“PRESA” at “TAKSIKAB” ng ASTRAL PRODUCTIONS sa CINEMALAYA 2011!


Masayang ibinalita ni Sir Ding Buenaventura , ang masigasig na producer ng ASTRAL PRODUCTIONS na naimbitahan ang dalawa sa kanilang natatanging pelikulang likha upang muling itanghal sa publiko sa pamamagitan ng CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL 2011.

Ang  PRESA , na tumanggap ng papuri at awards mula sa MMFF2010, Gawad TANGLAW at Gawad URIAN ay mapapanood muli sa HULYO 16,2011 (Sabado); 12:45PM sa TANGHALANG MANUEL CONDE (Dream Theater). Ito ay mula sa direksyon ni ADOLFO BORINAGA ALIX , JR.

Ang TAKSIKAB naman na tinaguriang Indie Box Office Wonder tungkol sa buhay ng isang silahis (bisexual) na taxi driver ay tampok sa MIDNITE SPECIALS ng Cinemalaya .  Mapapanood ang DIRECTOR’S CUT nito sa HULYO 21, 2011 (Huwebes); 11:45PM sa TANGHALANG AURELIO TOLENTINO (Little Theatre). Ito ay mula sa panulat at direksyon ni ARCHIE DEL MUNDO.

Tinatayang dudumugin muli ang mga pelikulang ito kung kaya ay makipag-ugnayan na agad sa CCP at magpareserba na ng tickets.

One comment on ““PRESA” at “TAKSIKAB” ng ASTRAL PRODUCTIONS sa CINEMALAYA 2011!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s