PAALAM PO, TATANG VIC MORALES!


Pumanaw na ang batikang broadcaster na si Victor Isungga Jr. o mas kilala sa pangalang Tata Vic Morales.

Binawian ng buhay si Morales sa edad na 70 kaninang 8:30 ng umaga sa Marikina Valley Hospital dahil sa sakit sa atay.

Sumikat si Morales dahil sa kanyang mga voice over sa mga pelikula noong nakaraang mga dekada at isa rin siya sa mga pioneer ng ABS-CBN.

Naging kilala rin si Morales dahil sa kanyang radio program na “Minsa’y may isang awit” sa himpilang DWWW.Report from Johnson Manabat, Radyo Patrol

(Noong 1992-1994, nakasama ko si Vic Morales sa noo’y DWOO (naging DWWW) , himpilan ng MARECO BROADCASTING NETWORK ng mg Villar.  Siya ang aming naging Production Manager at wala kaming masabi sa sobrang propesyunal nyang makisalamuha sa aming mga staff niya.  Para sa’yo Tatang Vic, pumayao nawa kayo doon sa mundong lagi ninyong bubulabugin ang mga umaga bilang MR. TILAOK! Salamat po sa mga masasayang kwento tungkol sa istorya ng brodkast sa Pilipinas…  – eKLAvUMER aka Paul H. Roquia)

By eklavumer Posted in OBIT

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s