JOEY MARQUEZ, RICHARD GOMEZ & JOHN ESTRADA STAR IN A NEW, DYNAMITE NOONTIME SHOW!


Joey Marquez, Richard Gomez & John Estrada Star in ABS2's New Noontime Fare!

FERVENT dream na talaga kundi man IMPOSSIBLE ang pantasya ng ABS2 na maigupo at manikluhod sa kanilang paanan ang pagbagsak ng ratings ng EatBulaga! Through the years, may mga pagkakataong muntik na nilang masungkit ang matulaing pangarap na ito nguni’t nitong mga nakaraan ay kulelatlatdeleon lang talaga ang drama nila. For some reason, umangat nang husto ang MTB o Magandang Tanghali Bayan dahil nasundot nito ang ilang element ng noontime hit ng TAPE,Inc.  Naroon ang ensemble hosting ; mga katarantaduhang game portions at ang pagpapasali ng pagkaramiraming audience sa televised mass elimination rounds ng mga ito.  Magpatuloy sa pagbasa

ANGELINE QUINTO : THE LESBIANISM SLUR CONTINUES!


Hindi pa rin maintindihan ng inyong mayuming lingkod kung ketchibaygaliwow as in baket marami pa ring celebrity na pilit na ikinukubli ang kanilang kasarian gayong obyus na minsan ang kanilang ‘lihis’ na sexual preference? Para bang ginagawan pa nila ng paraang pagkakitaan ng mga may malisyosong imahinasyon sa industriya ang kanilang pagiging bekingPinoy o tivolingPinoy.  Dapat kasi lantaran na agad para kung sumikat man ay wala nang puede pang iduduldol sa kanilang mukha na anumang isyu hinggil dito.  Magpatuloy sa pagbasa

JOSE MANALO , SUMAKABILANG BAHAY NA!


Birit nga ni Eva Eugenio : “Oh, tukso layuan mo ako!” na dapat sana ay laging isinasaisip ng mga taong mayroon nang pananagutan sa buhay upang ang mundo ay laging nasa panig ng katinuan nguni’t mukhang kakaiba naman ang kinakanta ng komedyanteng sumikat sa EatBulaga! na si JOSE MANALO… nagpatalo siya sa TUKSO! Magpatuloy sa pagbasa

AiAi delas Alas-Vice Ganda : BREWING RIFT EXTRAVAGANZA


"Mas sikat ako kaysa kay AiAi!" - ViceGanda

Hidwaan.  Isang salitang ang ibig sabihin ay hindi pagkakaunawaan. Isang salitang dapat ay laging buhay sa loob ng kasyobisan dahil ‘yan ang mabiling isyu upang magsalasalabat at bumaging-baging ang mga kaganapan 24/7 sa mga haling sa latest chismakers tungkol sa kanilang mga paboritong artista.  Ang pinakahuling pinag-uusapan ay ang isnabang naganap noong nakaraang season sa isang otel ng dalawang sikat na komedyanteng sina AIAI DELAS ALAS at VICE GANDA.  Mayroon diumanong mga sinabing hindi kagandahan si Vice  patungkol kay AiAi Magpatuloy sa pagbasa

By eklavumer Posted in dighay

LEANDRO BALDEMOR : TULOY TULOY NA ANG PAGBABALIK!


Syempre, kung isa kang true-blue showbizen matunog na matunog ang pangalang LEANDRO BALDEMOR.  Sumikat siya bilang isa sa mga pinanggigilang TF stars noong ’90s.  Nang humupa ang kasibulan at nangibang landas ang kapalaran, nanahimik muna siya at ipinagpatuloy ang buhay na malayo sa masalimuot at magulong mundo ng pagkukunwari. Magpatuloy sa pagbasa

‘… MALAKING KARANGALAN ANG MABASTOS KA NI WILLIE REVILLAME” – CRISTY FERMIN


Ang pinag-uusapan dito ay ang malamang na pagkasuspendi kay John Estrada dahil sa pagdodobol meaning nito sa kanyang mga adlib sa mga female contestants.  Nabanggit tuloy ni Cristy Fermin na sa Pilipinas dalawang tao lang daw ang may lisensya na mambastos sa tv ito ay sina Rico J Puno at Willie Revillame.  She said “Parang isang malaking karangalan ang mabastos ka ng isang Willie Revillame”.  A totally insensitive remark which counts to the fact that indeed she is a Willie Revillame rah-rah girl.  Mariing ipinakakalat ni Fermin that she meant nothing malicious Magpatuloy sa pagbasa

WILLIE REVILLAME TO TAKE AN INDEFINITE LEAVE FROM ‘WILLING WILLIE’ AS ADVERTISERS PULL OUT EN MASSE!



