joey de leon : hari ng tv ngayon


weder gusto nyo o wa, hindi maipagkakaila na si joey de leon,  ang itinuturing hari ng lokal na telebisyon ngayon.  obyus naman diba? pitong araw sa isang linggo, pitong beses mo rin siyang mapanood kung type mo. lunes hanggang sabado, sa ‘eat bulaga’; at kung sabado quaruple treat ka dahil meron din siyang ‘takeshi castle’, ‘startalk’ at ‘nuts entertainment’; double treat ka naman pag linggo dahil sa ‘takeshi’ uli at ‘mel & joey’ . wala kang magagawa dahil sa bukod na sa sipag ay mukhang giliw na giliw sa kanyang talento ang GMA network.  wala nang pagsidlan pa ang ‘prinsipe’ na maituturing dahil sa kanya pa lang lunod ka na.  hahabol din sa paramihan ng shows sina boy abunda, kris aquino, ogie alcasid, janno gibbs, allan k, at marami pang iba.  isali na rin kaya natin si ryan agoncillo na nakatakdang mapanood sa dalawang malalaking shows ng abs, ang ‘pieta’ at ‘fear factor’, at meron pa siyang ‘talentadong pinoy’ sa TV5… shake mo… tv mo… abah at syempre huwag naman nating kaligtaan si michael v., na 6 na araw din sa ‘eat…’ bukod sa ‘bubble gum’ at ‘bitoy’s funniest videos’.

‘ang arte ko naman kung iiwas ako kay claudine’ – angel


Kung hindi nakarating si Angel Locsin sa 10th anniversary fashion show ng Folded & Hung last Thursday, October 23 na ginanap sa A-Venue, Makati, bumawi naman ang young actress the following night, Friday (Oct. 24) sa Fashion Week ng nasabing clothing line na ginanap naman sa Mall of Asia.

Si Angel ang nanguna sa nasabing fashion show kasama si Maja Salvador na matatandaang rumampa rin sa anniversary fashion show last Thursday with Claudine Barretto.

Sina Angel, Maja at Claudine ang tatlong malalaking female endorsers ng nasabing clothing company.

Sa dalawang magkasunod na event ay nagkaroon ng intriga between Angel and Claudine dahil pinaghiwalay pa silang dalawa. Marami ang naghinala na baka may tampuhan pa ang mga ito dulot ng nakaraan nilang pagbabanggaan.

Kaya naman ito ang itinanong kay Angel ng mga reporters nang kapanayamin siya after the fashion show.

“Okay na po lahat. Matagal na ring naayos and ako po, nirerespeto ko siya. Pareho kaming hindi nagsalita sa issue noon bilang isang lady at hanggang ngayon, ganu’n pa rin po ang aking stand,” ani Angel.

So, hindi talaga sila nag-iwasan ni Claudine?

“Hindi po talaga. Ang arte-arte ko naman kung iiwas-iwas pa ako, ako pa ang choosy eh Claudine Barretto ‘yan,” she said.

Ayon kay Angel, talagang hindi raw siya kasama sa program ng anniversary fashion show dahil naka-block-off na ang date na ito for Australia. Dapat kasi ay nagsu-shooting na sila ni Piolo Pascual ng Land Down Under sa nasabing bansa by this time. Kaya nga nag-video shoot na lang daw siya na ipinakita sa opening.

But unfortunately ay na-delay ang alis nila kaya tinapos muna ang shooting sa Subic, Zambales at ngayon ay sa Clark, Angeles naman. Nung gabi ng anniversary show ay may shooting daw siya at dapat ay hindi pa rin siya maka­kasama sa Fashion Week nitong Biyernes kung hindi lang na-pack-up ang shooting.

Wala na raw talagang problema sa kanila ni Claudine and in fact, nagte-text-an na sila and according to Angel ay binigyan pa siya ng book ng aktres. Kasama raw kasi sa pinag-usapan nila ang magbigayan ng libro.

Anyway, sa naturang fashion show sa MOA ay dalawang beses rumampa si Angel – opening and finale.

Sa first week of November naman ay aalis na sila ni Piolo papuntang Australia kasama ang direktor nilang si Rory Quintos. (Vinia Vivar)

psn online

juday-alfie feud, gimmick?


THE talent-manager relationship of Judy Ann Santos and Alfie Lorenzo is one of the strongest and most admired in showbiz.

