi si Jewel ang kasa-kasama ni Aljur nu’ng gabing ’yon, kundi sina Rhian Ramos at Marco Alcaraz.

* * *

SPEAKING of Richard, na-miss siya at si Dingdong Dantes ng press na dumalo sa Fashion Week show ng Bench sa main atrium ng SM Mall of Asia nu’ng Linggo ng gabi.

Paliwanag ng Bench owner na si Bench Chan, ura-urada at last minute kasi ang desisyong sumali ang Bench sa nasabing Fashion Week, kaya hindi na kinayang isali ang lahat ng endorsers nila.

Nilinaw din ni Mr. Chan na walang kinalaman sa non-appearance ni Chard ang naging kontrobersiya sa Bench fashion show sa Araneta Coliseum.

Aniya pa, kahit kailan, wala namang naging problema sa pagitan ni Chard at ng Bench.

Umiwas na nga lang si Mr. Chan at biglang nag-babu sa press nang pilit pang intrigahin ng mga kaharap. Hahaha!

Anyway, successful ang ginawang fashion show ng Bench sa MOA.

Nagtiyaga ang mallgoers na magsiksikan sa main atrium para lang makita in person ang kanilang mga idolo.

Kabilang sa mga rumampa sina Bruce Quebral, Jake Cuenca, Rafael Rosell, Regine Angeles, John Prats, Jon Avila, ang loveteam nina Kim Chiu at Gerald Anderson at marami pang iba.

Nasa audience naman para magbigay ng moral support ang mag-asawang Richard at Lucy Gomez.

* * *

MUKHANG seryoso na ang “little rich girl” na si Princess Violago sa pagbabalik-showbiz.

Isang taon ding nawala sa eksena ang minsan ay tinaguriang “Chona Chikadora” ng now-defunct showbiz talk show ng GMA-7 na S-Files, dahil nagtungo sa Amerika.

Aminado si Princess na nanghihinayang siya sa naudlot na showbiz career.

Kung hindi raw siya naging pasaway at walang pakialam noon, kasing laki na sana siya ni Marian Rivera ngayon.

Hindi pa naman daw ganu’n kasikat ang bida ng Marimar at Dyesebel noon, at katunayan, ito  raw ang ipinalit sa kanya sa programang Hoo U nila nina Patrick Garcia at Jolina Magdangal sa Siyete.

Sa tingin niya’y hindi pa huli para siya’y bumawi at magseryoso sa trabaho.

Mas mature na raw siya ngayon at 23, at na-realize ang lahat ng pagkakamali.

Kung dati’y masyadong sosyal ang naging dating niya, apat ang escort, ngayo’y simple na lang daw siya, isa na lang ang bodyguard at yaya.

“Gusto ko talaga ang showbiz, I enjoy being famous. Gusto ko ’yung naa-approach ako ng mga tao, hina-hug ako.

“Showbiz is my future. I’m a freelance now and I’m open sa lahat ng may magandang offer, kahit ABS-CBN pa. I’m also currently doing workshops,” sey pa ni Princess.

Willing daw siyang i-try ang lahat — acting, hosting — although hindi niya pa kayang makipag-kissing scene.

Katuwiran nito, “I’m taking care of my family name.”

ian fariñas
journal online

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s