80s PENESTAR ISADORA, AYAW MAGBAYAD NG UTANG!


80s PENESTAR BALASUBAS… kawawa naman ang mag-inang Vangie at Punky Arevalo, biktima ng kabalasubasan ng 80s penestar na si ISADORA. Sobrang kapal raw talaga ng mukha nito dahil sa loob ng halos tatlong taon ay hindi pa rin siya nagbabayad ng inutang na pera at ilang paninda na nagkakahalaga ng halos 25,000 pesoses… kung tutuuusin ay maliit na halaga yan pero ang siste kasi eh UTANG nga. Magpatuloy sa pagbasa

ANNABELLE RAMA : ‘MAKARMA KAYO!’


Parang ginagawang katatawanan lang ni Anabelle Rama ang WARRANT OF ARREST na inisyu laban sa kanya ng QC RTC.  Tuloy pa rin siya sa pagtutweet at mukhang wala siyang balak na magpakumbaba sa kinakaharap na mga demanda.  Mas makabubuti pa sana sa kanya na manahimik nguni’t sadyang wala ito sa kanyang pagkatao kung kaya’t patuloy niyang idinidiin ang sarili sa kapahamakan.  Sinasabi niyang ito (ang mga demanda) ang kanyang napala sa pagtulong sa isang pamilya na makatikim ng ginhawa nguni’t hindi nya kaagad na naisip na noon sanang naramdaman niyang hindi na siya masaya sa kanyang pagtulong ay dapat sa legal na paraan ang kanyang niyakap sa halip na siraan si Nadia at ang pamilya nito sa social networking sites.  Marami tuloy nagsasabi ngayon na malapit na talagang magsuot ng ORANGE ang ina ni Ruffa, Rechards atbp… Tsk Tsk Tsk…