management ng isang network, pursigidong piratahin ang sika na sports-tv personality


TULOY ang pangungumbinse ng teacher ng sikat na sports-TV personality na lumipat ito ng network. Deadset daw ang management ng network na makuha siya at ang dati niyang teacher ang tulay.

Ipinarating sa sports-TV host na willing mag-put-up ng sports show ang network basta’t lumipat lang siya, pero loyal sa station na nagtiwala sa kanya ang binata.

Hiningan namin ng reaction ang manager ng sports-TV personality sa effort na ma-pirate ang kanyang talent.

Ang sagot lang nito’y “saan ang ethics, Father?” dahil pari pala ang kumukumbinse sa sports-TV personality na mag-switch ng network.

* * *

NAURONG sa December 3 ang dapat sana’y November 18 showing ng  indie film ni Sam Milby na Cul-de-Sac (Dead End) .

Produced ito ng Cinemabuhay with Albert Martinez as head  para sa PLDT-Smart Foundation.  Showing ito sa lahat ng SM cinemas nationwide.

Bukod kay Sam, kasama rin sa cast ng pelikula sina Jodi Santamaria at Chin-Chin Gutierrez sa direksyon ni Juan Miguel Sevilla.

May balak na ilaban sa film festival abroad ang pelikula na binigyan ng P1-million funding.

Samantala, bida si Albert sa special episode ng Maalaala Mo Kaya na kukunan sa Beijing, China, mula November 20 to 25.

Wala pa raw napipiling leading lady sa nabanggit na episode.

Sinubukan naming hingin ang comment ni Albert sa inamin ni Niño Muhlach sa isang interview na may breast cancer nga ang misis nitong si Liezl.

Maikli ang sagot ng actor na “Better not comment…I’ll just focus on work and family.”

* * *

NAGWO-WORKSHOP sa Trumpets si Princess Violago bilang preparasyon sa pag-a-active niya uli sa showbiz, hindi lang nito masabi kung saang network siya next mapapanood dahil nakikipag-usap pa sila.

Last napanood si Princess sa Ako si Kim Samsoon at naghihintay pa siya ng susunod na project at para ’di masayang ang oras, she’s back in school sa UAAP.

Balik-painting din siya at ’pag umabot sa 50 ang paintings, magho-hold siya ng exhibit at ibebenta sa friends ng mom niya ang paintings at ang perang malilikom ay ido-donate niya sa mga batang mahirap.

Sa halip na magalit, natawa lang si Princess sa tsismis na nagbuntis siya kaya isang taong nawala sa eksena.

Ang kapatid pala nitong si Melissa, na kamukha niya, ang nakitang buntis na nagsimba sa Christ the King sa Green Meadows. Pati ang ina ni Princess, natawa sa tsismis.

Sinagot ni Princess ang impression ng tao na kaya kulang siya sa drive to make it big sa showbiz ay dahil mayaman sila.

“Ayoko ng ganu’n at hindi lang pera ang nagpapasaya sa atin. Enjoy ako sa showbiz, masarap umarte, kaya nandito ako. Saka ang pera, ’pag ’di ka marunong mag-invest, mawawala rin sa ’yo,” pahayag ng dalaga.

basta:nitz miralles
journal online

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s