BLIND ITEM : DRAMA ACTRESS INALIPIN NA NG BATO!


BINIBIGYAN ng pagkakataon ng isang network ang dramatic actress na ito, pero ito na yata ang panahon na nag-uumpisa nang sumadsad ang kanyang career. Kung noon, hindi na kumikita ang mga pelikula niya, naroroon pa rin naman ang respeto sa kanya dahil propesyonal siya at magaling. Ngayon, biglang complete turnabout ang character ng dramatic actress na ito.

Bangaggera de primera itong dumarating sa set na nanlilisik ang mga mata, namamayat, ang dating maselan sa rumi ay kinakikitaan na ng pagkadugyot at laging namamawis. Inirereklamo na siya ng mga kasama niya dahil ayaw na nitong nagpapalipat-lipat pa ng location. Ang gusto niya, kung sa isang set ang taping, gumawa na lang ng paraan na lahat ng eksena ay roon na lang dahil tinatamad na siyang magpalipat-lipat. Ang da hayt, nagpapa-pack up na siya ng taping sa kung ano-anong kadahilanan, o dahil lang sa hindi niya type ang script.

Nai-blind item na namin ang aktres na ito noon na nawawala, naglagi sa Amerika dahil may nagbalita sa aming sinusubukan nitong magpa-rehab. Pero, mukhang nalulong na sa bisyo ng shabu ang aktres. Hindi namin ito inaasahan dahil sa edad niyang ‘yun at saka pa niya naisip na gumamit nito. Sana nga, inuna na muna niya ang pagpapa-rehab bago siya nakaisip na bumalik sa bansa.

Hindi raw matanggap ng aktres na hindi na siya kasing-sikat noong kabataan niya. Dumalang na nang dumalang ang offers sa kanya at mukhang hindi niya inihanda ang sarili niya sa katotohanang ganito, na dumarating talaga sa buhay ng mga artista. They all come, and they will certainly all go.

Hindi kami magtataka na isang araw, bubulagain na lang tayo ng aktres na ito na puwedeng masangkot sa eskandalo ng droga. Nakapanghihinayang. With her immense talent, wala na rin naman siyang dapat pang patunayan kung tutuusin.

ARCHIE DE CALMA

By eklavumer Posted in Walang Uri

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s