ALIWAN AVENUE’s TOP 10 GREAT FILIPINO ACTRESSES


Magpatuloy sa pagbasa

SUPERSTAR NORA AUNOR at BRILLIANTE MENDOZA MAGSASANIB PUWERSA SA ‘THY WOMB’!


UltraPowerCast ng 'THY WOMB' ni Brilliante Mendoza

Wala na segurong makapipigil pa sa paggiling ng kamera at pagdaloy ng malikhaing dagta ni Brilliante Mendoza ngayong nakahandang magshooting ang kanyang pelikulang ‘THY WOMB’.  Dobleng kilig rin ito para sa  premyadong direktor dahil ang kanyang pangunahing artista ay ang nag-iisang SUPERSTAR NORA AUNOR lang naman! “In terms of look, it’s gonna be a lot… panoramic!” , ang tanging nasambit niya dahil ang kabuoan nito ay ilalatag sa matulaing mga lugar sa TawiTawi. Sa ngayon ay wala pang mga detalyeng mapipiga mula sa produksyon nguni’t tiyak nang kasama ni Ate Guy sina Lovi Poe, Bembol Roco at ang Indie Queen na si MERCEDES CABRAL!  ABANGAN!

UPDATE NI REY PUMALOY , April 11, 2012: Sa Sabado na ang alis ng Superstar na si Nora Aunor patu­ngong Tawi-Tawi para sa shooting ng indie film na ididirek ni Brilliante Dante Mendoza, kasama sina Lovi Poe, Mercedes Cabral at Bembol Rocco, ang Thy Womb. Hindi maiwasang kabahan ni La Aunor sa pagtungo sa Tawi-Tawi dahil bukod sa pinakadulo na ito ng Mindanao, may mga naririnig siyang bali-balita tungkol sa naturang lugar. Magpatuloy sa pagbasa