But  recently, the two had a rift; but their differences have already been patched up – so they claim. Their issue was about Juday’s contract. What irked Alfie was Juday’s decision to consult a lawyer first before signing the contract. He claimed that in the past 19 years it was only the two of them who signed the contract sans the help of a lawyer. Juday, on the other hand, reasoned out that she was just making sure that she would not get embroiled in another legal issue.

“Nineteen years ago wala naman ako lawyer,” Juday sarcastically said in her interview on The Buzz last Sunday. “Kaya nga ako nagkaroon ng kaso sa BIR. Di ba?!”

With her stature and earnings, Juday should really seek legal opinion before she enters into any contract. Such move is not a question on her sense of gratitude to her long-time manager. Unfortunately, Alfie treated it the other way.

Alfie has proven to all what he made out of Juday. So, it is understandable that he reacted that way. Maybe, he felt insulted because Juday did not tell him that she would be consulting a lawyer. Wala namang masama sa ginawa ni Juday. Pero dapat ipinagpaalam muna niya ito sa kanyang manager. Tapos, balikan niya si Alfie kung ano ang opinyon ng abodago. O ang mas pinakamagandang ginawa niya dapat ay silang dalawa na mismo ang kumunsulta sa abogado para pag-usapan ang kontrata.

The talent-manager relationship should be devoid of surprises to last long. Dapat walang sinisikreto sa isa’t isa lalo na sa usapang business. Just like in a family, when one member does something without the other members knowing they will be hurt when they find out about it – especially if it is something that needs to be discussed. ‘Di ba parang nawawala ang tiwala ‘pag ganoon ang ginagawa natin?

But what is this I heard from one showbiz writer that this was just a pure gimik? Is this true? Just asking…

WHO’S THE CULPRIT?

ANOTHER talent manager being accused of doing gimik at the expense of her assistant is Becky Aguila.

Becky’s talents Jennylyn Mercado, Joross Gamboa and Valerie Concepcion said in   separate interviews that they were all allegedly victimized by handler Rowena “Mel” Pulmano. Let’s not get into details on how this certain Mel allegedly tampered with and forged signature to stash away money from them as these were already reported.

But what prompted me to comment on this is the nature of this issue. It’s really for the books. Imagine, as it has been said, Mel got around  P3million from Jennylyn alone. Whew! That’s big money. And Jennylyn had not even noticed that she was already losing such amount? Is she that rich and busy for her not to   check her bank account?! That’s unbelievable.

“Naku tigilan nga nila ako,” comments my writer-friend. “Imposible naman ‘yon na ‘di niya nalalaman na nababawasan ang pera niya sa bangko. Lalo ngayon na wala siyang project dahil sa panganganak niya. As if naman ‘di alam sa showbiz na kaya nga ibinenta nila ‘yong bahay nila sa Las Piñas para may panggastos sila habang walang raket. At isa pa, ‘makakalusot ba ‘yan kay Becky na tinaguriang money-ger.”

Whew, again!

Meanwhile, Becky is reportedly filing a case against Mel. And the latter will reveal dark secrets of Becky and her talents as part of her retaliation. As they say, the plot thickens.

But others say that this was another gimmick of Becky. Or, as some kibitzers say, is it true that Becky made Mel a scapegoat for her wrong doings? Just asking…

CRISTY FERMIN, VICTIM OF HER OWN DOING

The suspension of ABS-CBN on showbiz columnist/ host Cristy Fermin has sent shivers down the spine among local showbiz people.

As per ABS-CBN’s official statement, “the act committed by Ms. Fermin brought her and The Buzz to public disrepute, jeopardizing the name and goodwill of both the show and the network.”

No doubt, Cristy has contributed a lot and raked in money for the network. But, with one mistake, all these were forgotten. She could also be blamed for this because she in a way abused her power. As they say, there’s no such thing as absolute freedom – even in freedom of speech, for that matter.

Maybe, Cristy was just doing her job and she was made to believe that she has all the backings of the networks’s bigwigs.

“‘Yon ang mali ni Cristy,” says one of my coffee buddies. “Naging masyado siyang kampante. Hayan tuloy nagisa siya sa sariling niyang mantika.”

Whatever the real score, ABS-CBN and Cristy both know where they are coming from. And  it only proves one thing: That in showbiz – business prevails.

