‘DULING KA TONI GONZAGA… DULING! DULING!’ – MARIEL RODRIGUEZ


KAPAG NAPAG-UUSAPAN ANG lovelife ni Mariel Rodriguez, kahit sino, titili ng “ang haba-haba ng hair” niya kay Robin Padilla.

Pero mukhang hindi naman kumpleto ang kasiyahan ni Mariel, nag-uumapaw man ang saya sa puso niya. Kasi nga, masamang-masama ang loob ni Toni Gonzaga sa kanya.

Hindi naman maidetalye ni Toni ang dahilan ng kanyang sama ng loob sa itinuring niyang kaibigan. Pero sa usap-usapan ng ilang common friends nila, may nagsasabing may karapatan si Toni na sumama ang loob kay Mariel.

“‘Pag nakikipagtsikahan si Mariel sa mga common friends niya, ang tawag niya kay Toni, si Duling. Nakarating kay Toni ‘yon.

“Kinumpronta niya si Mariel, kaharap si Anne Curtis na siyang sinabihan ni Mariel na duling si Toni. Natameme si Mariel.

“Si Anne din pala, bina-backbite din ni Mariel. Kinumpronta rin siya ni Anne. Si Kris Aquino, itanong mo kung ano naman ang sama ng loob ni Mariel kay Kris.

“Pansinin mo, hindi na rin umaapir si Mariel sa PWNW, dahil hindi siya like ni Kris. Dahil sabihin ba namang binubuwakaw ni Kris ang airtime at hindi na sila nabibigyan ng chance ni Robin Padilla?

“Eh, ‘di ba, nu’ng pumasok siya sa loob ng bahay ni Kuya, ang hilig din niyang mag-backbite? ‘Eto na naman ang problema ni Mariel, backbiting.

“Sa usapang ito, tahimik lang si Mariel, piniling ‘wag na lang magsalita. Hoping naman ang ilan na hindi sana totoo ang isyung ito kay Mariel. Dahil kung totoo nga, sayang naman ang pagkakaibigan nila ni Toni.

Baka kailangan na ring daanin sa isang closed door meeting, para maayos na.

pinoy paparazzi

2 comments on “‘DULING KA TONI GONZAGA… DULING! DULING!’ – MARIEL RODRIGUEZ

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s