ROBERT SILVERIO’s TEN MOST OUTSTANDING PERFORMANCES BY AN ACTOR AND ACTRESS IN THE YEAR 201


1.) MON CONFIADO- He is the most underrated actor today in Philippine Cinema. Napaka-wide ng acting range niya. At sa pelikulang “Pilantik” (isang indie film) ay ipinamalas ni Mon ang isang kakaibang pagganap. Para sa isang straight guy na tulad niya, napakahirap i-portray ang isang bading na may sira ang ulo at pumapatay. Ang daming shining moments ni Mon sa pelikulang ito. Pinaka-memorable yung iyakan nila ni Maria Isabel Lopez (who portrayed his mom in the film). Ang galing! Kamangha-mangha!

 

mon confiado:the most powerful underdog actor of phil. cinema.

2.) JOHN LLOYD CRUZ- Mas nagustuhan namin si John Lloyd sa pelikulang “My Amnesia Girl” keysa sa “In My Life”.Kaya mas outstanding para sa amin ang acting na ipinakita ni John Lloyd sa”My Amnesia Girl” para sa amin. Dalawang eksena sa nasabing pelikula ang nagpaiyak sa amin dahil sa kagalingan ni John Lloyd. Yun ending scene kung saan na-recall na niya ang sarili niya sa pamamagitan nung sinulid na singsing na pinakita ng ka-partner niyang si Toni Gonzaga. At yung scene na ipinapa-recall niya kay Toni ang nagdaang buhay nila. Ewan ba namin,pero tumutusok sa puso ang acting ni John Lloyd sa pelikulang ito.

 

john lloyd.

 

3.) ANGELI BAYANI- Isa pang napaka-underrated actress. Kakaiba ang kanyang “acting style”at “nuances”. Very Hollywoodish ang approach niya sa pag-arte. Hindi rin siya Over Acting (OA). Pero mapi-feel mo ang emotions deep within her,katulad ng ipinakita niyang great but subtle performance sa pelikulang “Pink Halo-Halo”, directed by Jay Altajeros. Isang Muslim na babaeng namatayan ng isang sundalong asawa (na ginampanan ni Allen Dizon) ang papel ni Angeli sa nasabing pelikula. Tumayo ang balahibo namin dun sa eksena ni Angeli na hinahawakan niya ang isang puting tela nang mamatay na si Allen. Napakagaling ng babaeng ito! Hanep!

 

angeli.

 

4.) ROMEO JOHN ARCILLA- No one can ever duplicate Romeo Arcilla’s very powerful performance in the movie “Halaw”, directed by Sheron Dayoc and became the Best Picture(New breed) sa Cinemalaya 2010. Papel ng isang lalaking bugaw ang ginampanan dito ni Romeo. But he had to suffer the pain of selling Muslim women into the White Slavery ring sa Mindanao para lamang makatulong sa kanyang mga kababayan na Muslim. Sa tuwing magde-deliver si Romeo ng kanyang mga linya sa pelikula ay mapapaangat ka sa kinauupuan mo. Kung sakali mang ma-snob siya ng mga award-giving bodies na tulad ng Famas, Enpress at Star awards sa susunod na mga award-giving ceremonies next year, ito ay dahil hindi siya “popular” choice. Pero natitiyak ng writer na ito na hindi siya maiisnab sa Urian awards

 

romeo john.

 

5.) MARC ABAYA- May mga nagsasabing naging “OA”daw ang mga acting ng lahat ng mga male cast na kasama sa pelikulang “Dagim”, but this writer felt, they simply did justice to their roles.Kahanga-hanga ang iPinamalas na acting ng singer turned actor na si Marc Abaya sa pelikulang ito. Kakaiba. Astounding and magnetic! Papel ng isang cannibal tribe male ang ginampanan ni Marc dito. Ang mga sigaw at malalakas niyang halakhak sa pelikula na may halong kabaliwan ay ngayon lang namin nakita sa Pelikulang Pilipino. Ibang klase ka, Marc!

 

marc.

