ARNO FUCHS : SABIT SA SEX SCANDAL UPLOAD


SetCard ni Arno Fuchs aka Arno Morales

SetCard ni Arno Fuchs aka Arno Morales

Magpatuloy sa pagbasa

ANNABELLE RAMA : ‘MAKARMA KAYO!’


Parang ginagawang katatawanan lang ni Anabelle Rama ang WARRANT OF ARREST na inisyu laban sa kanya ng QC RTC.  Tuloy pa rin siya sa pagtutweet at mukhang wala siyang balak na magpakumbaba sa kinakaharap na mga demanda.  Mas makabubuti pa sana sa kanya na manahimik nguni’t sadyang wala ito sa kanyang pagkatao kung kaya’t patuloy niyang idinidiin ang sarili sa kapahamakan.  Sinasabi niyang ito (ang mga demanda) ang kanyang napala sa pagtulong sa isang pamilya na makatikim ng ginhawa nguni’t hindi nya kaagad na naisip na noon sanang naramdaman niyang hindi na siya masaya sa kanyang pagtulong ay dapat sa legal na paraan ang kanyang niyakap sa halip na siraan si Nadia at ang pamilya nito sa social networking sites.  Marami tuloy nagsasabi ngayon na malapit na talagang magsuot ng ORANGE ang ina ni Ruffa, Rechards atbp… Tsk Tsk Tsk…

ANABELLE RAMA INISYUHAN NA NG WARRANT OF ARREST


FLASH REPORT : Biglang maaalog ang mundo ni ANABELLE RAMA maya-maya lang sa oras na matanggap niya ang isang warrant of arrest mula sa isang QC RTC office dahil sa kanyang pagbabale-wala sa arraignment para harapin ang 16-counts of libel na nauna nang isinampa ni Nadia Montenegro laban sa kanya.  Ganyan talaga kapag kabi-kabila ang kaso sa isang tao, ang tendency nito ay makukulong talaga ito.  Masaya naman daw si Nadia dahil sa wakas ay mabibigyan na ng hustisya ang kaapihang dinanas niya at ng kanyang pamilya mula kay Rama. Ang problema lang nyan ay kung nasa Las Vegas siya at biglang magbalak na huwag nang umuwi muna! Choz. Magpatuloy sa pagbasa