Nagpahayag ng isang napakahabang litanya si WILLIE REVILLAME pagkatapos ng April 8 episode ng WILLING WILLIE sa TV5.  Una, he brought everyone down memory lane to his past misdemeanors at hindi pa rin nagbabago ang kanyang paninindigan ; ipinagdidiinan nyang wala siyang kasalanan sa lahat ng mga nangyari sa kanyang career bilang variety/game show host.  Binalikan nya muli ang kanyang hinanakit sa nilisang network at nanuro ng mga personalidad na siya rawng mga dapat tuligsain.  But then the meat of it all ay nang sabihin nyang hindi naman raw sila pinapa-off the air ng MTRCB pero nang sabihin nyang nag-PULL OUT na ang mga ADVERTISERS; ‘yon na yon! hindi nga pinapatigil eh paano naman nila masustain ang livelihood ng show ? Wala rin!

Binanggit rin niya na tinira siya ng ilang mga kasamahan sa industrya sa Twitter but then we all know that.  NAGPAALAM SI WILLIE SA MANAGEMENT NG TV5 at diumano’y ‘PANSAMANTALANG’ mawawala sa ere ang nasabing show. In the meantime, sana naman ay magmuni-muni siya this holy week to realize that what he did really jolted the industry and gave his missing values a kick in the gut!

 

eKLAvUMER

By eklavumer Posted in dighay

kris aquino : mega AS IN superBULOK NA ANG STYLE?


SILA NA NGA BA O ALL FOR SHOW LANG?

Pinakalatest irritation ni JOBERT SUCALDITO ang pagtanggap ni Kris Aquino ng award in behalf of her bosom friend  John Lapus.  Why naman? Well, hindi rin naman mabiblame ang long haired broadcaster/producer/movie columnist dahil kung matinong tao si Kris she would be keep herself on safe waters with the rest of the world.  But no, buong ningning niya pang ipinangalandakan na hindi raw iniwan sa ere si John ng kanyang network.
Which of course irked Jobert no end.  Friends din kasi sila ni Kris and it wasn’t in good taste to make such patutsada.  Para talagang naghahamon ang si klamidik byuti by doing so. Magpatuloy sa pagbasa

By eklavumer Posted in dighay

BRIX FERRARIS : MISSING!


BRIX FERRARIS

Kabi-kabilang panawagan ang ginagawa ngayon ni AMY PEREZ sa asawang si BRIX FERRARIS  na sana ay lumutang na.  Matagal na rin kasing nagfile ng annulment case ang Face to Face Host para naman lumaya na ito at mapakasalan ang kinakasamang reporter ng ABSCBN.  Naging masyadong madrama ang mga pangyayari dahil ayaw ata ni Brix na maging bahagi ng proceedings kaya laging nabinbin ang mga kaganapan.   Magpatuloy sa pagbasa

By eklavumer Posted in dighay

AIZA SEGUERRA KINUKUYOG NG MGA FANS NI WILLIE REVILLAME!


Dahil sa ‘macho dancing kid’ insident sa WILLING WILLIE sa TV5; maraming mga hindi nakapagpigil na magkomento ng mga pagka-inis sa pangyayari.  Maraming hindi sang-ayon sa ganung palabas kahit na nga pinaglaban ng host nito na walang malisya ang pag-iyak ng bata habang pakanyog na sumasayaw-sayaw sa harap ng kamera.  Maraming celebrities din ang nagbigay ng kanilang opinyon at isa na rito ang mga mariing komento ng dating child star ngayon ay singer na rin at lantarang isang lesbian na si AIZA SEGUERRA. Magpatuloy sa pagbasa

By eklavumer Posted in dighay

ARRON VILLAFLOR : ‘SUNGKI’ IS SEXY!


Ang pagkasungki ay bunga ng sapaw na pagtubo ng pangil sa katabi nitong ipin.  Kadalasan madali itong nareremedyuhan kung maagap na maituwid ang tubo ng mga ito. Pero minsan, nahahayaan na lang ito sa ganung katayuan dahil ‘okey lang’ naman ang maging ‘sungki’. Si Charice Pempengco nga supersungki pero di na ito pinapansin; in my personal case naman 70% ng mga naging jowawish ketch ay sungki! I find it really sexy kasi… especially if its on ARRON VILLAFLOR!

eKLAvUMER

By eklavumer Posted in dighay

BARON GEISLER : RUNNING AWAY FROM THE FIRE!


Maganda ang feedback sa kasalukuyang kinasadlakan ni BARON GEISLER dahil mukhang sa malaon at madali ay mag-spring back into the mainstream ang controversial actor fresh and renewed.  Ayon sa mga nasasagap na balita, maayos na naisasakatuparan ni Baron ang mga nararapat gawin ng isang nagrerehab.  Mukhang matindi rin ang humility exercises na kanyang ginagampanan katulad ng pag-aalaga sa kanyang sarili on his own; paglilinis ng kanyang area, pag-gising ng maaga, pagluluto at marami pang iba.   Magpatuloy sa pagbasa