VILMA SANTOS, UNA SA PUSO ANG MGA BATANGUEÑO (owwwS? talaga?)


MADALING umakting na kunwari ay durug-durog na ang puso mo sa matinding dalamhati para sa mga binaha — kunwari, nanduon ang concern, pero nasaan na ang tulong, ha?
Sagutin mo nga ‘yan, Ate Vi, na pinabayan ang mga taga-Batangas habang nagpapasarap siya sa Amerika at Canada? ‘Yan ba ang klase ng gobernadora na ibinoto ng mga Batangueño?
Sobra ang concern sa mga kapuwa kuno niya Batangueños na more of Ralph Recto than Santos na Kapampangan ang ugat sa mga kamay?
Puwede namang iwan ni Vilma ang premiere night ng gay movie nilang mag-ina, tutal, nanduon naman ang anak niya at ang kahalikan nitong si John Lloyd.
Vilma’s presence would not be missed sa premiere night and the people who flocked there to see her in person would perfectly understand kung inuna ni Vilma ang kapa­kanan ng mga nasasakupan niya sa halip na magkakaway lang sa isang premiere night.
Vilma’s popularity would have doubled kung biglaan siyang umuwi dahil sa pag-aalala sa mga taga-Batangas. Sabi niya, una sa puso niya ang mga bumoto sa kanya. Eh bakit ginusto pa niyang manatili sa Amerika at hinintay na mawala ang baha saka siya umuwi ng Pili­pinas?
Dahil hindi na siya maaabala pa sa paglilikas sa mga binaha at paglilinis sa dinumihan ng baha?
Muli eh naalala na naman namin ang awards night na dapat ay naka-grandslam na sana si Gloria Romero pero ‘naagawan’ pa ng single trophy nitong si Vilma gayung ang laki rin ng nai­tulong ni Ate Glo sa kasikatan ni Vilma nu’ng kabataan niya, tapos, ito pa palang tinulungan ang makakakumpetensya niya sa parangal?
Sana nga, ipinagkaloob na lang ni Vilma ‘yung award na ‘yun kay Ate Glo para naging kumpleto na ang showbiz career nito.
Kelan pa uli mabi­bigyan ng solo mo­vie si Gloria Romero tulad ng Tanging Yaman? Eh si Vilma, hayan at pelikula ang inaasikaso sa halip na kapa­kanan ng mga nasasakupan niya.
Oo nga at nanduon ang vice governor niyang si Mark Leviste to do his own chores. Eh plus points ‘yun kay Leviste more than Vilma. Susunod ba si Leviste sa iuutos ni Vilma? Of course not!
Kanya-kanya ga­thering of points ‘yan in times of calamity. Doon ka huhusgahan ng sambayanan sa malasakit na ipinakita mo. Eh ang malasakit ni Vilma ay sa mga taga-abroad niya ibinigay!
Now pray tell me kung paninira na naman yan sa governess ng Batangas if that is not stating an ho­nest opinion of what should have been!
***
Heto na naman ang mga rah-rah gays na mga estupido at mga walang common sense.
Nananalasa pa raw sa takilya ang nakakadiring gay movie despite the floods.
At kumikita ng milyones ang gay movie kahit na sarado ang mga mall at mga sinehan!
Saan dudukutin ‘yung sinasabi nilang mil­yones? Sa bulsa na naman ng Papa Gabby ko? Kawawa naman ang Papa Gabby ko kung ga­yon!
Ang suwerte naman ng Star Cinema pag bumabaha, huh! Tuwing may movie silang showing, natataon na may baha. At mas kumikita sila pag baha ang buong Maynila.
Di ba, nu’ng showing ang mo­vie ni Ai Ai de las Alas eh blockbuster daw ito kaya champion ito sa pagiging topgrosser ng Star Cinema na nu’ng una ay sinabing naka-P200M pero lately ay bago na naman ang praise release — naka-P250M daw ito?
‘Yan naman ang gusto ko sa mga binabaha, langoy sila nang la­ngoy papunta sa mga mall at mga sinehan para lang manood ng isang Star Cinema movie!
Isn’t that simply amazing and superbly spectacular?
Bigyan ng masigabong palakpa­kan ang mga rah-rah gays! At least, worth it ang bayad sa kanila, ‘noh?! Kesehodang magsinungaling, basta ba bayad — period!

alfie lorenzo/abante

One comment on “VILMA SANTOS, UNA SA PUSO ANG MGA BATANGUEÑO (owwwS? talaga?)

  1. To alfie lorenzo…matanda kana dapat nilalaan mo ang kaluluwa mo sa pag dasal sa STO NINO mo…..para pag-natigok ka ay maganda naman ang masasabi sa lamay mo…ABUSIVE!!! at ginagamit mo ang panulat para sumira ng ARTISTA…alaga mo nga tinatalo mo pa…POOR OLD GAY!!! nakakaawa ka…reserve your remaining days to spread good and positive news….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s