ALICE DIXON , BALIK-SHOWBIZ!


ISA si Alice Dixson sa nagmarka noon sa showbiz dahil sa pagkakaroon ng napakagandang mukha. Hindi nga lang masyadong nagtagal si Alice sa showbiz na sumikat din noon sa commercial lalo na sa isang Palmolive soap commercial na hanggang ngayon ay tandang-tanda pa natin ang pamoso niyang line na “I can feel it” with Shiela Ysrael.

Nakagawa rin siya ng ilang pelikula mostly sa Regal Films pero ‘yun na nga bigla na lang siyang naglaho.

Pero nakumbinsi ng TV5 si Alice na magbalik-showbiz at magbalik-telebisyon. Kaya lang this time, pang-mother role na lang siya which is understandable naman dahil may edad naman talaga by now si Alice.

Siya ang magiging nanay ni Alex Gonzaga (yes, pakakawalan na ng TV5 si Alex into serious acting) sa teleseryeng Ang Babaeng Hampaslupa.

Isa itong tearjerker at ito ang isang sangkap ng teleserye na tila nawawala na ngayon kaya ibabalik ito ng Singko.

Buhos din ang pagbi-build up ng TV sa mga kabataang may K na sumikat gaya na lang nitong kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis na ipinakilala ng TV sa mismong Christmas Party nito for the press the other night sa Broadway Centrum.

Maganda rin si Jasmine. Magaling sumayaw at ngayon pa lang ay mukhang may kalalagyan na siya sa TV5.  Magiging leading lady siya ni JC de Vera sa remake ng Ang Utol Kong Hoodlum, isang kumitang pelikula noon nina Robin Padilla at Vina Morales.

Ang kinagigiliwan noong Bagets movie ay ire-remake na rin ng TV5 for TV at ipakikilala rito ang mga bagong mukha.

At ang nakakalokah ay ang pagbabalik ng Iskul Bukol na kinagiliwang gag show noong araw.

Talagang hindi na paaawat ang TV5 sa pagsabay nila sa dalawang malalaking network.

TIMMY BASIL

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s