Meanwhile, this writer sincerely hopes that Cristy will get over this incident  – the soonest possible time. And when her suspension is lifted in January, will Cristy start her brand new year with GMA? Just asking…

For comments and suggestions, please send them to justasking_ja@yahoo.com or 09179256177.

just asking:joey aquino
journal online

kakaibang indie movie


KUNG pag-uusapan ang inventiveness or creativity ng mga Pinoy, particularly sa paggawa ng pelikula, puwede tayong ihanay sa foreign film  makers like George Lucas and Steven Spielberg.

Nagpatibay pa ang pa-niniwala naming ito ng indie film titled Xenoa 2: Clash of the Bloods directed by Sean Lim.

Although trailer pa lang ang napanood namin, na-impress na talaga kami sa husay ng pagkakahabi ni Direk Sean sa science fiction na ito na pinagbibidahan nina Isabel Gra-nada, Paolo Ballestero, Victor Basa at Lance Ray-mundo.

Pinaghalong ganda ng Star Wars, Battle Star Galactica, ET at Encounter of the Third Kind ang Xenoa 2 na tumatalakay din sa mga alien na puma-rito sa daigdig para sa isang mahalaga, pero madugong misyon.

Superb ang effects ng Xenoa 2, gayundin ang acting ng mga artista.

Kaya lang nang tanu-ngin namin si Direk Sean kung saan niya kinuha ang title ng kanyang indie photo play, hindi raw niya alam.          Basta pinagmitingan daw nila ‘yon at ‘yon ang napagdesisyunan nilang gamiting titulo.

Sinabi namin na maaa-ring hinango nila, unconconsciously, ang Xenoa sa Xenon, chemical element na nasa earth’s atmosphere.

Ang isa sa mga kata-ngian ng xenon, naa-alter nito o nama-manipulate ang wavelength ng light kaya ginagamit ito sa paggawa ng lasers.

Commercially, ang xenon ay ginagamit sa paggawa ng light bulbs, tulad ng fluorescent or incandescent lamps.

Nakalikha ng isang magandang sci-fi si Direk Sean nang hindi niya alam kung saan galing ang kanyang titulo.

Ibig sabihin, hindi siya gumawa ng thorough research para sa kanyang ideya.

At ito ang kulang sa ating filmmakers — research, research, research.

Kumbaga, nakatsamba lang siya, at hindi na maaaring makaulit pa ng isang napakagandang expression of artistry.  Hindi consistent, wika nga.

Marami tayong magagaling na filmmakers na puwedeng tumapat  sa mga taga-Hollywood.          Kaya nga lang, ang kulang sa atin bukod sa suporta ng gobyerno, ay tiyaga sa pagre-research para ma-augment o masuportahan scientifically ang ating mga ideya.

Trailer lang ang napanood namin at talagang impressive.

But, consistent kaya sa ganda ang kabuuan ng Xenoa 2?

Dahil nga kulang sa re-search, hindi kaya limitado ang byuti nito?

Excited na tuloy ka-ming mapanood ang ka-buuan nito sa gaganaping premiere sa November 5 ng gabi sa SM Megamall.

* * *

NEVERTHELESS, hanga kami kay Direk Sean  Lim dahil sa kanyang ‘vision’ as a filmmaker.

Sa aming panayam, pangarap talaga niyang mabigyan ng makabuluhan, maganda at kapupulutan ng aral na pelikula ang ating mga kababa-yan, higit sa lahat photo play na  puwedeng ha-ngaan sa international market.

At bilang panimula, sa pamamagitan ng Xenoa 2, he is attempting to revolutionize the digital technology (digi-tech) in movie making or mas kilala sa tawag na “indie movie.”

Nakasanayan na kasi natin na kapag indie movie, either gay movie ito, sobrang bayolente o sex movie ‘yan.  Kaya sci-fi naman ang pinasok ni Direk Sean.

Tagumpay ang unang Xenoa  na ginawa ni Direk Sean. Although, hindi sila kumita rito dahil na-over budget daw siya.

Dito naman daw sa Xenoa 2, dahil natuto na siya in terms of production cost, may natira pa nga sa inilaan nilang budget.

Xenoa 2: Clash of the Bloods is the story of Clyde (Victor Basa). Natuklasan ni Clyde na may kapangyarihan pala siya dahil anak siya ni Drix (Rey Talosig), isa sa tatlong royal siblings ng planet Xenoa.

