susan roces pahinga muna sa showbiz



Nabalitaan namin na gusto raw munang magpa­hinga ng movie queen na si Susan Roces sa pag­tang­gap ng panibagong TV series pagkatapos ng Iisa Pa Lamang.

Aminado si Manang Inday (Susan) na napasabak siya nang husto sa puyatan ng taping kaya gusto muna niyang i-enjoy ang kanyang mga apo sa anak niyang si Mary Grace at sa mga pamangkin niyang sina Sheryl at Renzo Cruz.

Although tanggap na niya ang maagang pagka­wala ng kanyang yumaong mister, ang movie king na si Fernando Poe, Jr., hindi niya ikinakaila na hina­hanap-hanap pa rin niya ito.

* * *

Kakaibang experience ang naranasan ni Annabelle Rama, ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa kanyang kaarawan kaya naman tuwang-tuwa ang birthday celebrant.

“Matagal na itong pangarap ni Ruffa na mag-birthday sa isang yate. Naunahan ko pa siya. Hindi lamang sa isa kundi sa tatlo (dalawa ang pag-aari ni Willie Revillame at isa kay Gov. Chavit Singson),” natatawang pahayag ni Annabelle.

* * *

Loveless pa rin hanggang ngayon si Ara Mina matapos silang mag-break ni Polo Ravales noong isang taon.

Sa halip na ma-depress, super busy si Ara sa kanyang kabi-kabilang raket hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Katunayan, kababalik lamang niya galing Amerika kung saan siya nagkaroon ng series of shows.

Pagbalik naman dito ay kabi-kabila rin ang kanyang mga out of town shows. Kapag may libre naman siyang oras ay nakalaan ito sa kanyang negosyo at kasama na rito ang Café Mina na matatagpuan sa may Riverbanks.

Masipag sa Ara si trabaho kaya nasasaktan siya kapag naiintriga at pilit na ikinakabit sa isang taong may sabit na.

* * *

Soon to be father ang 19-year-old actor na si John Wayne Sace at ito’y hindi niya ikinakaila.

Non-showbiz ang girlfriend ni John Wayne na isang taon ang tanda sa kanya.

Five months na umano ang ipinagbubuntis ng kasintahan ng batang actor. Sinabi rin ni John Wayne na wala umano siyang balak na itago ang kanyang nalalapit na pagiging isang ama dahil proud umano siya sa kanyang magiging unang baby.

Ang tanong, handa na nga kaya si John Wayne na akuin ang responsi­bilidad ng isang ama considering na 19 pa lamang siya at walang stable na pinagkakakitaan?

* * *

Hindi maikakaila na nasaktan nang husto si Anne Curtis sa break-up nila ni Sam Milby dahil hindi nito maiwasan ang mapaiyak sa first major solo concert ni Sam last Saturday (Oct. 25) na pinamagatang I Am Sam, Rock­oustic Heartthrob na ginanap sa Aliw Theater.

Ang buong akala ng marami ay hindi na sisiputin ni Anne ang kanyang guesting sa concert.

Kasalukuyang nasa Amerika si Anne for a much-needed vacation.

rated a: aster amoyo

psn online

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s