“BIKINI CONTEST” PINAG-IINITAN NG SIMBAHAN!


pizap.com13640843382271NEWSFLASH : Mayroong bagong pinaniningkitan ng mata ang ilang opisyal at obispo ng Simbahang Katolika. Ito ay ang kaliwa’t kanang bikini contests na usung-uso tuwing summer.

Para kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, nagpo-promote lamang ng ito ng pagnanasa kung saan ang mga lalaki at babae ay rumarampa sa publiko na ang suot ay “skimpy swimwear”.

“It lowers the morality so we are against anything that lowers the morality and all of its manifestations,” ayon kay Arguelles.

Ayon naman kay Fr. Conegundo Garganta, Exe­cutive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY), bukas siya sa ideya pero dapat na malinaw ang intensyon ng pagdaraos nito.

“Activities similar to this, while tolerated, should and must be conducted with a pure intention of affirming not only physical beauty but also that of clarity of values. This should not promote exploitation of women but celebrate possessing beauty and the responsibi­lity attached to it,” ayon kay Garganta.

Sinabi pa ng CBCP official na dapat maunawaan ng mga sumasali rito na ang pagkakaroon ng magandang mukha at pa­ngangatawan ay may kaakibat na responsibilidad.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s