At ang pagkakatuklas niya sa taglay na kapangyarihan magsisimula ang maaksyong pakikipagsapalaran ni Clyde, along with Eli (Isabel Granada) and Zeus (Paolo Ballesteros), Chief Vondeux (Lance Raymundo), at iba pang karakter ng pelikula.

innerview:butch roldan
journal online

drew is getting hotter



Twenty-eight year-old tv host Drew Arellano is getting sexier than ever.  Blame it on his passion these days for basketball, running and triathlons.  Drew revealed in a recent interview that after his hosting stint in the morning show of GMA 7, Unang Hirit, he engages himself in training, which entails lots of physical activities.  In fact, I see him most of the time in the weekend races, in regulation triathlon compression tights – one of the reasons I’m truly enjoying my runs lately.

rddantes

sexy actress mukhang retokada mula ulo hanggang paa


Marami na palang nakakapuna na every Saturday na lang nasa Startalk si Katrina Halili para sagutin ang mga intriga sa kanya. Pare-pareho lang naman daw ang sinasabi niya sa isyu. At lahat lalaki lang ang topic at pinag-uusapan.

Kahit sa mga production ng SOP, marami na rin ang nakakapansin na siya parati ang star na ‘di pala nakakaligtas sa mata ng mga viewers.

Pinatatanong nila kung bakit paborito si Katrina. Wala na raw bang iba?

* * *

Ang manager nina Dingdong Dantes at Marian Rivera pala ang nagdesis­yon na bawalan ang writers na dumalaw sa shooting ng One True Love, ang pelikulang ginagawa ng dalawa. Dahil kaya ayaw nilang mabuking na wala naman talagang relasyon sina Dingdong at Marian at for publicity sake lang ang break-up kuno-kuno nila Dingdong at Karylle? Nagsalita na si Karylle na maraming may gustong paghiwalayin sila. Meaning, malinaw na hindi sila break at nagagamit lang ang anak ni Zsa Zsa Padilla sa issue.

* * *

Retokada mula buhok ang tingin ng ibang writer nang makita nila nung minsan ang isang aktres. Nag-iba nga naman kasi ang hitsura nito at halos hindi mo na makilala. Naman, kahit ako nagulat sa hitsura. Oo naman, bumata siya. Pero halata naman ang mga ‘ginalaw’ sa katawan niya.

Pati pisngi niya, halatang pinabawasan.
Matagal-tagal ding hindi napanood ang aktres na ito.

Hay, iba na talaga ang nagagawa ng sensiya ngayon. Basta may datung ka, puwedeng-puwede kang gumanda.

* * *

Aliw na aliw pala ang panganay nina Claudine Barretto at Raymart Santiago na si Sabina sa komedyanang si Kitkat. Sinasabi pa nga raw ni Sabina kay Kitkat na sa bahay na lang nila tumira ang komedyana dahil madalas naman siyang magpunta roon.

Minsan, sinusundo pa raw siya ni Claudine sa bahay niya para pumunta sa house nila (Claudine). At sa sobrang katuwaan daw ni Sabina, pati turtle nito ay Kitkat na ang pangalan. “Apat kasi ang turtle niya, so ‘yung isa, Kitkat ang name,” kuwento pa ng komedyana na tumatawa.

Anyway, nang mag-birthday si Kitkat, earrings with diamonds ang regalo sa kanya ni Clau. Tapos Randy Ortiz pa ang sinuot niyang damit na galing din sa aktres.

Actually, hindi lang sa kanya mabait si Claudine. Kahit daw sa taping nila, let say may nakita itong buntis, kinakausap daw agad at tinatanong kung nagpapa-check up ba ito, or di ba nahihirapan. “Ganun talaga siya. Sobrang mabait,” sabi ni Kitkat na isa sa bagong miyembro ng Star Magic.

Nag-start ang friendship nila Claudine at Kitkat sa Iisa Pa Lamang na three weeks pang mapapanood, pero nagti-taping pa raw sila.

Bukod sa Iisa Pa Lamang, lagare rin si Kitkat sa shooting ng My Only U na hindi pa pala tapos hang­gang ngayon samantalang shooting na ito sa Wed­nesday. In fairness, pinag-uusapan na ang pelikula.Yun nga lang, sana matapos nila ng on time.

salve asis

psn online

mariel, pinalitan si cristy sa showbiz mismo


Mariel Rodriguez

NANDITO na sa bansa si Dingdong Dantes. Dumating ang aktor mula sa Amerika just in time para sa farewell presentation ng Dyesebel nu’ng Bi-yernes at dumalo rin  ito sa inauguration ng ba-gong GMA-7 building sa may  Timog, Edsa na pabulosa talaga.

