TOTOO palang malamig na ang samahan ng dalawang dating magka-love team na sina Yasmien Kurdi at JC de Vera. Mismong kay Yasmien nanggaling na never na silang nagti-text or nagku-communicate ni JC mula nang magkaroon sila ng magkaibang programa sa Siyete. Si JC ay kapartner ngayon ni Rhian Ramos sa Lalola, samantalang si Yasmien ay partner si Dion Ignacio sa bagong soap na Saan Darating ang Umaga? Nasabi rin sa amin ni Yasmien na never niyang naka-MU si JC kahit pa nagkasama sila sa tatlong soap opera ng GMA. Nabalik ang isyu kina Yasmien at JC nang magsalita si JC sa Showbiz Central last Sunday hinggil sa totoong naging relasyon nila ni Yasmien. Ayon kay JC, never silang naging mag-on ni Yasmien, pero nang sabihin ito ni JC ay “na-lie” siya sa lie detector test. Idinugtong pa ni JC na kahit “mutual understanding” (MU) ay hindi raw sila nagkaroon ni Yasmien. Inamin din ni JC na kahit magkita sila ni Yasmien ay hindi sila nagbabatian o nagkaroon ng communication pagkatapos nilang magtambal sa mga soap opera. Depensa naman ni Yasmine, busy daw siya at maaaring busy din si JC kaya hindi sila nagti-text sa isa’t isa. Nagsimula na si Yasmien na mag-taping nu’ng October 18 para sa Saan Darating ang Uma-ga? na si Maryo J. delos Reyes ang direktor. * * * PAGKATAPOS ng Magnifico, muli na namang pupunta ng Brussels International Film Festival si Direk Maryo J. Napasama sa competition category ng 2008 Brussels Filmfest sa November ang huling obra ng direktor na Torotot, prodyus ng Viva Films at pinagbibidahan nina Precious Adona, Yul Servo at Baron Geisler. Kasama ni Maryo J. na pupuntang Brussels ang M-Gage member na si Orlando Sol. Si Orlando ay invited ng organizer dahil siya ang umawit ng theme song ng Torotot. ‘Di pa sure kung kai-lan sa November aalis sina Maryo J., Orlando at Yul papuntang Brussels . Sa ngayon ay busy sina Maryo J. at Orlando sa soap na Saan Dara-ting ang Umaga? Orlando will play the best friend of Dion Ignacio. Si Yul naman ay busy sa soap na Lalola. cut:noel asiñas
journal online
|
Oct
28
2008
hay naku!! mxado ng malaki ung ulo ni jc!!
kaya nde na dapat pang pinaguusapan lalong sumisikat eh!!
halata naman na ginamit nya si yas para makilala ehh!!
imagine wala xang career b4 nung partner nya si valerie and ung si jullian lee ohh tapos biglang si yas ohh edi nagclick!!
sabay iniwan si yas!! anuh un!!!wahahahahahah
kakarmahiin ka rin!! kahit sabihiin nateng bati na si ms. lolit solis and mrs. anabbelle rama,, nde mmaiiwasan na may connect ung sitwwasyon kung bakit nde na magkatambal ung 2!! but infairness im sure verry sure malalaos ka ulit JC DE VERA kumapit ka sa isang RHIAN RAMOS na kaya lang naman nagkakashow dahil xa tyahin nyang si MS.YDA HENARES diba,, ung pagiyak nya nga ehh kayo ba satisfied ba kayo!!! susu pinapaarte ka nga day!! lalo muh pang inaartehan!! take note im not fan of MS. Yasmien Kurdi.. sariling opinion lang bakit masama!!!!!