pag-uwi ni guy, kinumpirma ni kuya germs


Kinumpirma ni German Moreno na darating si Nora Aunor sa bansa para mag-show.

Ani Kuya Germs: “Nakausap ko si Guy sa phone, marami nga raw siyang offer at namimili ng tamang project. Guy also confirmed na darating siya  para tuparin ang matagal nang paanyaya sa kanya ng fans.”

Through phone rin naikuwento ni Kuya Germs na may green card na si Ate Guy, kaya puwede na itong magbalik ’Pinas.

Wala na raw magiging problema ang Superstar kung gusto niyang bumalik ng Tate.

Masayang-masaya nga raw ito habang kausap si Kuya Germs. Nangako pa si Guy na pagdating ng bansa, babawi sa mga pagkukulang sa fans, sa mga kaibigan at sa pamilyang iniwan — sina Matet, Lotlot, Ian, Kiko at Kenneth.

Samantala, nangako si Kuya Germs kay Ate Guy na susuportahan niya ang pagbabalik ng kaibigan dito.

Speaking of Kuya Germs, naikuwento rin niya na isa siya sa mga unang nakaalam na buntis si Vina Morales.

Siya rin daw ang nagpayo sa singer-actress na huwag ilihim ang pagbubuntis.

Balak daw kasi ni Vina na magpunta ng Tate para doon isilang ang sanggol, pero pinigilan siya ni Kuya Germs dahil lalabas at lalabas din naman daw ang katotohanan.

“May naililihim ba sa showbiz? I told Vina na huwag nang magpunta ng Tate, ilabas at sabihin na niya ang katotohanan dahil malalaman at malalaman din ang tunay niyang kalagayan,” dagdag na tsika pa ni Kuya Germs.

Nagpapasalamat nga pala ang veteran TV host sa lahat ng artistang bumati sa kanyang kaarawan. Isang buwan ipinagdiwang ng Master showman ang kaarawan niya sa Walang Tulugan.

Simula nga pala sa November 15, mapapanood na ang Walang Tulugan sa Studio 3 ng GMA-7, kung saan ginagawa ang SOP every Sunday.

gerry ocampo
journal online

One comment on “pag-uwi ni guy, kinumpirma ni kuya germs

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s