SHARON CUNETA : “HINDI PO WALKOUT ‘YON”


Binisita namin sina Sharon Cuneta at Sen. Tito Sotto sa kanilang endorsement shoot na ginawa sa Broadway Centrum last Tuesday.

Doo’y masayang inanunsyo ng megastar na puwede na siyang mag-endorse ng kandidato dahil pinayagan na siya ng produktong kanyang iniendorso.

Kamakailan kasi sa presscon ni Sen. Jinggoy Estrada ay naging mailap sa interview si Shawie dahil bawal nga raw sa produktong ine-endorse niya ang mangampanya.

The following day, nakatanggap na raw siya ng go signal from the company na pinapayagan na siyang mag-endorse ng pulitiko, kaya naman kaagad niya itong ipinaalam sa tiyuhing si Sen. Tito na, as we all know, ay tumatakbo sa pagka-senador.

“Hindi, talaga, ’yung the moment I got it, kasi ’yung kay Pareng Jinggoy, ’di ba, hindi pa ako makaano, I could not even say na ‘tulungan natin,’ ganu’n.

“Pero the very minute talaga na I just got my go, which you know what, thank God, was the next day, I texted him right away and said, ‘I just got my go, so please, please, can I volunteer to do a commercial with you or ganyan, whatever, ’di ba?

“’Yung anuman, ’yung hanggang kung puwede, ’yung picture naming nasa lata, baso, pamaypay, tarpaulin, anything.

“Touched na touched ako nu’ng sumagot si Fad (tawag niya kay Tito Sen, shortcut for father), kasi parang touched na touched siya.

“So, sabi ko, ‘daddy, sorry, kasi ngayon lang. Sabi ko, I just want you to know that I don’t take your treating me as your eldest daughter very lightly. In other words, dinidibdib ko ’yon mula nu’ng pagkabata.

“So, sabi ko nga, sorry po, ngayon lang, kasi nahihiya rin ako mula nu’ng tumakbo siyang vice mayor, senador, ’di ba, super lakas siya, tingin ko, I was never needed.         “Tapos ang sagot naman niya, ‘alam mo naman, ayokong nang-aabala.’ Oo nga naman, dapat ako ang nagpupumilit,” say ni Sharon kasunod ang bungisngis.

Pag-butt-in naman ni Tito Sen, “She’s always needed, kaya lang nahihiya ako.”

First time raw na nabigyan siya ng opportunity na tulungan ang kanyang Uncle Tito kaya masayang-masaya si Sharon and of course, pati si Tito Sen.

Nanghihinayang nga lang si Shawie dahil patapos na halos ang kampanya at wish niya, sana ay since day 1 pa siya nakatulong.

Pero say ni Tito Sen, very timely ang pagsulpot ni Shawie dahil kadalasan nga raw, ’yung huling sigwa ng kampanya ang importante.

“So, blessing in disguise ito talaga, perfect ang timing,” say ni Tito Sen.

Samantala, natanong din kay Sharon ang tungkol sa iba pang issue sa kanya particular na ang napabalitang pagwo-walk-out niya sa set ng Sharon show niya kamakailan.

“Tampo lang ’yon, merong misunderstanding. Actually, nagkasabay-sabay. I wasn’t feeling well, some things happened na hindi inaasahan, hindi lang ako, kundi hindi rin pala inaasahan nu’ng iba. I was just so… alam mo ’yung day na ’yon, ang tawag ko ru’n, low batt ako, off na off ako that day and I just felt hindi ko mabibigay ang 100 percent ko sa audience ko kung pipilitin ko that day, so, I’d rather not to do it kung half-baked. Dahil I don’t like to be a plastic,” paliwanag ng megastar.

Nakumusta rin kay Sharon ang adopted baby boy niya at aniya, kamukhang-kamukha na ito ni Sid Lucero.

“Oo, ganu’n na, ’pag ngumingiti, lahat, ‘oh my God, Sid na siya, hindi na masyadong Coco (Martin)!’ He’s a happy baby. He has my lips, my chin, he has dimples like Miel. He has a wonderful smile and he’s chinito like Jet Li (Sharon’s favorite foreign action star).”

Hindi pa lang masabi ni Sharon kung kelan ito mapabibinyagan dahil inaayos pa lang daw ang papers.

“Wala pa nga siyang passport, hindi ko pa siya masama kung saan-saan,” say pa ni Mega.

Regarding her next projects, aniya, hindi kakasya this year ang lahat ng naka-line-up niyang pelikula.

“By June, I will be starting my movie for Star Cinema which is horror. My first horror!” excited niyang wika.         “Tapos, may naka-schedule rin kami ni Robin Padilla together, sa Unitel, depende na ’yan sa schedule. Tapos, I will have a movie with Ate Vi (Vilma Santos), hopefully, matuloy this year. Nasa kontrata namin ’yon. So, if not this year, next year, nag-uusap na kami tungkol diyan.

“Afterwards, it might be me and KC (Concepcion, her daughter). And then, the next… hindi ko pa alam,” humahalakhak niyang say.

May nagtanong kung with Gabby Concepcion na ba ito at tumatawa pa rin niyang sagot, “Una-una lang sa ex, okay? Robin muna, hahaha!”

After the interview, sumalang na si Shawie sa shoot nila ni Tito Sen. Naroroon din nga pala ang mga anak ng senador na sina Lala, Ciara, Apple at Gian Sotto, na tumatakbo namang councilor sa 3rd district ng Quezon City.

vinia vivar

One comment on “SHARON CUNETA : “HINDI PO WALKOUT ‘YON”

  1. tita shawie, totoo po ba ang balitang pinapagiba na raw lahat ng pinto sa bahay nyo para lakihan? hindi na raw kasi kayo kasya? obesity is the best policy na po ba?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s