Finally mapapanood na sa FEBRUARY 6, 2013 ang ‘I LUV U PARE KO’ na pinagbibidahan ni ROCCO NACINO sa papel na isang beki! Yes, ito ay super-riot sa katatawanan dahil kakaiba ang indielikulang ito sa direksyon ni Neal ‘Buboy’ Tan. Kasama ni Rocco rito si RODJUN CRUZ na siyang ‘apple of his eyes’ at sinuportahan nina Bekimon, The WonderGays, Arnell Ignacio, Julio Diaz, Marissa Sanchez, Isadora, Melissa Mendez, Tita Swarding at … walang kokontra , XIXI MATURAN! Kaya please, panoorin nyo na po ito dahil kung papatok ito malamang na tatanghalin na akong dakilang supporting actress! Actress? Ang ‘I LUV U PARE KO’ ay mula sa KRIX Productions.
Jan
1
2013