Napag-alaman din naming hindi napanood ni Dingdong ang farewell presentation nila ni Ma-rian dahil abala raw sila sa pagre-rehearse ng sayaw na silang dalawa rin ang magkasama.

Siyempre, super kilig ang fans at naroon talaga ang kakaibang init at chemistry ng tambalan nina Marian at Dingdong.

Sinabi pa ng aktor na kung ano man ang napanood natin sa kanila ni Marian sa Dyesbel, kung nadadala man ang  audience sa sweetness nila ng aktres ‘yun ay dahil ginagampanan lamang nila ang karakter nila bilang sina Fredo at Dye-sebel na tunay na nagmamahalan.

Sa isang panayam, sinagot din ni Dingdong ang walang katapusang  isyu tungkol sa kanila ni Karylle. Habang nasa Amerika ang aktor, lumabas ang balitang  diuma-no’y tuluyan nang natapos ang relasyon nila ng singer.

Bagama’t hindi pa umano nakakapag-usap sina Dingdong at Karylle dahil kadarating pa lang ng aktor,  sinabi ni Dingdong na pag-uusapan din daw nila umano ni Karylle ang mga bagay na ito ‘pag nagkita sila.          Aniya, isang araw ay magsasalita rin daw siya pero hindi pa sa ngayon. Maghintay lang daw tayo. It won’t be too long.

Ayon pa sa ilang kaibigan sa press, halatang umiiwas daw si Dingdong sa break up issue.         Kunsabagay, kung  walang problema,  puwede namang diretsahin na they’re still together.  Hindi ‘yung paliguy-ligoy.

So, totoo nga kayang nagka-debelopan sina Dingdong at  Marian?         Sila pa rin ang magkasama sa sususnod na proyekto ng Siyete at balitang heavy drama raw ito.

* * *

Bukod kay Ryan Agoncillo (bilang Rigor),  kaabang-abang  din ang ka-rakter na ginagampanan ni  Cherie Gil sa Pieta (ipapalabas sa Oktubre 27).

Sinabi ni  Cherie, ang  mahalaga ang  role ni-yang  ito, the  late great actress Ms. Charito  Solis portayed  this  character noon sa movie version nito with Ace Vergel as the original Rigor.

Aniya, “Mahirap pantayan ang ginawa ni Tita Chato sa Pieta but I  know, I really did my best here.”

Mataas ang respeto at pagpupugay ni Cherie sa  namayapang aktres kung kaya’t ang gampanan  nito ang karakter ni Tita Chato ay isang malaking bagay daw para sa aktres.

Ang dami pang boylet ni Cherie sa  seryeng ito, huh! Pinag-aagawan siya rito nina  John Regala,   Jestoni Alarcon at  Neil Sese.

* * *

Gusto lang naming batiin si Mariel Rodriguez, ang husay niya bilang isa sa mga co-hosts ng Showbiz Mismo ng DZMM. Siya ang  inatasan ni Ms. Cory Vidanes na pumalit sa puwesto ni Cristy Fermin at in fairness,  lively talaga si  Mariel.

Nakakawala ng antok at refreshing ang dating.

Bagay na bagay siya sa isang afternoon radio program ang kanyang energy at pagka-kikay.

eksenadora : chanchan torres
journal online

gabby hates the press?


CONTROVERSIAL actor Gabby Concepcion feels, or so it seems, that he is on top of the world with the way he deals with the press people.

Some of the press people got irked when he tried to evade them  in the goodwill games, entitled One Last Shot for Daboy, held last Saturday. Worse, his handler even told some cameramen not to take video footage of the actor while he was playing badminton. Whaaaat?!

There might be a valid reason for that. However, that was not the only time he was so evasive with the press. During the height of his controversial rift with talent manager Rose Flaminiano, Gabby was already acting like a prima donna. He was playing cat and mouse with the showbiz press.

Maybe, he was trying to keep mum on the issue so as not to cause further damage. Well, that is understandable. However, rudeness is another story altogether.  Besides, Gabby is in the thick of news. That’s why they go after him. Given this, he should be more accommodating.  At para lalo siyang maging maba-ngo sa press.

