MARICEL SORIANO : BACK TO THE BASEMENT?


pizap.com13589937165461Hindi na biro o malagihay na pagtataray ng panahon ang nangyayari ngayon sa tinagurian pa namang Diamond Star of Philippine Cinema.  Para kasing lumalabas na batbat na ng lamat ang diamante at nawawalan na ng halaga saan man tingnan.  It is rather discomforting that MARICEL SORIANO is sacked from an acting job after an altercation with Gerald Anderson.  Hindi naman seguro ito publicity stunt dahil lahat naman ng teleserye ng ABS2 ay patok (or so it seems! choz). Traumatic sa industriya ang kwentong may nagsigawan o may nasigawan sa set.  Dapat kasi masaya ang nasa likod ng kamera kesehodang drama , aksyon, horror, adventure, fantasy o comedy ang iginigiling nito. Traumatic dahil  sangkot ay  aktres na nakilala sa pagpapatawa at sumadsad na sa pagiging mataray.  Ano nga kaya ang binibitbit na dusa ng isang Maricel Soriano at siya ay nagiging icon na ng kasungitan at pagmamaldita sa kapwa.  Pasalamat na nga lang seguro siya at napakiusapang magretract  ang mga katulong niyang naghain ng kasong maltreatment at death threats sa kanya.  Tapos, heto na naman? Paano na ang kontrata niya niya kapamilya network? Paano niya mababayaran ang hinuhulugan niya rawng property sa Rockwell? Paano na nga ba talaga ang kanyang psychological well-being?  So, lumalabas nga ngayon na hindi pala tsismis na siya diumano ay nagbuno rin ng panahon sa ‘basement’ ng isang kilalang medical center?  Ginagawa ring dahilan ang pagkamatay ng kanyang ina kaya raw siya nagkakadepresyon. Hello naman? Lahat tayo may trahedya sa buhay at kung nakakapit tayo sa ating katinuan, lumalabnaw ang dusa at napapalitan ng mga bagong pag-asa.  Papaano na nga lang pala kung nasa Cateel siya at dinaanan ng delubyo, eh di tuluyan na siyang bumitaw? Napakaraming dalubhasa sa Psychiatry dito sa atin, at sisiw lang ang kaso ni Soriano, marahil ang totoong problema niya ay nakatira sa tuktok ng kanyang kamalayan kung saan ang mundo ay isang kornukopyang araw at gabi ay gumagana para lamang sa kanyang mga kagagahan! Enough said!

10 comments on “MARICEL SORIANO : BACK TO THE BASEMENT?

  1. Nagkasama kami ni Maricel noon sa Babaeng Hampaslupa at naging malapit kami sa isat isa during our shooting days togethet….isa si Maricel Soriano sa isa sa pinakamagaling at totoong tao sa Industriya ng showbiz….mataray daw si Maria yun ang sabi nila….pero if you really know her….malalaman mo na ang isang Maricel Soriano ay isang napakabait at totoong tao…..i feel bad and sad kung ito nga ang totoong nangyayari sa kanya…..kung ano man ang pinag dadaanan ni Maria , sana malagpasan nya yun….

  2. In the most recent tweet of Richard Pinlac, sinabi niyang patanong na na late si gerald sa taping, pinaghintay ang Diamond Star at nag take 16 (SIXTEEN) pa sa isang eksena!

    Sa isang tweet naman ni Joebert Sucaldito two days ago, si Dina Bonnevie naman ang nagtaray kay gerald pero inayos kaagad ng Dos before the taping day ended.

    eKLAvUMER REPLIED : AND WHILE YOU’RE AT IT, BOIL SOME EGGS IN THE NEARBY TIWI HOT SPRINGS, SWEAT IT OUT TO RID YOU OF YOUR OWN TRASH!

  3. grief is something that everyone experiences in a different way. There is no right way to grieve. Everyone moves through grief in their own unique way. The reality is that most of us will continue to grieve in unique ways for the rest of our lives, even when we seem to be getting on with life.

    eKLAvUMER REPLIED : YES PRAY FOR MS SORIANO’S MENTAL HEALTH at the nearest church like St. Andre Bessette Catholic Church nearby.

  4. … ipagdasal po natin ang kaluluwa ni maricel soriano na sana ay huwag na siyang manakit ng mga kasambahay.

  5. I find this article mean, disrespectful and rude. Sa title pa lang, bastos na. Tayong mga Pinoy, masyadong mapanghusga. Do we really know the truth behind all these rumors? Most of the time, all we have is second- or even third-hand information. Also, instead of putting Maricel Soriano down, we should at least realize that there’s a cause to it, if and only if there’s truth to the rumors. Nakadapa na, tinatapakan pa. All we can do is pray for her, just like what we do for our unfortunate relatives and kababayans.

    eKLAvUMER REPLIED : aRE you dyslexic? please read again. there is nothing in the post that is not based on actual accounts from the news and insiders. NOBODY IS PUTTING MARICEL SORIANO DOWN BUT HERSELF. It was HER INAPPROPRIATE BEHAVIOR that HAS PUT HER INTO THIS SITUATION, hence this post. Why don’t you sponsor a NOVENA for her psychological wellbeing as well as your reading comprehension qoutient? I am quite sure there is a quaint little chapel waiting for you out there in california!

  6. NCMH na lang sa mandaluyong… pabasement-basement pa di naman bagay. mas maganda ang katarayan niya sa mandaluyong! weeeeee!

  7. asopre ang kadalasang lumalabas sa bunganga ni maricel sa totoong buhay. yaong mga kabaitan na sinasabi ay kaplastikan lang. magaling siyang umarteng mabait. may sayad talaga yan. naging kapitbahay namin yan noong 80s. ipinanganak yan na masama ang ugali!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s