FIVE NEW INDIE DIRECTORS TO WATCH IN 2013!


pizap.com13570249892632Sa mundo ng Indielikula, kaabang-abang lagi ang pagsulpot at pamamayagpag ng mga sariwang pangalan bilang mga direktor o manlilikha ng mga obrang panoorin.  Ayon kay Mell T. Navarro (batikang entertainment writer) , limang mga umuusbong na megmen ang dapat tutukan ngayong 2013! Narito ang listahan ni Mell:

CHRISTOPHER AD CASTILLO . Pamilyar ang apelyido niya at iyan ay dahil anak siya ng yumaong award-winning director na si Celso Ad Castillo. Nakabase ngayon sa USA, nakagawa na si Chris ng ilang short films doon at ang latest nga ay ang “Los Angeles 7″ (2011), isang full length drama-musical, na kasalukuyang nasa post-production.  May kasabihang  “Kung ano ang puno ay siyang bunga”, at  dahil isa ring new breed  filmmakerdapat siyang pakaabangan!

JOSEPH ISRAEL LABAN . Isa siyang award-winning news journalist at ilang beses nang nanalo ang kanyang mga documentary shows sa iba’t ibang international festivals. Managing producer siya ng GMA News and Public Affairs. Ang kanyang unang pelikulang “Cuchera” (Cinemalaya 2011 finalist) ay tumalakay sa  drug mule trafficking. Kaabang-abang rin dapat ang kanyang ililikhang indielikula ngayong 2013.

JASON PAUL LAXAMANA. Masundan na kaya ang first full length film niyang “Astro Mayabang” (Cinema One Originals 2010 finalist)?  Tubong- Angeles City, siya  ay isa ring photographer, teacher, and regional representative of National Comission on Cinema. Graduate ng UP Diliman. Minsan na rin siyang  nagtrabaho  sa production ng kapwa niyang Kapampangang si Direk Brillante Mendoza, at ngayon ay  trainee scriptwriter of Star Cinema.

KEITH SICAT.  Isa pang aabangang  new breed filmmaker ngayong 2013 si Keith.  Siya  ang director-editor ng ‘HIMALA  NGAYON”, ang   documentary special na ginawa ng kanilang grupo para sa  30th anniversary ng  “HIMALA” ni Ishmael Bernal.  Siya rin ang tumayong co-producer/ co-writer of “KA ORYANG” of Cinema One Originals 2011.

TYRONE ACIERTO. Sobrang matunog ang pangalan niya ngayon dahil ang kanyang ‘THE GRAVE BANDITS’ ay nanalo bilang NEW WAVE BEST PICTURE nitong nakaraang MMFF. Siya rin ang tinanghal na NEW WAVE BEST DIRECTOR! Bagama’t nanirahan at nagtatrabaho sa U.S., dapat lang siyang bigyan pansin dahil sa sinasabing kakaibang ‘himas’ niya sa kanyang award-winning na obra!

Pakaabangan ang mga pangalan at mga gagawin nilang proyekto ngayong taong 2013!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s