But with all the nasty comments shared by some of my friends on how Gabby treats them, I find this totally unbelievable. If I were Gabby, the more he should be friendly. After all, these are the people who can  make or unmake him.

This is not Hollywood where interviews are arranged ahead of time. Unlike Hollywood, press people do not beg for stories. Hindi siya Hollywood icon na pati footage niya ay bawal kunan. Ngayon nga, lahat ginagawa na lang nang isyu para lang pag-usapan.

Gabby should be thankful with the press that he is given mileage. But once his star dims and as soon as his controversy fades out, we predict that Gabby will just be sidelined and shabbily treated. As what they say, what goes around comes around.

We dread the day when offers and projects will come in trickles for Gabby. We hope that his popularity now is not just a flash in the pan.

So, why  is Gabby  so evasive with the showbiz press? Just asking…

joey aquino
journal online

ryan labas sa away nina judy ann, alfie


Malaking break para kay Ryan Agoncillo ang remake ng Pieta.

Ito ang obra sa komiks ni Carlo J. Caparas at isinapelikula nina Ace Vergel at  yumaong Charito Solis noong  ’80s. Sa panayam ng press kay Ryan, ‘di naiwasang tanungin si Ryan about Judy Ann Santos dahil kontrobersyal ang aktres ngayon.

Ilang araw nang pinag-uusapan ang ‘away’ nina Juday at manager niyang si Alfie Lorenzo.  Nababanggit din si Ryan sa usaping ito.

Wika ni Ryan, aware siya sa mga nagaganap. “Mataas ang respeto ko kay Juday. Mataas din ang respeto ko kay Tito Alfie. I think labas ako sa ganyang mga  usapan lalo na ‘pag manager ang sangkot,”  pahayag ni Ryan.

Dagdag ni Ryan, ang 20 years na  pinagsamahan nina Juday at   Alfie,  ito ang  higit na inirirespeto at pinahahalagahan  ng  aktor/TV host.

Later sa interview, masayang ibinalita ni Ryan na nagkaayos na sina  Alfie at Juday, so wala nang dapat pang pag-usapan tungkol sa kanila.  At nagkausap na rin daw sila ni Alfie.

Going back to Pieta, naka-aantig talaga ang bawat eksena rito. Bawat tagpo ay may puso, mabigat sa dibdib, pero may leksyong ibinibigay.

Pinaghandaang mabuti ni Ryan ang role niya bilang Rigor sa Pieta.
Nag-workshop pa siya kay Direk Laurice Guillen para maging mas epektibo ang kanyang pagganap bilang suwail, pero may malambot na pusong anak. Si Cherie Gil ang gaganap na mother ni Ryan sa Pieta.

*  *  *

Nakausap din namin si Jason Abalos sa presscon ng Pieta.

Kabarkada siya rito ni Ryan Agoncillo (Rigor).

Siyempre, hindi na rin namin pinalampas ang  pagkakataon na batiin muli si Jason sa kanyang pagkakapanalo ng Best Actor sa indie-film na Endo.

Tinanong nga namin siya kung ano ang mga pagbabago after his winning. Lumaki ba ang talent fee niya?

Dati pa rin daw. Pero mas dumami  raw ang projects niya.

Bukod sa Pieta, abala si Jason sa Eva Fonda with Cristine Reyes.

Guess what?  Type  niya si Cristine.

“In fact pinagnanasaan ko siya,” diretsahang sabi pa ni Jason.

Eh, ano ba ang nagustuhan niya kay Cristine?

“Mabait kasi talaga siya at marunong siyang makisama.”

eksenadora:chanchan torres
journal online

patrick ayaw magtrabaho dahil sa intriga; nora darating na!


Tumawag sa akin ang mga Noranians para lamang kumpirmahin ang balitang uuwi na ng bansa ang kanilang idolo. Nakausap ko kasi sa phone si Guy at sinabi nitong marami siyang offers ditong pelikula, telebisyon at concert pero hindi pa niya alam kung alin ang uunahin niya. Sabi ko, ’wag na hindi niya ipaalam sa akin ang pagdating niya para naman makapaghanda rin ako.

