EX-SEXY ACTRESS… BUS DRIVER NA NGAYON!


ALMA ARCEGA?

NEWS :“ALAM namin ang traffic rules and regulations kompara sa mga lalaki at pasensyosa kami habang nagmamaneho kaya maiiwasan ang aksidente.”

Ito ang pahayag ng dating sexy actress na posibleng maging bus driver makaraang maipasa ang pagsasanay na pinangasiwaan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, maaari nang ilagay bilang bus driver ang dating aktres na si Alma Arsoga o Alma Arcega sa tunay na buhay makaraang mapabilang sa 12 na pinagkalooban kahapon ng sertipiko makaraan ang flag ceremony sa punong tanggapan ng ahensya.

Ayon sa MMDA Chief, hindi magtatagal ay mapapabilang na si Arcega sa mga driver ng bus na mamamayagpag sa kahabaan ng EDSA na isa sa proyektong isinulong ng MMDA.

Si Arcega ay lumabas bilang kontrabida sa pelikulang Isla na pinagbidahan nina Ana Capri, Via Veloso at Allan Paule na sequel na pelikulng Isla na ginampanan noon ng beauty queen na si Isabel Lopez.

Advertisements
By eklavumer Posted in balita

One comment on “EX-SEXY ACTRESS… BUS DRIVER NA NGAYON!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s