MARIEL RODRIGUEZ, HANGGANG PANTASYA LANG SI ROBIN PADILLA!


Ipinagpipilitan ngayon ng mga kung sinong tabingi ang kamalayan na diumano si ROBIN PADILLA ang dahilan ng paghihiwalay ng magsing-irog na ZANJOE MARUDO at ng maarteng si MARIEL RODRIGUEZ.  Halatadong may mga motibong pinapairal upang kahit papaano ay magkaroon ng katiting na VALUE ang haka-hakang ito.  Hindi nga lang lantarang mailahad ang katotohanan dahil napakasensitibo diumano ng mga pangyayari.  Hindi rin yata alam ng mga buhong na nagpapakalat nito na matagal nang hiwalay sina ZANJOE at MARIEL!  Last year pa bago magpasko ay nagkalamigan na sila dahil sa mga personal na bagay na sila lang puedeng makapagkwento. 

Walang katotohanang type ni ROBIN si MARIEL  dahil unang-una, hindi ang huli ang tipong babaeng magpapatibok sa puso ng aksyon star. Kung babalikan natin ang mga naging karelasyon ni Binoe, lahat ng mga iyon ay WALANG KAARTEHAN sa katawan na matatawag.  Ewan lang natin din pero kung susuriing mabuti, wala sa kalingkingan ng tinatawag na TOTAL WOMANHOOD at STAR QUALITIES ang mga nakaraang pag-ibig ng ating bida.  Hindi na rin kailangan pa nating pangalanan dahil alam naman natin kung sinu-sino sila.

Ngayong tapos na ang pag-host ni ROBIN sa WOWOWEE, malamang sa ilang araw lang ay hindi na papatulan ang usaping ito.  Meron pang mga kumakalat na isasahog raw si Miss OA sa pelikulang ginagawa nina Robin at Toni Gonzaga dahil napansin raw ng production na ZERO chemistry ang dalawa sa screen, parang Robin-Jolina lang? MALAMANG!

eKLAvUMER

By eklavumer Posted in dighay

7 comments on “MARIEL RODRIGUEZ, HANGGANG PANTASYA LANG SI ROBIN PADILLA!

  1. TAAAMMMAAAA! antapang ng pananaw na itohhhh! HINDI KAKAYANIN NI KUYA BINOE ANG KAARTEHAN NG BABAENG ITOHHH NA NGONGO ANG BOSES AT SOBRANG KADIRI SA KA-O.A.-HAN! ang mga tipo ni kuya ay yaong mga natural ang ganda at matino ang dating! totoo hanggang sa fantasia lang talaga ni mariel si kuyaaaaaa!!!!

  2. Uuuuyy, I’m sure… naiinggit lang kayo kay Marielle. Gusto niyo rin sigurong ma-chismis na nililigawan kayo ni Binoe. Haha. Aminin!!

  3. kung makapanlait naman tong writer na to, kala mo kung sino!
    kanya kanyang trip lang yan hoy…
    tanungin mo kaya si binoe kung hindi ba niya type si mariel?
    parang ang daming alam…
    inggit lang kayo!

  4. Korek Ka diyan!! binoe himself admitted na may gusto siya kay Mariel. so what is still the issue here? itong writer kung makapagsulat ay parang dead na dead ang pagkaka-jelly kay Mariel. if i know nagpapantasya ka rin.,. mga tao ngayon nagmamalinis..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s