* * *

Habang lumalaon, lalong umiigting ang pagpapareha kina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Ang masama nito, dahil wala silang kibo, tinanggap na itong pag-amin ng mga fans. Worse, pinalalabas pang kontrabida si Karylle na ni hindi nakikisawsaw sa isyu. Hindi naman siya maipag­tanggol ng boyfriend dahil makakaapekto ito sa loveteam nila ni Marian.

Pero ba’t nga ba tinatawag na ‘cheap’ si Karylle gayong wala naman siyang imik? Ipaliwanag n’yo nga!

* * *

Nandito na nga si Patrick Garcia pero ayaw muna nitong tumanggap ng mga assignments. Isina-sacrifice ba n’ya ang sarili dahil sa mga isyu?

Hoy, Patrick, lalaki ka, kailangang kayanin mo ang lahat! Ikaw ang magiging loser kapag hindi mo ito ginawa.

Sayang ang pagkakataon. You’re a good actor, don’t waste it.

* * *

Sa wakas nakapag-guest din sa Walang Tulugan si KC Concepcion! Ang higpit-higpit ng yakap niya sa akin.

Pumunta siya to promote her album. Sabi niya, excited na siya sa gagawin niyang movie with Richard Gutierrez for GMA Films. Alam daw niya na pinag-iisipan at pinaghahandaan itong mabuti ng GMA Films matapos ang matagumpay nilang For the First Time mula naman sa Star Cinema.

german moreno

pilipino star ngayon

sugat at pasa ni roxanne sariwa pa! aktor may kinatatakutan


Hindi nagpa-interview si Roxanne Guinoo sa pictorial ng Emergency episode ng Shake, Rattle & Roll X na isa siya sa mga bida. Nang ma-corner ng press, puro “no comment” ang sagot sa kontrobersiya sa kanila ni Jake Cuenca noong nasa Guam sila para sa ASAP ’08.

Nagpaalam ang press kung puwede siyang interbyuhin at may pinagpaalaman yata si Roxanne, pero nang hindi na lumapit sa amin, inisip na lang namin na hindi siya pinayagang magpa-interview.

Hindi tuloy nasagot ni Roxanne kung dala sa sinasabing bugbugan nila ni Jake ang sugat niya sa kaliwang braso at mga pasa sa braso pa rin. Hindi rin narinig ang side niya sa tsikang noong nasa Guam sila ay kinausap niya si Bea Alonzo at sinabihang ingatan si Jake dahil mahal na mahal niya ang actor. Si Bea nagulat daw, pero si Jake nagalit at pinatahimik siya na ikinasama niya ng loob at rason nang pagtatakbo niya sa labas ng restaurant.

* * *

Kasama si Ynez Veneracion sa Pieta at masaya siya sa first soap niya sa ABS-CBN at wish nitong masundan pa dahil nami-miss na niyang umarte. Ibinalita nitong ibinebenta niya for P9 million ang glass house niya sa Pasig dahil sa bahay ni Mon Confiado siya nakatira’t live-in sila. Ipagpapatayo nila ng apartment row ang mapagbibilhan sa bahay.

Ten years na ang relasyon nila ni Mon, pero ’di kasali sa usapan ang kasal. Sinasabi lang daw ng ka-live-in na this year, pero hindi pa kumpirmado, ang importante ay masaya sila sa kanilang pagbabalikan.

Halatang may galit pa rin si Ynez kay Juliana Palermo na for sometime nakarelasyon ni Mon. Feeling betrayed pa rin si Ynez sa ginawa ng kaibigan na inagaw daw sa kanya si Mon.

May bagong album si Ynez under Viva Records entitled Emotional and to be released next month. Singing and acting siya ngayon dahil iniwan na ang pagpapa-sexy sa mas bata sa kanya.

* * *

Nahihiwagaan kami sa isang guwapong aktor dahil umiiwas ding magpa-interview na parang may kinatatakutang malaman ang press sa kanya. Mabilis itong nawawala sa presscon ng kanyang mga soap at parang laging nagmamadali.

Sa pictorial ng bago nitong pelikula, ang dami-daming alibi para hindi ma-interview, kesyo magpapalit siya ng damit, magpapa-make-up at huli na nang mapansin ng press na wala na siya sa venue ng pictorial.

Nali-link ang actor sa isang actress at ito siguro ang kinatatakutang mabuking ng press. Minsan naming nabanggit ang name ng actress at defensive agad ang actor na wala siyang kinalaman sa paglipat nito ng ibang network.

* * *
pilipino star ngayon