LARA MORENA AT JACQ YU: PINAHANGA ANG MGA BAGUHANG PRODUCERS!


Tunay ka, Mama Eklavumer. Kung lahat ba ng mga artista ay tulad nina Miss Lara Morena and Miss Jacq Yu, mas maraming mga new producers ang mae-engganyo na mag-produce pa ng mag-produce ng mga nagbobonggahang events. Na kung lahat ng artista ay kasing-bait at kasing-supportive nina Lara at Jacq sa mga producers, tiyak namang magiging positive pang lalo ang impresyon ng mga taong nasa corporate world sa mga showbiz people.
“Si Lara, grabe, talagang nung kunin ko siya sa fashion show na ito, hindi na siya nagdalawang-isip pa, she supported me all the way!”, sabi ni Miss Mitch Camaclang, producer ng Glam: A Sexy And Glamorous Season fashion show,  sa writer na ito habang nagdi-dinner sila sa sosyal na restaurant na Mr. Jones sa Greenbelt 5, Makati. “Thumbs-up ako sa kanya. She’s so professional!”
At ganun din daw si Jacq Yu. Wala daw mga ka-kiyemehan ang dalawa. Hindi sila pinahirapan, bagkus, sinuportahan pa sila. To the point, na itong sina Lara at Jacq, nag-recommend pa ng ibang mga celebrities para hindi na sila mahirapan pa sa pagkuha ng mga celebrity models na lalabas dun sa fashion show-party event nila.
“Hindi pa kasi kami anun ka-showbiz”, sabi pa ni Mitch sa writer na ito. “Kaya pag may mga intriga o awayan sa mga showbiz friends ko lately, hindi ko alam kung paano ako magre-react. Paano nga ba?”, ganting tanong ni Mitch.
Si Mitch, at ang very cute niyang hubby na si Rookie Camaclang (isang professional photographer at graduate sa Ateneo de Manila) ay first-timer lang kasi talaga into producing. Itong “GLAM: A Sexy And Glamorous Season” ang una nilang production venture. Nagkaroon sila ng encouragement and inspiration to produce nu’ng maging co-producers silang mag-asawa as industrial partners sa fashion show na ginawa nila last year, ang “Hot In November”. Dahil sa success nun, nakakuha sila ng m agagandang projects all throughout the year of 2010,  and this led to them producing na on their own. At yun nga, medyo malungkot lang si Mitch dahil may mga kaibigan siya sa showbiz na nag-aaway ngayon. Hindi niya alam kung paano siya magre-react.
Sources around Mitch and rookie’s circles say na sina direk Sean Lim at direk mark Shandii Bacolod daw yung mga showbiz friends nina Mitch at Rookie na nag-aaway ngayon. Kanya-kanyang kampo raw. May mga pumapanig sa kampo ni direk Sean, at mayroon namang mga taong very loyal sa kampo ni direk mark. Samantalang sina Mitch at Rookie, hindi pa alam kung ano ang gagawin. Ang payo ng write na ito sa kanila- dead-ma na lang. wag na lang magko-comment ng anything against both parties. At duon naliwanagan ang mga isipan at damdamin nina Mitch at Rookie.
Anyway, basta go and party kayo on Saturday, November 27 sa event na “GLAM: A Sexy And Glamorous Season” sa Lax Nightclub, San Miguel, The Bay, Mall of Asia in Pasay. Featured models dito sina Lara Morena, Jacq Yu, Alicia Meyer, Jackie Manzano-Yllana, Xaviera Iglesias, at ang mga famed international models ng Guess at Abercrombie na sina Andrew Phillip, Yashica Vir at Valerie Bondoc. Ipi-feature sa fashion show and party event na ito ang mga talk-of-thetown na corsets ni Mr. Jerry Ocampo and his other designs, plus the collections of French Dolls, Marc Rancy, Veejay Floresca, Joel Bautista, Luis delos Santos, Jazel Sy at ang “Walk of Fame” winner na si Renz Pangilinan (who happened to be a part of Glam PH’s family of Mitch and Rookie).Ang direktor ng event ay walang iba kundi si Trixie Tansiongco.

ROBERT SILVERIO

Advertisements

One comment on “LARA MORENA AT JACQ YU: PINAHANGA ANG MGA BAGUHANG PRODUCERS!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s