WILLIE REVILLAME : ANG NATATANGING IDOLO NG MGA PATAY-GUTOM!


Kasumpa-sumpa ang mataguriang isang PATAY GUTOM.  Asahang ang sinumang iyong bansagan nito ay magsawalang-bahala’t magkibit-balikat na lamang.  Ganun kasi ang ugali ng mga patay-gutom : makapal ang balat, bingi at laging manlalamang mabuhay lamang.  Laganap ito sa buong mundo lalo’t higit sa mga mahihirap na bansa at yaong mga walang matawag na kalinangang kultura na nagtataguyod sa magandang asal at pangkalahatang dignidad.  Kung hindi man ikaw, lumingon ka lang at mayroon kang masumpungan.  Lalong dumarami ang mga nilalang na ganito dahil sa klasikong katuwirang ‘kahirapan’.  Aasahan mo bang magsumikap ang bulto-bultong masa na ginawang palasak sa pampulitikang slogan na ‘ERAP PARA SA MAHIHIRAP’?  Sila ang mga hindi pinalad na isilang sa mundo upang tumulay sa sinulid ng walang katiyakan.  Sila ang mga tagasahod sa latak ng masasaganang pagpupunyagi ng mga masisipag at mapagpunyagi.  Sila ang mga pantapal sa palpak na pamumuno at pamamalakad ng isang pamahalaan.  Sila ang hindi kawawa dahil wala na sa kanila ang kamalayan ng karangyaan na ipinapipilitan ng mga pulitikong tiwali.  Sila ang mga bayarang timawa na sa kakarampot na barya at pambobola ay boboto upang maghari ang kawalanghiyaan.  SILA ANG MGA PATAY-GUTOM na pumipila sa isang show na diumano ay makapagbabago sa kanilang buhay.  Sila rin ang nagbunsod na itanghal ang isang katulad nila upang ang ilan sa kanilang uri ay mahango sa salat na mundong minana nila sa salaulang nakaraan.  Sila ang mga walang dignidad na mga hayop na kumikendeng-kendeng sa saliw ng makamundong tugtog ng isang WILLIE REVILLAME.

NGAYON ko lang napagtantong isang malaking pagpapalaganap ng kahirapan ang tanging tukoy ng dating estasyon ni Revillame na nagpalayas sa kanya dahil natanto nilang kabi-kabila na ang sungay ng halimaw ng kanilang nilikha.  Ngayon sila ay nagkakagulo at nagdedemandahan , isang pahiwatig sa tunay ng kulay nila sa kabila ng kanilang paghigop ng limpak-limpak na salapi.  Marami na ngang namamatay sa gutom nguni’t ang mga PATAY GUTOM ay lalong dadami at lalago pa ang kanilang lipi dahil sa mga REVILLAME at ABSCBN sa gitna ng ating nagpapatinong kaganapan!

eKLAvUMER

7 comments on “WILLIE REVILLAME : ANG NATATANGING IDOLO NG MGA PATAY-GUTOM!

  1. Di naman patay gutom magaling din kasi maghost ang mokong na to kaya madami nauuto… pwede mo na xa ihelera kanila bro mike and eli. Pwede na xa magtayo ng sarili nyang kulto.

  2. Grabe ka naman, maswerte ka lang na may kayamanan ka, hwag kang mang alipusta, bakit? malinis ka ba? wala bang putik sa katawan mo? mag isip ka…..biktima lang sila ng kahirapang pinalalala ng mga tulad mo.maging makatao ka.

  3. puso mo TERESA HOWARD este SARAH SANTOS, hinay-hinay lang.

    bilang isang mahirap tulad mo Teresa, este Sarah, ang gusto ko sa Willing-willie eh yung pera pero HINDI ‘yung host.

    PERA ANG GUSTO NAMIN, at HINDI SI WILLIE REVILLAME!

  4. ito lang masasabi ni madam xixi: ‘ang uod ay kusang lumalamon ng putik at minsan sa kabundatan ay lumulubo at sumasabog at nahahalo sa putik na kakainin rin ng kapwa uod…’

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s