jose manalo sasampahan na ng kaso ng inabandonang asawa


KAPAG naging maganda ang usapan between Liza Manalo at ng lawyer na inirekomenda sa kanya, malamang ay tuluyan na niyang ididemanda ang kanyang komedyanteng first husband na si Jose Manalo.

Kasong pag-abandona  o hindi pagsuporta sa mga anak ang kasong isasampa ni Liza sa dating mister.

According kay Liza, nagkausap na raw sila  ni Jose noon at nagkasundo sa suporta. Pero, hindi raw tumupad sa kasunduan si Jose at  hindi na ito nakikipagkita sa kanya.

Ang second wife na lang daw ng komedyante ang ipinapakausap kay Liza. Kaya ngayon, desidido na si Liza na idemanda ang naturang komed-yante na regular na napapanood sa Eat Bulaga at sa Full house ng GMA-7.

Bukod sa dalawang regular shows ni Jose sa channel 7, meron din siyang pelikulang mala-pit nang maipalabas bu-kod pa sa gabi-gabing show sa ilang sikat na comedy bars.

May nakapagsabi rin sa amin na isang luxury SUV ang minamaneho ngayon ni Jose at kung ganito nga karami ang blessings na natatanggap niya ngayon, bakit kaya hindi niya suportahan ang kanyang mga anak sa kanyang unang asawa para hindi na nag-rereklamo si LIza?

Kung sakali at true lahat ang bintang sa kanya ni Liza,  makikialam kaya o poprotektahan kaya ng GMA-7 at ng Eat Bulaga si Jose?

Bukas ang pahinang ito sa paliwanag ng komedyanteng si Jose.

watsup:joey sarmiento
journal online

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s