LOVI POE & RICHARD GUTIERREZ : “SUDDENLY, IT’S MAGIC”


Tuloy na tuloy na! At wala nang makakaharang pa! Yes, nag-pictorial na nga si Lovi Poe, kasama ang dalawa pang leading ladies din na sina Solenn Heusaff at Eugene Domingo para sa Valentine offering ng GMA Films set to shoot na next week- ang “Suddenly, It’s Magic”. Bale trilogy film ito, at si Lovi Poe nga ang makakatambal ni Richard sa isang episode ng trilogy na yun.
“I am so happy to be paired-off with Richard”, sey ni Lovi. “I find him a true gentleman, so sweet and caring as a co-actor. Kaya lang, huwag na sana akong i-link sa kanya. Baka masira pa ang friendship.”
Habang nagpi-pictorial si Lovi kasama si Richard, panay ang tuksuhan ng dalawa. Minsan, naglalambingan din. Para bang kung iisipin mo, pelikula lang yung nakikita mo. Pero totoo na pala. Kaya for sure, kikita sa takilya ang tambalang Lovi-Richard.
“Lovi is the type of a girl na maski sinong guy, mapapamahal sa kanya”, wika naman ni Richard sa writer na ito during the pictorial. “Kaya excited na rin akong makatrabaho siya. Kasi, koboy din siya at down-to-earth. I enjoy working with people like that. Ayoko kasi sa mga leading ladies ko na maaarte, yun tipong ipi-please ko pa ng husto. Si Lovi, she’s so nice talaga.”
Samantala, patuloy pa ring napapanood si Lovi ngayon sa teleseryeng “Little Star” na consistent sa pagiging top-rater sa afternoon slot. Kay daming commercials na pumapasok. Lahat ay inaabangan ang mga eksena ni Lovi! Lalo na ang mga kalalakihan! Sey niu. Indeed, Lovi is the next hottest top dramatic actress in town!

ROBERT SILVERIO

3 comments on “LOVI POE & RICHARD GUTIERREZ : “SUDDENLY, IT’S MAGIC”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s