PAALAM, PABLO S. GOMEZ!


ANG batikang nobelistang si Pablo S. Gomez na paboritong manunulat ng Movie King na si Fernando Poe Jr. ay yumao na last Sunday, December 26, ganap na 7:30 pm. He suffered cardiac respiratory arrest. He will turn 80 years old sa January 25, 2011.  Nagsimula ng kanyang writing career si PSG noong 1949.  Marami siyang nagawang prosa sa mga babasahing Liwayway, Bulaklak, Aliwan at Sinag-Tala. Naging proof reader muna bago naging editor sa Ace Publications.

Hindi na mabilang ang nagawa niyang istoryang isinalin sa pelikula.  Ilan sa mga ito ay ang Kurdapya, Gilda, Kandilang Bakal, Anino Ni Bathala, Octavia, Tatlong Magdalena, Kaming Makasalanan, Pitong Krus Ng Isang Ina, Busabos, Tanikalang Apoy, Tulisan atbp.

Ang kanyang labi ay nasa St. Peter Memorial Homes, Quezon Avenue, QC. Isang showbiz icon si PSG.

Sa kabilang dako, ang contemporary niyang nobelista na si Rico Bello Omagap na 80 anyos na rin ngayon ay mayroon ding malubhang karamdaman at labas-pasok sa ospital.

CHITO ALCID

By eklavumer Posted in OBIT

One comment on “PAALAM, PABLO S. GOMEZ!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s