 

6.) CARIZZA CORTES- Sa isang stageplay naman din namin ang isa pang outstanding performance. Ito ay sa dulang”Ondoy” ng Virgin Labfest na tinanghal nung buwan ng Pebrero sa Cultural Center of the Philippines. Dito namin nasaksihan ang ka-gimbal-gimbal na galing sa pag-arte ni Carizza Cortes. Papel ng isang biktima ng bagyong Ondoy ang ginampanan dito ni Carizza.Kasama ang kanyang asawa (na ginampanan ni Jojit Lorenzo) ay napadpad sila sa bubungan ng kanilang bahay. Doon naganap ang kanilang maraming confrontation scenes at napakahusay ni Carizza sa kanyang mga diyalogo at monologues. Saan pa ba magmamanana kundi sa ama niyang veteran character actor na si Rez Cortes. Na-nominate si Carizza bilang best Actress sa Aliw awards sa dulang “Ondoy”.

 

carizza.

 

7.) ORLANDO SOL- Yung mahabang monologue ni Orlando sa stageplay na “Shock Value” ay enough na para mapasama siya sa aming list of ten most outstanding performances. The way he delivered his lines on drugs, sex, prostitution, homosexuality were so natural, yet so deep. Tunay namang napakagaling din ng baguhang aktor na ito. At ang “aura” niya onstage ay very captivating.

 

orlando.

 

8.) ALLEN DIZON- Sa pelikulang “Sigwa”, directed by Joel Lamangan at isa sa mga naging entries sa Cinemalaya 2010, nakita namin ang isa sa pinaka-memorable acting GREATNESS  ng isang lalaking artista. At si Allen Dizon yun. Dun sa eksenang magbabaril sa kanyang lalamunan si Allen para patayin ang kanyang sarilinung matuklasan ng kanyang asawang si Maegan Young na isa pala siyang espiya na pinadala ng militar sa mga NPA, talagang tuhog ang eksena at napakagaling ni Allen. Kuhang-kuha niya ang “pain and angst”nung karakter niya. Huwag sanang ma-bypass ng mga kritiko ang kagalingan ni Allen sa pelikulang ito.

 

allen.

 

9.) VILMA SANTOS- Sa pelikulang “In My Life”, ipinakita ni Vilma Santos na kaya din niyang mag-transform sa isang kakaibang karakter. That, of an aging mom na nagpunta sa U.S. at nakialam sa lovelife ng homosexual son niya na ginampanan ng anak niyang si Luis Manzano. Napakagaling ng mga confrontation scenes ni Vilma dito opposite John lloyd Cruz. Isang “out-of-the-box” performance. Kakaiba rin ang approach na ginawa ni Vilma sa pelikulang ito.Kudos!

 

10.) JENNILYN MERCADO- Sa teleseryeng “Little Star”ng channel 7 naman namin nakita ang 10th outstanding performance sa list na ito. Ito ay sa katauhan ng aktres na si Jennilyn Mercado. Jennilyn could be the “Meryll Streep of Philippine cinema”. And why? Ang style niya sa pag-arte ay hindi OA. Very subdued, but very powerful, too. Ang mga labi  niya ay nangungusap. Sa mga eksena niya sa “Little Star”, very memorable yung mga highlight scenes nila ng co-star niyang si Rich Asuncion. Napakalawak ng acting range ni Jennilyn. Nilampasan na niya si Angel Locsin ng milya-milya pagdating sa pag-arte.

 

vilma.
jennilyn.

 

***HONORABLE MENTIONS:

 

ray an.
sid with cogie domingo in “muli”poster.
maribel.
piolo.

 

RAYAN DULAY- Napakalalim niya sa indie film na “Ben And Sam”, and you could feel the sensitivity of his portrayal as a gay man on campus.

SID LUCERO- Ang galing ng mga nuances niya sa pelikulang “Muli”.

MARIA ISABEL LOPEZ- very symphatetic ang pagkaganap niya bilang na-chop-chop na prostitue sa”Kinatay”.

at PIOLO PASCUAL- Ang peformance niya sa teleseryeng “Noah” ng channel 2 ay impressive. His eyes could speak!

 

robert silverio

2 comments on “ROBERT SILVERIO’s TEN MOST OUTSTANDING PERFORMANCES BY AN ACTOR AND ACTRESS IN THE YEAR 201

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s