‘PILIPINAS GOT TALENT’, MAY SCAM!


INABANGAN ng mga manonood ang naganap noong Linggo (April 25) sa Pilipinas Got Talent. ‘Yun kasing mga napili sa unang auditions eh, naglaban-laban na naman.

Kaya lang, may nakarating sa aming balita na mukhang wala ng second auditions na magaganap para sa ikalawang chance sa mga napili sa unang kontes. May isa kasing sumali na napili naman noong una para makapasok sa second labanan na na-shock  umano sa nangyari sa taping nila recently.

Elver Esquivel ang pangalan ng nasabing contestant. Actually, isa pala itong tenor. Na naging pambato ng Conservatory of Music ng UST. In fact, ang mga nagiging audience na pala nito worldwide eh, mga royalty!

Na-shock lang daw si Elver nang umano’y hindi na sila uli pinag-perform sa taping ng nasabing talent search. Sinabihan na lang daw ng “No!” ng mga hurado ang pinili na nila na malalagay sa ‘No!’ na hindi pa nakikita ang kanilang panlaban sa ikalawang pagkakataon.

Madalas kasi, naririnig natin noon sa tatlong judges sa show na sina Kris Aquino, Ai Ai delas Alas, at Mr. FMG (Freddie M. Garcia) sa mga nakakakuha ng ‘okay’ o approval nila na mag-handa sila ng mas bongga pa nilang gagawin sa susunod na laban.

Na siya nga raw nangyari kay Elver. Kaya, nagulat na lang daw ito kung bakit sa pinuntahan niyang taping, tumayo siya sa entablado at sinabihan na siya ng ‘No!’ nang hindi pa niya ginagawa ang inihanda niyang piyesa.

Kaya ang tanong, napili na ba ang mga finalist sa Pilipinas Got Talent?

PILAR MATEO

2 comments on “‘PILIPINAS GOT TALENT’, MAY SCAM!

  1. malamang napili na nga ang mga final performer kaya di na pinasali ang tenor, pero unfair yun he can still contest , pero ganun pa man the judges disisyon is always final…..good luck nalang sa tenor.

  2. sulatroniko???? ULOL!!!

    daya ng pilipinas got talent…

    dapat nanalo ung si fame flores. bihira lang yun sa pilipinas. eh yung kalaban nya magaling lang kumanta pero karaniwan mo nang makikita dito.
    bobo kc mga judges palibhasa paborito nila kapag lalake. pero kapag babae khit magaling talo.
    manyakis kc si aiai at kris. HAHAHA!!!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s