ISKO MORENO SABIT SA LAND SCAM


NEWSFLASH : ISANG anti-graft group crusader ang nagsampa ng kaso sa Manila Regional Trial Court (RTC) laban sa mga opisyales ng Manila City Hall, pangunahin na rito si Vice Mayor Isko Moreno at mga miyembro ng Sangguniang Pang-lungsod na kuwestyonableng nagratipika sa pagbebenta ng patrimonial property ng Lungsod na kinatitirikan ng Century Park Hotel sa Vito Cruz, Ermita, Maynila.
Ang grupo na nagpatawag bilang Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian o 4K ay pormal na nagsampa ng Civil Case sa Manila Regional Trial Court laban kina VM Moreno, Majority Floor Leader Honey Lacuna-Pangan, Councilor Jong Isip, dating Councilor Letlet Zarcal at iba pa.

Pinangunahan ni Rodel Pineda, secretary general ng 4K, kasama ang legal counsel na si Atty. Vladimir Cabigao, bantog na anti-graft advocate, ang pagsasampa ng 7-pahinang petisyon sa Manila RTC nang matuklasan na ang bentahan ay niratipikahan lamang sa Resolution 278 ng City Council of Manila noong Disyembre 23, 2008 kaya walang batas o ordinansa na nagpapahintulot sa pagbebenta ng 22,967 square meters lupain ng siyudad.

“Naibenta ang lote sa may-ari ng Century Park Hotel sa pamamagitan ng isang resolusyon na deklarasyon lamang ng sentimyento o opinyon ng lawmaking body,” wika ni Pineda.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s