ALIWAN AVENUE : Fabulous@5!


Gosh. Aliwan Avenue is moving into its 5th year in the blogsphere. It also has been my cyberhome where I can let myself be. ‘Yon bang kevs at kese lang at walang patumanggang aliw lang ang aking nararanasan.  Dahil sa sobrang init ng dating nito, it has elevated my stature of addressing myself as a mere pale-faced self-patronizing non-entity of “this blogger” to a resounding flat and hard : “Aliwan Avenue”! My visitors come and go and leave messages that are sweet, bitter, non-chalant and vile. All in a day’s blog I always say.  Wala din naman kasi akong pakundangan kung makapag-analisa ng mga kaganapang pinanghihimasukan ko lalo na sa mga isyung di nasisikmura ng sambayanan or for this matter, sankasyobisan.  Sa loob ng panahon ng pamamalagi natin sa mundong seyberiko, natuklasan ko na ang hangganan nito ay pansarili nating desisyon. Sabihin mang natutumbok natin ang temperaturang kayumanggi gayon din ang panlasang sanlibutan, lagi pa ring naroon ang paghahasik ng tama at masayang pagninilaynilay sa mga kaganapan lalo na sa lokal na kulay. Minana ko ang aking katarayan sa pinanggagaling adhikaing panatilihin ang katuturan ng katinuan sa malawakang istrukturang mortal habang nahihilo ka na pag-unawa kung ano ang nais kong itawid.  Ang kababawan ko ay kalaliman mo … at ang kalaliman nating maaarok ay tagumpay ng bawa’t malilinggit nating pangarap sa buhay! Chozzzzzerrraaaa!

At syempre kahit alam kong ramdam nyo ang bawa’t minuto kong pasasalamat sa inyong pagtangkilik , let me say this in one sweep : ‘THANK YOU SOOOOOO MUCH FOR THE LOVE!”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s